13. Keila. (Edited)

10.9K 321 6
                                    


'I know you, Death'

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kagabi at yung nakasulat dun sa papel. Sino ang may-ari ng pana na yun? Its just an ordinary arrow. Pero ang gumamit ng pana, alam kong magaling siya. Alam kong malayo ang kinaroroonan niya sa pwesto namin. Alam ko ring nasa paligid lang siya. Hindi ko lang siya kilala. Wala rin akong maisip na sino ang may gawa nun. 'Shit!-'

"Ms. Lee, youre not paying attention in my class, don't you?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang instructor namin. Nakuha namin ang atensyon ng buong klase. 'I hate attentions'

Wala akong balak magsalita. Wala akong panahon sa instructor na ito. Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. Naramdaman ko namang napatingin sina Clynn sa direksiyon ko.

"Headache," Pagkasabi ko nito umalis na ako sa room. Pero bago yun narinig kong tinawag ng instructor ko ang apelyido ko at pati na rin sina Clynn. Hindi ko na sila pinansin. Dumeretso nalang ako sa punong pinag-stayan ko. Umakyat ako at ipinikit ang mga mata ko. Kulang ako sa tulog kagabi. Naalala ko naman ang napag-usapan nila Clynn kagabi habang hinahatid nila ako sa unit ko.

***

"Okay na ba talaga kayo?" Tanong sa amin ni Kaiser. 'Paulit-ulit talaga?'

"Oo! Salamat talaga kay bespren!" Bulyaw ni Winston. Hindi ko alam kong anong pumasok sa katawan niya at kung makadikit sa akin parang gecko. Nung una kulang na lang na burahin niya ako sa mundo at inis na inis sa akin.

"Epekto ba yan sa pagkaka-tumba mo, Winston?" Tanong sa kanya ni Clynn.

"Huh? Ang alin?" Maang na tanong ni Winston sa kanya.

"You hated Keila but now? Bespren mo na siya ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yurii. Napatingin ako kay Winston at tinaasan ng kilay.

"Ahh, kasi napag-isip-isip ko, na kahit I'm rude to Keila, niligtas pa rin niya ako" Pagpapaliwanag nito sa kanila. Pero habang sinasabi niya yun alam kong nahihiya siya. Nakayuko at napakamot nalang ito sa kanyang batok.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon