31. Hannah Yuu and Kaiser Ferrer (Edited)

7.7K 241 5
                                    

Ibang Keila ang nakikita ko ngayon. Oo, alam kong kaya niyang pumatay sa isang iglap, pero hindi ganito ang gusto kong masaksihan. Lahat ng makakalaban niya may parte ng katawan ang mahihiwalay. Pero hindi ko magawang magalit o matakot sa kanya. May konting takot naman akong nararamdaman, but not totally na dapat kamumuhian ko siya. She save me once, kahit ayaw niyang aminin alam kong tinulungan niya ako. Siya na rin ang nagsabi na hindi niya ako-kami pababayaan.

Nakahiga si Fynn sa mga binti ko habang si Keila ay sinasakal pa rin ang boss na nagpupumiglas sa pagkakahawak niya.

Hindi ko rin alam kong gising o ano itong si Fynn dahil sa maga na mga mata. Bugbog at sipa ang natanggap nito sa mga armadong lalake. Nakaka-awa ang hitsura ni Fynn ngayon. Napansin kong parang nanigas si Fynn. Naibaling niya ang ulo sa kinaroroonan ni Keila.

Nabitawan nito ang boss at parang may binunuot ito sa may tagiliran niya. Nang makita ko ito, isang pana. 'Saan naman nanggaling yun?'

Hindi ko alam kung magugulat o ano ang magiging reaksiyon ko sa ginawa ni Keila. Ang hawak nitong pana ay itinarak niya sa ulo ng boss, at maya-maya naglakad ito sa kinaroroonan namin pero pagkatapos ng ilang hakbang natumba ito.

"Ke-Keila!"

"Keila!"

Tawag ko sa kanya nang nakita itong bigla nalang natumba.
Dahan-dahang inihiga ko si Fynn sa lupa at agad tumakbo sa kinaroroonan ni Keila.

Dinaluan ko agad ito nang makalapit na ako sa kanya.
"Ke-Keila, a-are you okay?,"

"Yeah, I'm fine. How about Fynn?" Nakita kong hawak-hawak niya ang kanyang binti. Nang tiningnan ko ito may sugat na parang may nakatusok doon.
Inalalayan ko ito para makatayo,
"I'm fine-" I cut her words.

"P-pero may su-" Tiningnan niya ako ng masama kaya napayuko na lamang ako.

"I can walk, si Fynn ang dapat nating bigyan ng pansin." Oo, nga pala! Mas malala pala ang natamo ni Fynn. Paika-ikang naglakad si Keila sa kinalalagyan ni Fynn. Habang ako naman ay hindi alam ang gagawin.

Paano pag hindi na aabot si Fynn? Paano pag sisisihin nila kami sa nangyari kay Fynn? Hindi malabong mangyari yun, isa sa amin ang pakay nila at nadamay lamang si Fynn. Tapos paano kung may nakakita pala sa amin at makulong kami? Anong gagawin namin sa bangkay na nagkalat dito sa gubat?!

"Hannah, tulungan mo akong alalayan si Fynn!" Naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Keila.

Naginginig ang mga kamay kong inalalayan si Fynn.
"Everything is fine, Hannah. Napatay ko na silang lahat" Napatingin agad ako kay Keila habang naglalakad kami patungong sasakyan.

'Yun na nga eh! Napatay mo, pano pag may nakakita pala sa atin? Sayo?' Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya pero hindi ko tinuloy. Baka ma-miss interpret ito ni Keila.

"Yeah. Thank you, Keila" Ito na lang ang nasabi ko sa kanya. After ilang minutes nakarating na kami sa lugar kung saan namin naiwan ang kotse.

"Ako na ang magd-drive, magpahinga na muna kayo ni Fynn, okay?"

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon