1st Plan

163K 1.6K 61
                                    

"What?? No mommy, hindi pwede ang gusto niyo! Ang sabi niyo ni daddy, magbabakasyon lang tayo dito. Pero anong nangyari? All of a sudden, you wanted to stay here for good? Mag 9th grade na ko. Seriously? Gusto kong maging valedictorian... pero paano na yun? Imposible na kung mag ta-transfer pa ko."

"Sweetie, kailangan kasi ng daddy mo na tutukan ang shipping lines dito." Paano sila nakapag isip na mag tayo ng business sa gitna ng dagat, puno, gubat at kung anu pa?

"Mom, candidate ako for valedictiorian. How could you do this to me? Inaalis niyo sakin ang oppurtunity na maging valedictorian."

"Zeria, may magaganda ding school dito. Kagaya din ng dati mong school. Makakahanap ka din ng madaming friends dito. You'll love this place."

"Kung nandito lang sana si ate Riley, eh di sana maipagtatanggol niya ko. And where's daddy? I need to talk to him."

Napailing na lang si mommy at lumabas ng kwarto ko. Gosh! I'm hella stuck here in the province. Akala ko mag i-spend lang kami ng vacation dito for a month or two. Tapus dito na pala ko mag aaral. Transferee! 

Saan ako maghahanap ng boyfriend dito? Sa jungle? Okay, I'm so exaggerated. Nasa subdivision kami dito sa Batangas. Maganda dito at mukhang hindi probinsya. Pero paglabas ko ng subdivision na to... okay, maganda din naman. Pero okay na okay na ko sa Alabang, napapalibutan ng mga malls like ATC and Festival. Eh dito? Parang wala nga kaming nadaanan na malls nung nagpunta kami dito. Small establishments lang. Pero mabubuhay ba ko nun?

Hindi naman talaga ko mapili sa lugar... pero naman, nabuhay akong sa isang maunlad na lugar. Mas sanay ako sa polusyon. Naman!!

Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto ko... hindi sa nag rerebelde ako. Pero ang gusto ko si daddy ang kakatok sa kwarto ko, para alam kong nandyan na siya... saka kami mag uusap.

Ini-open ko yung laptop ko at nag facebook... habang nag i-scroll ako sa news feed, nababasa ko yung mga status ng mga classmates and friends ko... at naiinggit ako. Pero hindi ako naiinggit na nasa Boracay yung iba para mag bakasyon, yung iba naman nasa Hong Kong. Like duh! Ilang beses na kong nakapunta dun... naiiinggit ako dahil dun pa rin sila mag aaral sa Brillantes University. Paano naman ako? Ni hindi man lang ako nakapag good bye sa kanila.

Nagpunta ako sa terrace ng room ko, tanaw ko yung mga neighborhoods namin. 

"Hay!! Ang boring dito. Pero kung nasa Alabang kami... for sure napaka-active ng mga neighborhoods namin, may mga naglalakad lakad, nag ba-bike, nag ja-jogging... eh dito? May ibong lumilipad. Period."

"Gusto mo bang mag stroll sa park? Napadaan ako kanina dun... maraming namamasyal dun." Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na yun. Nakita ko si daddy na nakatayo sa may sliding door.

"What are you doing here, daddy?" Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bahay namin. Hindi ko man lang namalayan na nandyan na pala si daddy sa likod, yung totoo... may pag ka ninja siya? Itatanong ko nga yan mamaya kay mommy.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon