53rd Plan

46.5K 619 31
                                    

Nagising ako na mag isa sa kama. Hinanap ko kaagad yung cellphone ko para tignan yung oras... alas kwatro na pala ng hapon. Bumangon ako at isinoot yung robe na nakakalat sa sahig. Tinanggal ko na rin yung bedsheet at pinalitan ng bago. Nag ayos na ko ng sarili ko, dahil nakakahiya kay Bryle. Nag toothbrush at naligo na rin ako.

Simpleng sando at cotton short lang ang isinoot ko. Paglabas ko ng kwarto, wala sa living room si Bryle. Napangiti ako dahil baka nasa kusina siya... nagluluto. Kinakabahan ako habang naglalakad papuntang kusina. Hindi ko kasi alam kung pano ko siya haharapin. Kung pano ko siya papakitunguhan. Huminga muna ko ng malalim bago pumasok sa kitchen.

Naglaho lahat ng kaba ko at napalitan ng lungkot ng makita ko na wala ni kahit anong anino sa kitchen. Napangiti na lang ako ng mapait.

Bumalik ako sa living room at kinuha ko yung laptop ko at nagpunta ko sa terrace ng kwarto ko. Kinuha ko na rin yung planner ko at guidelines.

Sinimulan ko ng gawin yung outlines at details ng kasal ni Jaeina... at Bryle.

Pinigil kong magpatakan yung mga luha ko hanggang nag isketch ng magiging ayos ng altar at venue ng kasal nila.

"Isipin mo na lang Zeria... early Bachelor's party gift mo sa kanya yun. Virginity lang yan... wala namang namamatay sa pakikipag one night stand... ang kaibihan lang umaga yung sakin. Eh di okay. One morning stand. Argh!!! Ang tanga tanga mo!!!"

Itinapon ko yung sketch na ginawa ko dahil puro mali.

"Okay..."

Inemail ko yung mga restaurant na ka-tie up namin. Para atleast sa second week ng December, makapag foodtasting na. Nag send na rin ako ng text messages sa mga bridesmaids ni Jaeina para masukatan na sila as soon as possible dahil hindi naman ready to wear yung mga gowns. Then next week, pupunta ko sa printing press para sa invitations, and maghahanap pa ko ng souvenirs.

Sinubukan ko ulit mag sketch para sa venue niya... since gusto niya na nasa lagoon ang venue dun ako nag focus.

Then I come up with a gazebo na magsisilbing altar nila. Since gusto niya na sunset, combination ng yellow, white and orange yung maliit na ilaw na ilalagay sa gazebo with fresh flowers. Kung titignan sa aerial view, pa shape na heart yung setting ng chairs sa venue ng wedding niya. Merong nakapaligid na torch na magsisilbing main light sa paligid.

Nag search na din ako ng venue na may lagoon. First time kasi na may mag lalagoon kaya hindi ako prepared dun. Tinawagan ko na rin yung orchestra pati yung photographer na mag hahandle ng pre-nup and mag cocover sa wedding nila.

Pagka check ko ng oras, alas siyete na ng gabi. Nagpunta ko sa kama ko at pabagsak na humiga.

Napagdesisyunan ko na matapos lang tong preparation ng wedding nila Jae, magpapakalayo ako para mag bakasyon. Tama siya, pwede ko naman talagang ipa handle sa staff ko yung mismong wedding day niya.

Pumikit ako dahil gusto kong mas makapag isip ng maayos. Napamulat ako ng biglang naging red yung vision ko nung nakapikit ako.

Napatili ako ng biglang humiga si Bryle sa tabi ko at niyakap ako. Hinalikan niya din ako sa noo.

"Still tired?"

Hindi ko siya nasagot dahil nakatitig lang ako sa kanya. Baka kasi mamaya bigla siyang maglaho ng parang bula... baka mamaya nag hahallucinate lang ako, na baka imagination ko lang siya dahil gustong gusto ko siyang makasama.

Siguro nabasa niya iniisip ko kaya dinampian niya ko ng halik sa labi at niyakap ako.

"Stop looking at me like you've have seen a ghost."

"S-saan ka nagpunta?"

"Umuwi sa unit ko, naligo, kumuha ng ilang damit and nag grocery. Wala ka na kasing stock ng pagkain, isa pa, may nakita kong note na nakadikit sa may fridge mo. I guess you're planning to paint your walls tomorrow, Saturday. Kaya binili ko na yung mga nakalista dun sa note. I'll help you paint the walls. If that's okay with you."

"Y-yeah. It's a great idea, actually."

"Can I ask you a favor?"

"What is it?"

"Can I sleep here?"

Kinilig ako sa idea na dito ulit siya tutulog... at sigurado ako na sa tabi ko.

"I'd love too." Then I smiled at him...

And he kiss me back. Isang malalim na halik na sapat na para mawala lahat ng senses ko.

"Tara na nga. Kumain na tayo... baka iba pa yung makain ko." Tinignan niya ko at kinindatan.

Namula yung mukha ko dahil sa sinabi ni Bryle. Gusto ko sanang kwestyunin kung anong ibig sabihin ng mga to. Bakit bigla siyang nagbago... nawala yung masungit, suplado, at galit na Bryle.

Pero natatakot ako... natatakot ako sa isasagot niya. Sa ngayon, sarili ko muna yung aasikasuhin ko. Magiging makasarili na muna ko. Yung sa sariling kasiyahan ko muna ang uunahin ko. Kahit ngayon lang... kahit alam kong mali at bawal. Magtetake ako ng risk... dahil mahal na mahal ko siya.

Nang makarating na kami sa dining area, nakaready na lahat ng pagkain. Inusod niya yung upuan para makaupo ako. Habang kumakain kami, nagkukwentuhan lang kami. Pero walang nagbabanggit samin ng tungkol sa kasal niya. Hindi ako magtatanong hangga't hindi siya nag nag oopen up.

Naramdaman ko yung paa niya ikinukoskos niya sa binti ko, napakagat na lang ako sa labi dahil sa kilig at sa kuryenteng naramdaman ko. Lumipat siya ng pwesto at tumabi sakin. Inilipat din niya yung plato niya. Iniangat niya yung kanang binti ko para ipatong sa kaliwang binti niya. Bumibigat yung paghinga ko dahil hinihimas niya yung hita ko hanggang tuhod.

Sinenyasan niya ko na subuan ko siya. Pano nga ba naman siya makakakain kung yung kaliwang kamay niya eh nasa hita ko.

Nakakagat ko yung labi ko dahil marahan niyang pinipisil yung hita ko. Napainom ako ng tubig nung ipinasok niya sa may gilid sa bandang singit yung kamay niya. Naiilang ako dahil nakatitig siya sakin... hindi ako makakilos sa kinauupuan ko. Naramdaman ko rin yung labi niya na humahalik halik sa balikat ko.

Siguro kung nakatayo ako at ganito ang ginagawa niya sakin baka bumagsak na ko dahil nanginginig yung mga tuhod ko.

Hinawakan niya ko sa pisngi at iniharap niya ko sa kanya. Napatingin ako sa labi niya na mapula at basa. Muli ko nanamang naramdaman yung labi niya sa labi ko. Bawat halik na pinagsasaluhan namin, parang hinihigop yung kaluluwa ko at nawawala ako sa ulirat. Ganito ba talaga pag mahal na mahal mo ang isang tao... sobrang lakas kasi ng impact ng mga haplos ni Bryle sakin.

Inalalayan niya kong makatayo at binuhat niya ko ng hindi naghihiwalay ang mga labi namin. Dinala ko niya ko sa living room at humiga siya. Hinila niya ko kaya napaibabaw ako sa kanya. Tinitigan niya ko at inayos yung buhok ko tapos inangkin nanaman niya ang labi ko. Napapikit ako ng may maramdaman akong matigas nakatusok sa puson ko. Habang naghahalikan kami, hinubad niya yung sandong soot ko. Hinila niya rin pababa yung short na soot ko.

Tinanggal niya yung pag kakalock ng bra ko sa likod. Naupo siya ng hindi ako umaalis sa pagkakapatong sa kanya. Tinulungan ko siyang hubarin yung damit niya. Ngayon ko lang naappreciate yung matigas niyang dibdib. Ngayon ko lang din napansin yung abs niya. Humiga ulit siya at hinalikan ulit ako.

Wala na kong pakialam kung ano man ang kakahantungan ng ginagawa namin. Basta, ang alam ko lang, masaya ako... sobrang saya.

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon