Nandito kaming lahat sa kwarto kung saan na assign si Fynn. Nakasandal ako sa welchair na kinauupuan ko. Habang si Hannah ay naliligo, katabi ko naman si Kaiser sa kanan ko at nasa kama naman si Clynn habang pinag mamasdan ang kanyang nakahigang kapatid.
May bandage na nakapalibot sa ulo nito at pati na rin sa braso, kahit puro pasa ang mukha, gwapo pa rin naman.
Maya-maya nagsalita si Yurii.
"What really happened, Keila?" Mahinahong tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot, bagkus inaalala ko pa rin kung bakit nagawa ko yun.I'm out of control, gusto kong iparanas sa kanila ang naranasan ni Fynn. Dapat mas sobra pa, alam ko ring may iba pang nandoon bukod sa mga lalaking naghahabol sa amin at sa kanya nanggaling ang panang sumugat sa akin.
"Maxene," Tiningnan ko si Kaiser, the way he calls me by my second name, parang sarap pakinggan. 'Enough with that shit, Keila!'
"What?"
"Tell us, what really happened"
Fuck! Bakit ba pag ibang tao nagagalit ako pag inuutusan? But when it comes to Kaiser, nevermind. Bumuntong hininga muna ako at nagsalita."May humahabol sa amin,"
"Tapos?" Nag-aabang ang mukha ng apat.
"Fynn, protect us. Natalo niya yung mga lalake, tapos." Walang ganang paliwang ko sa kanila. Gusto ko nang umalis dito, marami pa akong gustong gawin.
"Summarize na ba yun, bespren?" Tinaguan ko lang si Winston.
"Halata nga," Patango-tangong tugon nito.
"Aray ko!""Magseryoso ka nga," Binatukan kasi ito ni Clynn na seryosong nakikinig pala sa amin. Winston just pouted. I just rolled my eyes at mouthed 'gross'.
"Ang taray mo ngayon bespren, ha! Sinong sumugat sa iyo at mapasalamatan!" Pagbibiro nito at siyang nakapagtahimik sa akin. Speaking of that, nagtataka na talaga ako sa pesteng misteryosong archer na iyan. I can't feel his presence, really. Same arrows he used. I know nasa paligid lang ito nagmamasid.
Napansin ko si Clynn na nakatingin sa akin. Nang magtama ang paningin namin tumango ito at lumabas ng silid. Agad ko namang nakuha ang nais ipinahiwatig nito, I stood up at tiningnan si Kaiser na parang nagulat.
"Hey, just sit down baka sumakit yang sugat mo!" Sabi nito sa akin.
"Nah, I'm fine."
"You sure?"
"Yeah"
He sighed and take a small smile at ganun din ang ginawa ko but just a quick. Napapadalas na ang pagngiti ko kay Kaiser. Tss!
Tinaguan ko lang si Yurii bago lumabas. Sa parking lot na ako dumeretso dahil nagtext naman sa akin si Clynn.
"What?" Agad kong bungad sa kanya. Tinapon muna niya ang sigarilyo at agad nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
"Kilala mo ba ang nanghabol sa inyo?"
Nang tinanong ko yung lalake kanina, hindi niya alam kong sino ang nag-utos sa kanila. And I'm sure kasabwat sila nung pumana sa akin.
"I don't know, Clynn. But when the time comes na mahuli ko yung taong gusto akong patayin, sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa kapatid mo."
"What do you mean?" Nagtatakang napatingin ito sa akin. I did not answer him instead I just give him a playful smirk.
One week had passed, sa one week na iyon, nagising na si Fynn at bukas makaka-uwi na daw siya sabi ng doktor.
"Keila, dalawang araw na silang wala, hindi mo ba alam kung nasaan sila?" Nagtatanong si Hannah sa akin kung nasaan ang Black Royalties, well, except kang Fynn na nasa hospital hanggang ngayon at binabantayan ng kanilang magulang ni Clynn.
Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko naman alam kung nasaan lupalop sila napadpad, walang sinasabi si Clynn sa akin pati na rin si, umm-Kaiser.
'Dapat sinabihan man lang niya ako,'
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil sa naisip ko.
'Bloody hell! Why am I thinking this shit?!'"Okay class, lets continue our discussion tomorrow, we have an urgent meeting. Bye" Agad naman nag-paalam ang instructor sa amin. I don't know him, basta siya yung tinatawag kong, "Mr. Fucker" Ang hilig kasi nitong magmura kapag may pinapagalitan ito.
Pumunta naman kami agad ni Hannah sa cafeteria at agad pumwesto sa table ng Black Royalties, na sanay na rin kaming dito na pumwesto. May mga mata na namang ang sama ng tingin, but we don't give them a bloody care.
Nag-order naman si Hannah ng makakain namin. Maya-maya may narinig akong sumigaw.
"Fuck! Are you blind?!"
"So-sorry p-po hi-hindi k-ko p-po sinasadya," Nauutal at nakayukong paumanhin ng isang lalaking nerd. Hindi ko naman nakikita kung sino ang natapunan ng shake.
"He's dead!"
"Minsan na nga lang mapadpad si Leyson, natapunan pa!"
"Hindi naman kasi nag-iingat yang nerd, ayan tuloy makakatikim yan ng suntok!"
Sari-saring bulong ang naririnig ko sa cafeteria. I'm curious who the bloody hell is Leyson? Ang tagal ring bumalik ni Hannah.
Akmang susuntukin na sana nung lalaking tinatawag nilang Leyson yung nerd, pasimpleng kinuha ko ang dagger sa ilalim ng boots ko at agad na binato sa direksyon nung Leyson.
Napasinghap naman ang mga estudyanteng nanonood.
"Who the fuck did that?!" Nanggagalaiting sigaw nito.Naglakad naman akong patungo sa kanilang dalawa.
"Ako," Straight kong sabi.Lahat ng estudyante dito sa cafeteria ay napatingin sa akin at nagbulungan na naman.
Lumingon naman yung lalake habang hawak ang pisnging sugatan nang makita ko ang mukha nito, siya yung lalaki sa mini forest!Namumula ang mukha nitong nakatingin sa akin. I can see in his eyes that he's totally angry.
Sa isang iglap hawak na niya ang kwelyo ko, mahigpit ang pagkakahawak nito. Igting ang panga nitong nakatingin sa akin.
"Oh my gosh, Keila!" Rinig kong sigaw ni Hannah sa di kalayuang pwesto mula sa amin.
"Who.the.hell.are.you?!" Galit niyang tanong sa akin. I remained calm and silent, pagkatapos ay nginisihan ito na syang nagpagulat sa kanya kaya pagkakataon ko ng ibaliktad ang sitwasyon.
Napasinghap ulit lahat ng estudyante nang nasa likuran na ako ng lalake habang nakaluhod na ito. Nagulat naman ito at napa-cussed.
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nito at seryosong binigkas ko ang mga katagang nagpagulat sa kanya.
"That's how you say thank you to the person who help you?" Malamig kong sabi sa kanya at iniwan lang itong gulat at nakaluhod pa rin.
-------
BINABASA MO ANG
DEATH: The Bloody Queen
AkcjaIsang sikat na mamamatay tao na naipadala sa Pilipinas para sa isang misyon. Napunta sa isang kakaibang school. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? She's heartless when it comes in killing. Ngumingiti, pero mararamdaman mo ang pagiging cold dahil sa...