Napatingin agad ako sa nag-salita. Agad kong nakita ang mga matang nakatitig sa akin, bakas dito ang pag-aalala. Nabaling naman ang atensyon nito sa hawak kong baril sa lalakeng naka-upo pero duguan na ito at wala ng buhay.
Nagtama ulit ang mga mata namin. He's blue eyes, na minsan ko na ring hinahanap kapag hindi ko ito nasisilayan. Ang presensiya nitong makapag-bibigay kalmado sa akin. Ang lalakeng akala ko ay lalayuan ako kapag nalaman niyang mamamatay ako. But I am wrong, nandito siya ngayon. Nandito siya sa silid kong saan may walang awang babaeng kumitil ng isang buhay.
Naglakad ito papalapit sa akin. Tumigil ito sa akin harapan. Hinawakan ang kamay kamay kong may hawak ng baril, dahan-dahan niya nitong kinuha sa akin at inilagay sa tabi. Napayuko naman ako dahil sa matinding kabang bumalot sa akin.
Hinawakan niya ang ilalim ng baba ko at inangat. Nawala saglit ang naramdaman ko kanina at napalitan ng pamumula. Inangat niya ito at agad nagtama ang mga paningin namin.
"I heard everything" Sabi nito sa akin. Hindi ko man lang naramdaman ang presensiya niya. At sinabi ko rin kina Silver na wag akong disturbuhin. But knowing Kaiser, baka may ginawa ito kaya nakapasok ito sa bodega.
Nanatili lang kaming nakatingin sa isat-isa.
"If you need help, I am here, we are here for you. Always remember that" Pagkatapos nitong sabihin sa akin agad niya aking niyakap. Yung mahigpit na yakap na hindi ka na talaga makakahinga. Pero si Kaiser to, eh! Kahit ipitin niya ako, hindi pa rin ako magrereklamo. In his arms I can feel that I am safe. At nakakalma ako.Hindi ako nakapagsalita. Nakita niya kong paano ko barilin yung lalake.
"Labas na tayo dito," Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng silid. Dumeretso kami sa kusina, kumuha siya ng baso, sinalinan ng tubig at binigay niya sa akin. Tinitigan ko muna ito bago kinuha at inumin."I know you have questions to ask, nandoon sila sa sala doon mo na tanungin lahat ng tanong mo." Sabi nito sa akin habang nakatitig sa akin. Ako ang unang umiwas, parang nakaka-hypnotize ang mga mata niya.
Unang tumungo si Kaiser sa sala, habang ako inaalala ang nalaman.
Si Master J ang pakana ng pagsugod ng mga armadong lalake sa bahay. But why? Ano ang kasalanan nila Kuya Kayne? May namumuong galit sa kalooban ko, lahat ng utos ni Master J ginawa ko, pero ito ang gagawin niya sa akin? Ang patayin ang tinuturing kong pamilya? 'Fuck him!'
Kinuyom ko ang dalawang palad ko. Nanginginig ako dahil sa tanging galit na nararamdaman ko. Pinaglalaruan lang ba ako ni Master J? Kung ganun, hindi ako aatras sa larong ginawa niya.
Tumayo ako at nagtungo sa may sala. Nadatnan ko ang Black Royalties, si Yukii, Kuya Kayne at Silver na tahimik na naka-upo. What the bloody hell are they doing here?!
"Silver," Lahat sila napalingon sa akin. Hindi ba nila ako napansin? O sadyang magaling lang talaga ako magtago ng presensiya? Anyways, babalik na ako sa dating Keila Maxene, yung bago ko makilala ang Black Royalties, yung walang mga emosyong mga mata, yung walang paki-alam sa paligid at tanging paghihiganti ang nasa isip.
"Ma-Master!" Kinakabahang napatayo si Silver.
"Itapon mo yung bangkay na nasa bodega"
"Ye-yes Master!" At nagmamadaling umalis ito.
"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig kong tanong sa kanila. Nakita kong napalunok si Fynn at Winston. May parte sa aking masaya dahil nandito sila, pero hindi ko pinapakita. I need to be strong, I need to stop my soft side.
"Baby girl, maupo ka muna" Napatingin naman ako kay Kuya Kayne, kakasabi ko lang na I need to control my soft side, pero heto, lumambot ang ekspresyon ko nang makita si Kuya Kayne na malungkot ang mga mata.
'Why?'
Tumabi ako kay Kuya Kayne kahit na naka-upo siya sa single-seater. Nakita ko naman na malungkot na nakatingin sa amin ang magkambal.
'Tss'
"So, ano nga ang ginagawa niyo dito?" Tiningnan ko lang sila gamit ang mga malalamig kong mga mata. Napabuntong hininga naman si Clynn.
"Sinundan kita dito kagabi, bigla ka kasing nagmamadaling umalis sa Black Mansion habang may ina-nounce si Mas-" Naputol ang dapat sasabihin ni Clynn nang bigla akong nagsalita.
"Dont mention his fucking name,"
"Keila!" Saway sa akin ni Kuya Kayne. Napa-kagat naman ako sa aking labi. 'I'm sorry Kuya Kayne, pero masasanay ka rin sa akin'
"Then, bakit sila nandito? I thought ikaw lang ang nakakita sa akin?"
"About that Maxene, sinundan ko lang rin si Clynn at nasundan lang ako nila Yurii"
So, that explains kung bakit sila lahat nandito. Gusto ko sanang itanong kung anong nangyari sa party kagabi, wag na lang at baka lalo lang akong magalit.
Binalingan ko ng tingin si Yukii na kanina pa tahimik.
"Ikaw? Why are you here? Bakit ka sumama?" Napa-angat naman ang kanyang tingin at nagtama ang mga mata namin. We have the same eyes.Matagal ito nakasagot.
"Miyu-""Its Keila" Pagtatama ko sa sasabihin nito. Napabuga naman ito ng hangin.
"Nalaman kong may sumugod dito, and I'm here to help"
"I dont need your help" Mabilis kong tugon dito. Tumayo ako at nagsimulang maglakad.
"Keila!"
"Maxene!"
"Be-bespren!"
Tawag nilang lahat sa akin. Napahinto naman ako pero nanatili lang akong nakatalikod sa kanila.
"I will talk to her, dito lang muna kayo" Narinig kong sabi sa kanila ni Kuya Kayne.
Dinala ako ni Kuya Kayne sa likurang bahagi ng bahay. Umupo kami sa bench. Konting katahimikan ang pumaibabaw sa amin.
"Baby girl, you've change a lot. Hindi kita susumbatan pero, they are your friends, right? They want to help you, I want to help you too, but I'm not a gangster nor an assassin." Pagsisimula ni Kuya Kayne, parehas lang kaming nakatingin sa kawalan. Napabuntong hininga naman ako.
"Being by my side, it is a big help for me, Kuya Kayne. You dont have to be a gangster or assassin, just be my brother, my family, my everything Kuya, kayo lang ni Mommy sapat na" Kusa nalang bumagsak ang mga luha kong kanina pa pinipigilan.
"We are always in your side, but dont you think you're being selfish, Baby girl? Hindi kami ang totoo mong pamilya, yung magkambal, I can see the same features, are they your real family?" Napatango naman ko.
"Kuya, I dont need-"
"Iba ang mararamdaman mo pag ang totoong pamilya mo na ang makakasama mo. Ang sarap sa pakiramdam, ikaw Baby girl, naramdaman mo ba yun?"
"Oo, Kuya Kaye naramdaman ko sa inyo yun" Pagsasabi ko sa kanya. It is true na naging masaya ako sa piling nila, pero tama si Kuya Kayne, iba nga ang pakiramdam, noong nakita ko si Mama, napakagaan sa damdamin.
"Dahil kami ang nakasama mo, kami ang namulatan mong pamilya kaya mo yan nasabi" Napatingin ito sa akin. Hinawakan ang kamay ko.
"Pero galit ako sa kanila, Kuya. Binigay nila-"
"Pero kung malaman mo ang totoo, I'm sure you will surely accept them"
Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. 'A-anong ibig sabihin ni Kuya Kayne? May alam ba siya?'
-------
BINABASA MO ANG
DEATH: The Bloody Queen
ActionIsang sikat na mamamatay tao na naipadala sa Pilipinas para sa isang misyon. Napunta sa isang kakaibang school. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? She's heartless when it comes in killing. Ngumingiti, pero mararamdaman mo ang pagiging cold dahil sa...