60th Plan

42.6K 602 28
                                    

Sinigurado ko na nakaayos na ang lahat ng lock ng bintana at mga pintuan. 6am ang flight ko at kailangan mga alas tres eh nasa airport na ko.

Pagkalabas ko ng unit ko, nakita ko si Jane na nakatayo sa gilid ng tapat ng unit ko.

"Good morning Miss Z."

"What are you doing here?"

"Ihahatid ko po kayo sa airport. Ay. Ako na po ang magbibitbit niyan." Lumapit siya sakin at kinuha yung dalawang maletang hilahila ko.

"Hindi ka na sana nag abala."

"Okay lang po, Miss Z. Ako lang po kasi yungWala kami. Dalawa lang kami ni joi na babae. Nandito naman mama at kapatid ni kuya king sinabihan niyo kung saan kayo pupunta. Kaya naisip ko na baka wala kayong kasama papuntang airport."

"Thank you, Jane." Nginitian ko siya at naglakad na ko papuntang elevator. "Yung mga ibinilin ko sa'yo wag mong kakalimutan ah?"

"Opo. Ako na pong bahala sa mga montly report para hindi na po kayo magtrabaho sa bakasyon niyo."

"Thank you, Jane. Parehong pareho kayo ng ate... maaasahan at mapagkakatiwalaan."

"Wala po yun. Utang na loob po namin sa inyo na gumanda ganda naman po yung buhay namin. Isa pa, kung hindi po dahil sa inyo, hindi ako makakapag tapos ng college. Si ate po ang nag paaral sakin eh."

"Sabihin mo sakin pag aalis ka na ng company ah? Baka bigla mo na lang maisipang mag work abroad."

"Hindi po, Miss Z. Wala po sa isip ko yan. Hindi na po ako lalayo. Eh mukhang hindi naman po nagkakalayo yung suswelduhin ko dun at sa sweldo ko ngayon."

Nakaidlip ako sa biyahe papuntang airport. Past 3 na ng makarating kami dun. Hindi ko na hinayaang hintayin pa ko ni Jane na makapag check-in. Pinauna ko na rin siya kasi papasok siya mamaya. Para rin makapagpahinga.

Habang hinihintay ko yung flight ko, natutuwa ako at nalulungkot sa mga nakikita ko. Nakakalungkot kasi kailangang mamaalam nung iba sa pamilya nila para makipag sapalaran sa ibang bansa. Ramdam na ramdam mo yung lungkot na nararamdaman nila habang umiiyak sila at namamaalam sa isa't isa. Nakakatuwa, kasi alam mong meron kang pamilyang uuwian kahit anong mangyari. Merong kang pamilya na maghihintay sa pagbalik mo. Meron kang pamilya na mamahalin ka ng walang katulad.

Tumayo na ko dahil tinawag na yung flight ko papuntang Puerto Princesa. Sana... pagbalik ko... ibang Zeria na yung haharap sa kanila. Yung Zeria na mas matapang, yung hindi na takot sa ulan. Hindi na takot harapin yung nakaraan.

Mahigit isang oras ang travelling time from Manila to Puerto. Paglabas ko pa lang ng airport, humanga na ko agad sa ganda. Pangalawang beses ko pa lang pupunta dito. Yung first time ko kasi, bata pa ko.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa malapit na hotel. Bukas ko na lang siguro sisimulang mag ikot ikot dito. For sure, magbabago ang itinerary ko. Dahil sa dami ng magagandang resorts dito. Hindi pwedeng, isa lang ang pupuntahan ko.

Pagkarating ko ng hotel, inassist agad ako at nag pa book ako for two days and one night.

Maganda yung loob ng suite ko. Well, typical hotel suite in Manila. Pero maganda.

Nag search agad ako sa google ng mga pwedeng puntahan dito. Marami talaga akong nakita sa Palawan area. Kaya eto yung first choice ko for vacation.

Isinulat ko yung mga possible na puntahan ko, gaya ng El Nido. Pero ang una kong pupuntahan, bago yun, eh yung Club Noah Isabelle.

Siguro, one month lang ako dito. Gusto ko rin kasing puntahan yung Ilocos Norte, then sa Cebu, Quezon, Bicol, and Davao. Kahit ikutin ko lahat from north to south to east and to west. Maconsume ko lang yung five months at makapunta lang ako at maappreciate ang magagandang lugar dito sa Pilipinas. I just realized that I prisoned myself for a very long time. Hindi ko pala naenjoy yung teenage years ko.

*

One week na ko sa Palawan at sobrang nag eenjoy ako. Pangalawa na tong resort na napuntahan ko. Wala akong masabi sa ganda ng Club Noah. Katakot takot nga lang yung pag lalagay ko ng sunblock dahil baka umuwi akong negrita. Magulat na lang sila mommy dahil sa bigla kong pangingitim eh malamig ngayon sa New York.

Tinawagan ko Jane at sumagot naman agad siya.

"How's the business going?"

"Okay naman po, Miss Z. Ay. Merong nagpunta dito from LBC. Delivery po. Letters po ata or documents. Kakareceive ko lang po. Para sa inyo."

"Kanino galing?" Natigilan si Jane, baka binasa kung sino nag padala.

"Kay Ma'am Jaeina po."

"Open it for me."

"For awhile, Miss Z."

"Okay."

"Miss Z, invitation po ng wedding nila ni Sir Felix."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Jane. I know that they're going to marry soon. But I didn't expect Jae to send me an invitation.

"Miss Z?"

"Huh? O-okay. K-keep it." Binaba ko na yung cellphone sa kama.

Pinigilan kong umiyak, pero hindi ko na kaya. Mas masakit pala yung ganitong moment kaysa sa ikaw yung nagpaplano ng wedding nila. Kasi eto oh, tuloy na tuloy na.

At ako?

Nagsisimula pa lang akong bumangon, pero wala... mas lalo akong lumubog.

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon