26. Keila. (Edited)

8.5K 241 0
                                    

Mabilis lang ako nakarating sa hideout ng Shishin Empire. Pinaharurut ko lang naman ang motorbike ko.

Nandito ako ngayon na nakapwesto sa sanga ng isang puno na malapit sa isang bintana dito. Natatanaw ko rin ang mga gwardiyang nagroronda sa ibat-ibang bahagi ng Empire.

I will just observe first, before I make my move. Wala akong alam sa mga underlings ng mga taga Shishin Empire, only I know na under sila sa Fujiwara Clan. Speaking of Fujiwara, that was the last name of Yurii, right? I wonder what his connection in that clan, knowing that Fujiwara Clan are one of the most influential Empire in the world. Ito ang pinaka-kumpetensyang clan ng Hayashi, which where I belong.

If ever na connected siya in that clann. Maybe, just maybe na isa ito sa mga rason ni Clynn. Remember barkada niya ito.

Back to my business, kinuha ko muna ang tablet na dala ko at tiningnan. Gamit ang virus na kinonek ko sa mga CCTV cam nila, I can see that the men's in the gate are just relaxing but they are alert. Sa West Wing naman ng kanilang pasilyo ay may mga taong busy na naglalakad, papasok at palabas ng isang silid. Sa East naman kung saan malapit lang ang punong kinalalagyan ko ay may isang lalaki akong nakita na papasok sa isang silid na may bitbit na kahon. 'Anong laman nun?'

Sa likurang bahagi naman ng Empire, pintuan lang ang makikita ng CCTV. Mukhang restricted ito. Maybe diyan nakatago ang Crest? Tiningnan ko muna kung anong oras na. 5:45 Pm.

'Siguro madali lang makuha ang Golden Crest, they're weak-wait'

'If they are weak, bakit sila ang nagbabantay ng Golden Crest?'

Aish. Bat ngayon ko lang to naisip?

'Bahala na nga! Yung dalawang lalaki ang nagsabi, na nandito ang crest'

Eksaktong pagpatak ng alas-sais, walang tao sa East Wing, tumalon-talon ako sa bawat sanga ng puno. Maingat akong nagpalipat-palipat, at sa wakas nakatapak na ako sa sahig ng East Wing.

Kahit may CCTV lakad lang ako nang lakad, hindi naman nila ako nakikita because I hack there system. Napakatahimik. Binubuksan ko ang mga pintong nadadaanan, wala rin akong paki-alam kung may makikita man sa akin, hindi naman nila ako makikilala. I'm wearing a black mask, at siyempre hindi ako magdadalawang isip na patayin sila. Kada pintong nabubuksan ko, puro office lang ang bubungad sa akin. Wala namang kakaibang bagay. Until the last door, yung pinasukan ng lalaki na may bitbit na kahon. I slowly open it at bahagyang nagulat sa nakita ko. Wala kang gamit na makikita bukod sa isang bagay maliit na cabinet at may nakalagay sa ibabaw nito. Pinuntahan ko ito, hindi ko muna kinuha dahil baka may alarm ito.

Gamit ang dagger, pinunitan ko ang ibabang bahagi ng aking damit at bahagyang itinapon sa bagay na nasa ibabaw ng cabinet. At hindi nga ako nagkamali. Tumunog ang alarm, dali-dali naman akong nagpalinganga para humanap ng pagtataguan.

'Bloody hell! Wala akong pagtataguan'

May naririnig akong tunog na parang may nagmamadaling papunta dito. Narinig ko nalang na bumukas ang pinto.

"Ayon! Hulihin siya!" Sigaw ng isang lalaking naka-itim. Lahat pala sila naka-itim. Walo silang lahat.

Hindi na ako nagdadalawang isip at agad na sumugod. Kumuha ako ng shurikens sa loob ng jacket ko at agad na itinapon sa lalaking susugod sa akin. Sapol sa ulo!

Sumunod naman ang dalawa pang lalaki na may hawak na katana. Tumakbo sila papalapit sa akin, para hindi na sila mahirapan pa, mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ako sa kanila at ilang dangkal na lang ang natira, bago pa nila ako matamaan ng katana, tumalon ako at nagtumbling patungong likod ng dalawa at bago ako maglanding sa sahig kinuha ko ang dalawang daggers at itinapon sa dalawa pang lalaki na naghahandang sumugod sa akin. Sa ulo ko sila tinatamaan, parang signature na rin ni Death kapag pumapatay.

At pagkalanding ko naman hinugot ko ang katana na nasa likod ko at agad iwinasiwas patagilid sa bandang balikat na lalaki at tumagos sa katabi nitong lalaki. Nahulog ang dalawang ulo ng dalawang lalaking may hawak na katana.

Narinig ko namang napasinghap pa ang tatlong natitira. I just smile devilishly kahit hindi nila makikita.

"De-demonyo!" Agad namang akong napalingon sa lalaking malapit sa sulok. Dahan-dahan namang akong naglakad palapit sa kanya.

"Really?" Malamig kong tugon.

"Wa-wag k-kang lumapit!"

I love watching them having fear in their eyes.

Bitbit ang katana kong sumagad sa sahig na may mga dugo pa. Inangat ko ito.

"P-please d-dont k-kill me," Pagmamaka-awa nito sa akin.

Akmang sasaksakin ko na ito pero may naramsaman akong presensya na pumasok sa pinto.

"Ituloy mo at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka," Kung isa ka lang normal siguradong maiihi ka sa malamig nitong boses. But knowing me, walang kinatatakutan. Hinarap ko ito at nakita ko ang isang lalaking seryoso kong makatingin. He's not wearing a mask, pero nakita ko na ito. Saan nga ba?

"Who are you?" Malamig nitong tanong sa akin. Hindi nito pinansin ang bangkay na nakapaligid sa amin.

Kibit-balikat lang ang naging tugon ko dito. At dahang-dahang naglakad papunta sa pakay ko. Naging alerto naman ito. Nagtataka naman ako kung bakit hindi pa ito sumusugod sa akin.

Iba ang nararamdaman ko dito. Kagaya kay Yurii, whenever if I'm with him, magaan ang loob ko, I can't explain kung bakit.

'Teka, itong lalaking to ang nakita kung naka-upo sa officials na nasa Gangster arena. Kaya pala pamilyar!'

"What are you doing?"

"Kinukuha ang pagmamay-ari namin," Pagkasabi ko nun, agad ko siyang tinapunan ng tatlong dagger at dali-daling naglakad patungong bintana bitbit ang kahon. Narinig ko pang nagmura ito. Tumalon ako at pagkalapag ko sa lupa nakita kong dumungaw ito at ngumisi napakunot ang noo ko dito. Tiningnan ko ang kahong hawak ko at dahan-dahang binuksan.

"Patay tayo dito," Nasabi ko na lang nang makita kong hindi ang Golden Crest ang laman dito kundi time bomb.

3

Nanlalaking matang tinapon ko ito basta-basta.

2

Pinulot ko muna ang katanang inilagay ko sa lupa.

1

Dali-daling tumakbo ako.

*BOOOOOOM*

Pagkarinig kong sumabog ito tumilapon ako sa lugar kong saan naka park ang motorbike ko.

'At talagang sakto pa sa motorbike ko, ha? Bloody Hell'

Napa-daing naman ako pagkatayo ko. Hinawakan ko ang bandang balikat ko at naramdamang may sugat at tumutulo ang dugo. Dali-dali naman akong pina-andar ang motorbike ko at pibaharurut na pinatakbo.

'Hindi naman siguro ako mauubusan ng dugo nito, ano?'

At isa pa sa problema ko, mission failed!

Bwesit talaga naisahan ako! Lait pa more. Fuck talaga!

--------

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon