55. Black Royalties

7.1K 233 15
                                    

Kararating lang ng Black Royalties sa Crimson Academy at agad dumeretso sa kanilang room.

"The F, bro! Okay na sana tingnan pag-likod! Puta! Hipon pala!" Sabi ni Winston habang naglalakad sila at tumawa ng malakas.

Napailing na lamang si Fynn dahil sa inasta ng kanyang kaibigan. Sa kanilang mag-kakaibigan, si Fynn at Winston ang nagkakasundo. Isang kalog at isang may pagka-seryoso. Habang sina Clynn, Kaiser at Yurii ang magkakapareha. Mga ugaling may pagkamalamig at palaging seryoso.

"Bagay naman kayo kaya quits lang!" Nagpipigil naman ng tawa si Fynn dahil sa naging mukha ni Winston na hindi maipinta.

"Wag kang sinungaling, masama yan kaliskis!"

"Ikiskis ko yang mukha mo sa kili-kili ng hipon na yun, eh!" Inis na turan nito sa kanyang kaibigan.

Sila lang dalawa ang tanging nag-iingay habang naglalakad habang ang tatlo ay seryoso lang. Nakakunot-noong naglalakad si Clynn na parang may ibang nararamdaman.

'What am I feeling right now?'

Hindi alam ni Clynn kung ano ang kanyang nararamdaman ngayon. Panatag na ito dahil nagbalik na ulit si Keila ang kaisa-isang babaeng matalik niyang kaibigan. Nagtataka pa ito dahil sa mga sugat na natamo pagkabalik nito, pero hindi niya ito naitanong dahil gusto na muna niyang magpahinga si Keila. Ipinagsawalang bahala na lang nito ang kanyang naramdamang kakaiba.

'I am truly, madly, deeply in love with you'

Bumilis naman ang tibok ng puso ni Kaiser nang marinig niya ang kanyang pinakikinggang music sa kanyang cellphone. Unang pumasok sa kanyang utak ang imahe ng isang babae na madalang lang kung ngumiti.

Ang babaeng minsan na niyang kinatakutan, pero kanyang minahal.

'You're driving me crazy, Maxene'

Sambit nito sa kanyang utak. Napalingon naman ito sa kanyang gilid at nakita ang daan patungong cafeteria at ang Mini Forest. Biglang bumilis ang tibok ng puso nito, hindi dahil sa iniisip nito si Maxene, kundi dahil nakaramdaman ito ng takot at kaba na katulad rin ni Clynn, hindi niya alam kung bakit. Pero naalala nito ang kanyang naramdaman ay kagaya nung nakita niya si Keila na nawalan ng malay, nung kinarga niya ito at dinala sa clinic.

Naisip niya na baka may nangyari na namang masama sa babaeng mahal niya ngunit naisip rin niyang kaya nito ang sarili o hindi naman kaya ay nagpapahinga ito dahil sa sugat na natamo nito, kung saan man ito nakuha wala siyang idea.

Habang si Yurii naman ay deretso lang ang tingin sa daan na may malalim na pag-iisip. Marami itong iniisip na mga bagay.

'Ano ang gagawin namin para makuha ang loob ni, Keila? Ng kapatid kong si Miyuki?'

'Paano ko ipapaliwanag kay Daddy na si Keila at si Death ay iisa?'

Hindi rin nawala sa kanya kung paano niya nalaman na si Keila at si Death ay iisa.

Nakita niya si Keila sa ilalim ng puno na naka-upo at nakasandal ito sa puno. Pinagmamasdan lamang niya ito at napansing may kinuha si Keila sa kanyang palaging dala na T-square. Dahil sa kuryusidad nito, hinintay nito na matapos si Keila sa kanyang gagawin. Lumapit pa ito sa pwesto ni Keila, sakto lang para makita niya ang bagay na iyon. Hindi na niya inalintana kung mararamdaman ba siya ni Keila o hindi.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon