58. Keila and Hannah

2.8K 53 0
                                    

Lumapit ako sa gilid at kumuha ng isang katana na nakasabit sa pader. Nakita ko si Master J na napangisi at si Grey na napakunot ang noo.

Lalabas na sana ako ngunit napatigil ako dahil pinigilan ako ni Grey. Hinawakan nito ang wrist ko.

"Wait, Keila! Are you fucking serious?"

"What do you think, Leyson?" Malamig kong tugon sa kanya. Tinawag ko siya sa pangalan niya para malaman niyang seryoso ako.

"Are you going to kill your brother?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Napangisi lang ako sa naging tanong niya. Isang malademonyong ngisi na alam mong may hindi magandang mangyayari. Napansin kong medyo kinabahan si Grey dahil napalunok ito.

Tiningnan ko muna si Master J at nakangisi lang naman ito.
"Matagal mo ng gustong makaharap si Night diba? This is your chance to face him," Tumawa ito, wala naman akong imik nanatiling blanko ang mukha.

Lumapit ako sa may pintuan at kinuha ang isang katanang naka sabit doon. Dahil mukhang naiwan ko ang katana ko sa Mini Forest ng school.

"Keila, you don't-"

"Shut up," Hindi na naituloy ni Leyson ang dapat niyang sasabihin dahil pinatahimik ko na ito.

I was going to leave the room but Leyson stopped me again.
"You're insane," At binitawan niya ang pagkakahawak sa akin.

'I know, Grey' I muttered to myself.

"Goodluck, Death" Huling narinig ko kay Master J bago tuluyang nilisan ang silid kung saan naroon ang mag-ama.

Habang pababa ng hagdan, napansin kong nararamdaman ko ang mga tingin ng ibang mga tauhan ni Master J, at alam ko ring takot sila base sa kanilang ekspresyon, some are not wearing their mask kaya makikita mo talaga ang takot sa kanilang mga mukha, but then pinapakita nilang hindi sila na-aapektuhan.

Pagkalabas ko nadatnan ko ang mga taong naka-itim na may pinapalibutan. And I know, they are fighting with Night.

Nagsimula na silang mag-away, maririnig mo ang tunog ng mga katanang nagtatagis.
Tumigil ako sa paglalakad at iniayos ko ang pagkahawak ko sa katana ko.

'This is it' I muttered to myself.

I composed myself and smiled devilishly.

My most awaited scene is to face Night.

****

Hindi ko alam kung may balat ba si Keila. Malapitin kasi siya sa mg problema. After of what ive heard awhile ago about Kuya Kayne, im trying to call Winston para ipaalam sa kanila na dinukot si ang kapatid ni Keila.

'I mean ang kinakapatid ni Keila'

Pero hindi nito sinasagot ang mga phone calls ko. And also Fynn. Lahat ng Black Royalties ay hindi sinasagot ang mga tawag ko.

Ano ba ang ginagawa ng mga iyon?  Alam ba nila na dinukot si Kuya Kayne? Problema. Kay raming problema naman ang dumadating sa buhay ni Keila.  Pwede bamg gawing masaya si Keila?  They already found Keila. And Keila is the only cure that i know para gumaling ng tuluyan si Tita Selene.

Napatingin naman ako sa cellphone na may tumatawag. Its Winston.

[Sorry hindi nasagot tawag mo, may ginagawa kami. So, whats up?] Thanks God! Hindi na talaga ako mapakali rito. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito. Im not gangster o assassin. Osa lang akong hamak na ordinaryong babae.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon