29th Plan

35.2K 544 20
                                    

Excited akong pumasok dahil ngayon yung first monthsary namin ni Bryle. Naayos ko na rin yung monthsary gift ko. Excited na kong ibigay to sa kanya. Basta! Excited ako ngayon sa lahat ng bagay.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom, wala yung mga classmate ko. Hindi naman super aga akong pumasok. 15mins. Na lang kasi may klase na kami. Wala ring mga bag sa mga upuan.

Lumabas ako ng classroom at nakasalubong ko si Lex, yung president ng section 2.

"Lex, alam mo ba kung nasan mga classmates ko?"

"Hmm, panigurado nasa gym yung mga yun. Wala kasi kayong teacher sa 1st subj. May a-attend-an daw na meeting sabi ng president niyo, si Annie. Eh ganito sa Laurente, pag walang teacher, sa gym pinapatambay. Para atleast kung mag ingay, hindi nakakaistorbo sa ibang klase."

"Ganon ba? Sige salamat."

Bakit naman kasi hindi ako nitext ni Annie, eh di dapat hindi na ko nagpakapagod umakyat dito sa fourth floor!

Bumaba ako ng building at dumiretso sa gym. Pakiramdam ko ang gulo gulo na ng buhok ko. Nakakahingal pa.

Nakasalubong ko si Hazel sa gate ng gym kasama si Thonny.

"Good morning Zeria!!" Sigaw ni Hazel.

"Good morning din. Marami na ba tayong classmate sa loob?"

"Oo marami na. Sige, pasok ka na! Kanina ka pa hinihintay ni Annie." Sabi ni Thonny.

"Sige. Thanks!"

Pagkapasok ko sa loob, para silang nagkakagulo at para silang may pinapalibutan.

"Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko kay Manuel, classmate namin at pinsan ni Hazel, patakbo kasi siya palabas ng gym.

"Si Bryle kasi, injured ata o bumagsak, tumama ata yung ulo sa semento. Naglalaro ng basketball kanina, nung mag lay up siya, namali ng bagsak--" hindi ko na tinatapos ang sinasabi ni Manuel, tumakbo na ko sa dulong court.

"Bryle!! Bryle! Excuse me!" Pinipilit kong makisiksik sa mga classmate ko na nagkukumpulan, pero hinihingal ako at parang nauubusan ng lakas sa sinabi ni Manuel.

"Excuse me!! Padaanin niyo ko." Pero parang walang nakakarinig sakin. Napahinto lang ako nung may mag pito, paagkatingin ko kung yung coach pala nila Bryle sa basketball na teacher din ng p.e.

Tumakbo ako sa kanya na maluha luha na. "Sir! Tulungan niyo po si Bryle! Na-injured daw siya or nabagok or... or... ayaw nila kong padaanin."

Tumulo na talaga yung luha ko, kasi parang wala akong magawa para sa boyfriend ko. Hindi ko alam kung ano yung kalagayan niya. Hindi ko makita kung anung nangyari sa kanya.

Nakagat ko na lang yung labi ko at nilingon ko ulit yung mga classmate ko na nag uumpukan.

Mas lalo akong naiyak sa nakita ko... Nakalinya sila at nakaharap sakin. May mga hawak hawak silang colored paper na may mga letterings.

'Happy 1st Monthsary'

Hinananap ko si Bryle sa mga naka linya, pero wala siya.

"Happy 1st monthsary, Zeria!" Pagkalingon ko nakatayo si Bryle dun at nakangiti.

Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Wag mo ng uulitin yun Bryle. Ayoko! Ayokong may mangyaring masama sa'yo. Akala ko kung napano ka na. Ayoko Bryle!"

Napahagulgol na ko ng tuluyan sa balikat niya, naramdaman ko din yung pagyakap niya sakin.

"Sorry Zeze ko. Hindi na mauulit. Promise! Sorry na! Wag ka ng umiyak."

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon