8. Keila. (Edited)

11.9K 374 8
                                    

Binibilisan ko ang pagpunta sa school sakay ang board ko. Coz' I know I'm late.

Pagkarating ko sa room nasa unahan na yung prof at ang sama ng tingin niya sa akin. Sinuklian ko lang ito ng malamig na tingin at dumeretso na sa upuan.

Kaklase ko ulit si Clynn at yung lalaking kwago. Napansin ko ring masama ang titig ni Flint sa akin. 'Akala mo naman matatakot ako'

Malamig na tingin ang ipinukol ko sa kanila. Napaiwas naman sila ng tingin.

Umupo ako sa tabi ni Clynn, may bakante kasi at sinenyasan niya akong maupo dun.
"Why are you late?" Agad na tanong sa akin ni Clynn. Napansin ko rin na masama ang tingin sa akin ng mga kaklase ko, and all of them are girls.

"Napasarap sa tulog" Sagot ko naman. Tiningnan ko lang sila ng masama at nag-iwas naman sila ng tingin.

"Ahh. Whats with the T-square?" Tanong niya ulit.

"I know you know it , Clynn" Alam ko namang alam niya ang laman nito. Nagtatanong pa. Tss.
Napailing nalang ito.

"Sabay ka na samin" Agad niyang sabi sa akin. Huh? Saan naman?

"Where?"

"Cafeteria" Sabi niya sa akin. Bat nag-yaya to?

"Why?" Alam kong nakatingin ang mga kaibigan ni Clynn sa amin.

"Ipakilala kita sa mga kaibigan ko" Napatingin ako sa kanya. Ang mga mata kasi namin habang nag-uusap ay nasa unahan.

"I don't need friends" Agad kong tugon.

"Ang sabi ko ipakilala, hindi ko sinabing kakaibiganin mo" Pagpapalinaw nito sa akin. Inirapan ko nalang si Clynn at ibinalik ang atensyon sa prof.

"Tss" 'Bwesit! Napabara ako dun, ah! Hindi pa rin nagbabago' Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa prof.

Hanggang ngayon wala pa rin akong clue about sa Golden Crest. And wala akong balak humingi ng tulong kay Clynn.

Humikab ako sa kalagitnaan ng klase, buti nalang hindi ako nakita ng prof.
Idinukmo ko ang ulo ko sa desk. 'Inaantok pa talaga ako'
at pumikit. Naramdaman ko pa nga na kinulbit ako ni Clynn. 'Bahala ka, matutulog ako'

"Hmm.." 'Sino ba ang letseng kumukulbit sa akin?!' Natutulog ako. Kinulbit na naman niya ako.

"Shit! What?!" Sigaw ko dito. Napalingon naman ako dahil sa may sumigaw rin.

"Ayy pota!" Napatingin ako kay, 'sino nga to?' Nagulat siguro sa pagsigaw ko. 'Bakla ba to? Tss'

"Good morning, sleeping beauty!" Sarcastic na sabi ni Clynn.

"Sleeping nerd kamo" Sabi ni Fynn. Bulong ata. Tiningnan ko lang ito ng malamig pagkatapos kinuha na ang bag at board atsaka umalis.

**

Nandito ako sa cafeteria ngayon kumakain. Sa gilid ako pumuwesto, pang-apatan ang mga upuan dito kada table. At ako? Mag-isa. Sanay na rin naman.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon