Nandito ako ngayon sa unit ko, habang hawak ang pitong folder na may lamang mga info's.
Hindi ako pumasok kanina dahil pinasok ko ang Master's Lab, doon ko kinuha ang mga folder. Sayang nga at hindi ko nakuha ang info ng school. Ika nga nila curiosity kills a cat kaya muntikan na akong mahuli but cat has nine lives kaya buhay ako ngayon.
Sinagot ko yung tawag sa phone ko dahil kanina pa yun ring ng ring, and it was Hannah.
Kinuha ko ang isang folder at binasa ito.
Leyson Grey
19 years old
2nd year college, Business Administration, Finance
Half Japanese and half Filipino, wala na itong pamilya dahil namatay ito. I scanned it at tumambad sa akin ang isang pahayag kong bakit namatay ang pamilya nito.
Parehas kami ng pinagdaanan, nilooban ang kanilang bahay ng mga armadong lalake at pinatay ang kanyang ama't ina, hindi rin pinalagpas ang kapatid na babae nito, his twin actually.
Binasa ko lang lahat ng folder kinuha ko.
Hannah Yuu, 18 years old
2nd year college, Business Administration, Finance
Only daughter of Mr. Hans Yuu and Anna Yuu. Lahat ng kanilang business ay may kapit sa mga Fujiwara. Ang kanilang pamilya ay matalik na kaibigan ng mga Fujiwara.
Clynn Teiko, 19 years old
Fynn Teiko, 18 years old2nd year college both taking up Business Administration, Finance
It was the Fujiwara Clan ang nag papasok sa kanila sa Crimson Academy at wala namang nakalagay kay Leyson kung paano siya nakapasok sa Academy. Kailangan ng malakas na kapit para makapasok sa Crimson Academy.
Si Tita Fina lang din ang nagtataguyod sa kanilang dalawa, may business rin silang resort.
Winston Flint, 18 years old
Nag-iisang anak at ang kanyang magulang ay isa sa mga pinakamayamang business tycoon. Kaya pala nakapasok ito sa Crimson, because of his family. I cant believe it that Winston came from the well known family, the way he acts, its different. He's childish at parang walang patutunguhan ang buhay.
Kaiser Ferrer, 19 years old
Pagkabasa ko palang sa pangalan niya, ang lakas ng tibok ng puso ko. 'Weird' May kapatid na babae ito si Kaisey Ferrer, pareho silang sa Crimson Academy, Ferrer was one of the underlings of Fujiwara Clan.
Hindi ko mawari, nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Pinilig ko nalang ang ulo ko. Hindi ko nalang tinapos ang iba nitong info.
Last one, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, pero hindi kagaya sa nararamdaman ko kay Kaiser.
Yurii Fujiwara, 19 years old
2nd year college, Business Administration, Finance
May dalawa itong kapatid pero sa kasamaang palad nawala ang bunso nitong kapatid na babae.
'Teka, nawawala?'
Yukii Fujiwara, ang nakakatandang kapatid nito. Hindi nilagay ang pangalan ng kanilang bunsong kapatid. Jeremy Fujiwara ang pangalan ng kanilang ama at Yuria Fujiwara ang kanyang asawa. Sila ang nangunguna sa business world, Yurii and Yukii are the soon Fujiwara Heirs.
Yukii, may posibilidad na kapatid ni Yurii ang nasa Arena at yung lalakeng nasa Shishin Empire.
I can use Yurii, but heck! I cant. Honestly speaking, ayaw kong masira ang pagkakaibigan naming pito. Yes, ang kanilang pamilya ay sa mga Fujiwara nabelong, at ako sa katunggali ng mga Fujiwara which is the Hayashi. I was worried also kay Clynn. 'Are they already know?'
Maghahatinggabi na at mulat pa rin ako, hindi matanggal sa isip ko ang pamilya na meron si Yurii, ang bunsong kapatid nito na babae, hindi pa ito patay, nawawala lang. I am 18 years old, at 15 years na nilang hinahanap ito. 3 years old ako ng kinupkop ng pamilya Lee. Ibig sabihin nawala ang kanilang bunsong kapatid sa edad na 3.
'No, mali ito,'
Kahit hindi ko man magawa, nasa isip ko parin ang tunay kong pamilya. Galit ako sa kanila. Napailing na lamang ako.
'What if ako yung kapatid nila Yurii?'
That's a bullshit. Maimpluwensya ang kanilang pamilya habang ako, ibinenta ng isang katulong.
Why am I thinking this fucking stuff? Wala akong paki-alam sa kanila.
Late na akong nagising kaya dali-dali akong nag-ayos, nagkagulo-gulo ang suot kong uniform, open ang dalawang butones sa itaas at ang necktie ay wala sa kwelyo nakalagay kundi sa leeg ko mismo. Flat shoes na rin ang sout ko. Hindi na rin ako nag-abalang ayusin ang hanggang bewang ang buhok ko, basta agad na kong kinuha ang susi ng motorbike ko at pinaandar ng mabilis patungong school, nakalimutan ko narin ang kumain.Pagka-park ko, agad naman akong tumakbo patungong third floor, dahil nga puno ang elevator, no choice kaya naghagdan na ako. Nadaanan ko si Leyson at ang sama ng titig sa akin hindi ko nalang iyon pinansin.
Pagkabukas ko ng pintuan sa room namin, agad natahimik ang mga kaklase ko.
Walang instructor akong nakita, puro mga estudyanteng nagkakatuwaan."Yow, bespren! Wala si prof!"
'Bloody hell? Fuck! Shit!'
Huminga muna ako ng malalim to compose myself. Naglakad ako papunta sa upuan ko at nakita ang Black Royalties na nagpipigil ng tawa but only Kaiser ang nakatulala habang nakatingin sa akin. Isali niyo na rin si Hannah.
"Oh my Gosh, Keila! Your so hot!" Sinamaan ko ito ng tingin at ngumisi lamang ito.
Padabog akong umupo at sumubsob sa desk.
'I skip my breakfast, I didn't bother to look myself , and then, no class?!' Fuck!'
"Hindi mo ba natanggap ang text ko?" Hindi ko naman bitbit ang phone ko.
"I texted you na swerte ka ngayon dahil wala ang prof nating masungit," Hindi ko nalang pinansin si Hannah dahil sa naiinis ako.
Tumayo ako at naramdaman kong napatingin sila sa akin.
"Where are you going, Kei?" Napataas ang kilay ko nang bigla akong tinanong ni Yurii.Naalala ko naman ang nabasa king Info's sa kanya.
"Cafeteria,"Hindi ko maiwasang hindi maging cold towards him. I don't know why, he saved me once, dapat maging maayos ang pakikisama ko sa kanya, sa kanila. He's a Fujiwara, hindi dapat ako maattached sa kanila. But they are already my friend. Sinunod ko lang naman ang sabi ng puso ko. Kung saan ako masaya, doon ako. Masaya ako sa kapag kasama ko sila, si Hannah at ang Black Royalties.
Pagkakuha ko sa order ko agad na akong pumwesto sa mesa at nilantakan ang pagkain. Ilang subo ang ginawa ko nang may naramdaman akong presensiyang paparating at umupo ito sa kaharapang silya. Tiningala ko ang ulo ko at bahagyang nagulat.
"Leyson?"
----
BINABASA MO ANG
DEATH: The Bloody Queen
ActionIsang sikat na mamamatay tao na naipadala sa Pilipinas para sa isang misyon. Napunta sa isang kakaibang school. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? She's heartless when it comes in killing. Ngumingiti, pero mararamdaman mo ang pagiging cold dahil sa...