65th Plan

43K 528 25
                                    

"Amanda Kuini, will you marry me?"

Dahan dahang inalis ni Mandy yung pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Felix... I want to be honest with you. Pero hindi pa ko ready. Gusto ko makitang stable yung buhay ng family ko bago ko sila iwan."

"Nandito ako Mandy... I will help you. Mas maganda nga yun kasi pag kasal na tayo, may makakatulong ka na sa pag aasikaso sa kanila."

"It' not that easy, Felix. I'm not like you. Hindi ako mayaman gaya mo. Ayoko namang pakasalan ka dahil sa tingin ko matutulungan mo ko sa pag angat sa pamilya ko. Gusto ko kung magpapakasal ako sa'yo, hindi na ko mamomroblema na baka wala na silang pang gastos o kaya walang baon sa school yung mga kapatid ko o baka walang gatas yung pamangkin ko at baka wala ng gamot si tatay."

"That's why I'm here, Mandy. Magtutulungan tayo. Para saan pa at naging boyfriend mo ko o partner mo kung aalisan mo ko ng karapatan na tulungan ka sa mga problema mo?"

"It's easy for you to say that. Pero magkaiba kasi tayo ng estado, Felix. Ayokong isipin ng iba na kaya ako papakasal sa'yo dahil mayaman ka. Gusto ko rin namang ilayo yung sarili ko sa mga mapanghusgang mata."

"Bakit mo iisipin yung sasabihin ng ibang tao? Unahin mo yung sarili mong kasiyahan."

"May offer akong tinanggap sa ibang agency, Felix. Tapos na yung contract ko last week sa agency at hindi na ko mag rerenew. I'll be posing for a men's magazine. It'll be a bigshot for me. Then I'm going to Hawaii, L.A, New York, and Thailand for another photoshoot. Seven months akong mawawala. Gusto kong mag grow without you. Ayokong nasa ilalim lang ako ng shadow mo. Gusto kong maging ready bago ako umoo sa'yo, Felix. Hindi ko sinabing hintayin mo ko. What I'm going to ask from you is my freedom."

Wala akong nagawa kundi ang matawa sa sinabi niya. Napasandal ako sa upuan ko at naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko.

"Hindi mo naman sinabi na ganyang offer pala ang gusto mo. Iniintindi ko pa dati kung bakit ayaw mong tanggapin yung mga offer sa'yo ng agency. Tapos sa isang iglap, tatanggapin mo yung offer sa'yo ng ibang agency na di hamak na mas maganda yung inooffer namin sa'yo?"

"Felix... please. Eight months lang yung kailangan ko. Sorry... but I think we should end everything we have for now. Nasa sa'yo naman yun kung may babalikan pa ko pagkatapos ng eight months. Hindi ko sinasabing sana tayo ulit o sana hintayin mo ko. I'm doing this for my family. Goodbye Felix."

Tumayo si Mandy at naiwan akong nakaupo at walang magawa. Ang bilis niyang bitawan yung two years para lang sa eight months. Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala yung luha ko.

Bumalik sa dati yung pakikitungo ko sa mga tao. Civil and stiff. Maraming nakakarating sakin na iba't ibang speculations tungkol sa hindi pag renew ni Mandy ng contract samin at ang pag hihiwalay namin

Napagdesisyunan kong kausapin si mama. Humingi ako ng tawad sa kanya. Okay na kami kaya sa bahay ko sa Makati siya nakatira. Nag paalam ako sa kanya na kailangan kong mag punta sa Paris dahil ako ang napili ng boss namin na ipadala dun para maging representative ng company namin. Buti na lang at kinagat niya yung reason ko at hindi na siya nagtanong ng kung ano pa.

Pag dating ko sa Paris, nagpahinga lang ako sa hotel at dumiretso na kaagad ako sa bar. Nag pakalango ako sa alak dahil gusto kong kalimutan si Mandy kahit sandali lang.

Medyo marami na kong nainom pero kaya ko pa naman ang sarili ko. Nung palabas na ko ng bar, may nakabanggaan akong babae at lasing na siya. Natumba siya kaya inalalayan ko.

Panay ang pag iyak niya ng mga oras na yun. Nagkalat na rin ang mga make up niya sa mukha. Pero maganda siya.

"Enrique!! Ano pa bang kulang sakin? Bakit hindi mo ko magawang seryosohin?!" Napailing na lang ako dahil sa mga pinagsasasabi niya.

Isinakay ko lang siya sa kotse ko pero hindi ko pinaandar. Hindi ko kasi alam kung saan siya tumutuloy.

Nagising na lang ako ng may marinig akong sumusuka... yung babae pala. Nakadungaw ang mukha niya sa labas ay parang meron siyang hawak na plastic.

Nagpakilala ako sa kanya bilang si F. Sinabi ko na wag na lang niya sabihin ang pangalan niya. Kahit iniials na lang... at siya si J.

Nagkataon na pareho lang pala kami ng hotel na tinutuluyan.

Naging magkaibigan kami. Lagi siyang nagkukwento sakin tungkol sa ex-boyfriend niya na niloko siya. Magkasama kaming namamasyal dito sa Paris. At masasabi ko na masaya siyang kasama.

More than four months kaming nagkasama, hindi siya mahirap maging kaibigan. Dahil napaka kulit niya. Lagi rin niyang ikinukwento sakin yung ex niya at sabi niya gusto na niya talaga yung kalimutan. Hindi ko siya masisisi dahil niloko siya ng ex at mahal niya pa rin yun.

Bago kami maghiwalay na dalawa, medyo nakainom kaming dalawa. Kailangan ko na kasing bumalik sa Philippines dahil kay Laurence.

"Malay mo... magkita tayo sa Philippines, coincidence lang. Yayayain kitan magpakasal." Tumawa lang kaming dalawa sa sinabi ko. Tinalikuran ko na siya at naglakad ako palayo.

Napaupo ako sa may gilid ng poste at hindi ko maiwasang umiyak. Kung titignan ng iba, parang ang bakla.

Bigla kong naalala na kinasal na pala ako noon... kinasal ako sa babaeng minahal ko ng sobra.

Zeria... bakit? Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang naiisip ko. Yung pekeng kasal pa rin natin nung high school ang naaalala ko.

***

"Bro. Ikaw na lang umattend dun sa fashion show sa Batangas oh." Sabi sakin ni Laurence.

"Sure. Matagal na rin naman akong hindi nakakapunta sa hometown ko"

Pagkarating ko sa fashion show sa Batangas, nakita ko si J. Hindi ko siya nilapitan dahil busy siya. Pero nung matapos ang fashion show, siya na mismo lumapit sakin. Niyakap niya ko at niyaya ko siyang mag dinner.

"Pano ba yan? Nagkita ulit tayo, papakasalan mo na ba ko?"

Natawa ako sa sinabi niya at napailing na lang ako.

"You are not serious, are you?"

"Of course I am. Anyway, my name's Jaeina."

Tinanggap ko ang kamay niya.

"Felix. About the wedding, I'm just joking when I said that."

"I know... can you please do me a favor?" Sumeryoso ang mukha niya.

"What is it?"

"Wala ka namang girlfriend diba? Mga sawi nga tayo eh... can you please pretend to be my boyfriend. Gusto ko lang talagang makalimot. Isa pa... gusto ko rin makita ng iba na okay na ko. Parang trial dating na rin natin. Malay mo tayo pala talaga para sa isa't isa."

"You're silly."

"I'm serious, Felix. Baka mamaya niyan tumanda akong dalaga. Let's give it a shot."

"I don't know, Jaeina."

"Come on. It will be fun."

"Fine. But don't expect too much from me."

"Alright! Ipapakilala kita sa childhood friend ko! Matutuwa yun for sure."

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon