34th Plan

36.6K 536 25
                                    

Sana ganito na lang lagi yung panahon, hindi sobrang taas ng sikat ng araw. Sana lagi na lang maulap, pero sana... lagi ding maliwanag. Pag nag sisimula na kasing gumabi, hindi ko alam, pero... pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko.

Buti na lang tama yung pinaglagyan ko ng bintana... tanaw lahat ng skyscrapers. Nare-relax ako.

Gaya na lagi kong ginagawa... idinikit ko yung noo ko sa bintana at pinagmasdan lahat ng mga buildings, yung mga sasakyan, yung mga taong naglalakad na parang laging nagmamadali.

Natigil ako sa pagmumunimuni nung narinig kong may kumatok sa pinto. Inayos ko ang sarili ako at humigop ako ng kape.

"Ma'am Zeria..."

Agad ko siyang nilingon nung narinig ko ang tawag niya sakin, tinignan ko siya ng masama at ngumuso ako.

"Ay. Sorry po... Miss Zeria."

Nginitian ko ang bago kong secretary, mag tu-two weeks na siya pero nakakalimutan pa rin niya yung first rule ko. Kada makikita ko siya, naaalala ko yung ate niya... yun kasi yung una kong secretary, for two years. Nag asawa na nga lang kaya nag resign.

Two years... two years na nung matupad ko ang pangarap ko... ang maging wedding planner. Ang bilis ng panahon... parang kahapon lang, isa kong highschooler... four months pa lang ang nakakaraan nung mag 24 ako.

Buntong hininga ako at naupo sa swivel chair ko.

"Is there any problem?" Tanong ko sa kanya.

"Might be a problem. Miss Nica called awhile ago..."

"Huhulaan ko... nagbago nanaman ang isip niya no?"

"Y-yes miss."

"Ano nanaman ang gusto niyang ipabago?"

"Yung flowers daw po... ayaw niya na daw ng mga white roses, ang gusto daw niya white chrysanthemums ang ipapalit.."

Napasubsob na lang ako sa table ko... eto yung madalas kong iwasan... ang magkaroon ng client na buntis. Pabago bago.

"Less than two weeks na lang ang kasal niya, at talagang nakakapag isip pa siya na magbago? Baka mamaya niyan sa mismong araw ng kasal niya eh, ang gusto niyang color ng wedding gown niya eh, yellow. Tsk. Walang mga chrysanthemums kila Phine. Ang una mong gawin, tawagan sila. Ipa-cancel mo yung roses. Padalhan mo pa rin ng token. Itanong mo na din kung nag o-offer na sila nun, if yes eh di dun na lang din. If no eh di sa iba."

"Kanino na po io-order yung 30 dozens na chrysanthemums?"

"Bloom Budz. Hanapin mo si Liz."

"Okay, miss." Sumenyas na lang ako at naramdaman ko siyang tumayo.

"Nasan pala Diego?"

"Hoy! Traydor! Hindi ko alam na tinatraydor mo pala ko! Backstabber ka!"

"Speaking..." Inangat ko ang ulo ko at sumandal. Nakalabas na si Jane ng office ko at padabog na naupo si Diego sa sofa.

"Hi pretty Didi! Bakit ka naman nag dadabog?"

"Ikaw kasi! Tinawag mo kong Diego!! I was like... ewwww. Somaba!!!"

Diego's my business partner. College friend ko siya. Si Annie ang common friend namin.

Nagulat na lang nga ako sa babaeng yun eh, nung first day ng college journey ko, nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sakin... si Annie.

Nagulat ako na pareho kami ng school na papasukan, at narealize ko din nung oras na yun yung una naming pagkikita... sinabi niya na gusto niyang mag college sa BU. Buti nga hindi siya nag tampo eh.

After kasi ng 2nd grading period... nag transfer na ko ulit sa BU.

"San ka nanaman ba kasi nanggaling?"

"Nakipag meeting sa florist."

"Talagang hands on ka sa client mo ah. Ikaw pa talaga ang nakikipag meeting."

"Gwapo kasi yung soon-to-be-groom. Sayang nga eh! Type ko!"

"Heh! Ang landi mo! Nakalimutan mo na ata yung guidelines and timelines?"

"Hindi naman. Dapat kasi next year pa ang kasal nila. Yun yung nakalagay sa contract. Eh kasal na kasal na yung babae, gusto niya first week ng October agad. Less than five months na lang ang preparation. Kaya pinagsabay sabay ko na yung florists, bands, and caterers, Bukas naman yung photographers. Grabe! Laspag na laspag na ang maganda kong body"

"Ang arte nito! Haysss. Pag ako ikakasal, hindi ako magbabago ng isip. Kung ano yung plano ko, yun na yun."

"Eh kailan mo kasi bal--"

"Excuse me." Tumayo ako at kinuha ko ang cellphone ko.

May tumatawag kasi, pero number lang. May missed calls na to kanina, kaso hindi ko nasasagot.

"This is Ziem. Good afternoon!"

"Zeriaaaaaaaaaaaaaaa!"

Agad kong nilayo ko yung phone sa tenga ko, baka kasi mabasag yung eardrums ko.

"Jaeina here!! Oh my! Ang dami kong ikukwento sa'yo!" Bakas sa boses niya ang excitement.

"Don't tell me binalikan mo nanaman si Enrique? My gosh Jaeina, kailan ka ba talaga matatauhan na niloloko ka lang niya? Five months kang nagpakalayo layo para lang sa wala? One month pa lang simula nung lumabas ka sa lungga mo at kita mo na ngang nasa trap yung cheese, kinagat mo pa!"

"Z... relax! It's not about Enrique. It's all about Mr. F. My soulmate. Natatandaan mo yung kinuwento ko sa'yo na nakasama ko sa Paris for almost five months? Ang sabi niya sakin nung una kaming magkakilala, initials lang ng name ko ang kukunin niya. Kaya nung last na pagkikita namin hindi niya kinuha yung infos ko. Kasi ang sabi niya, kung bigla na lang kaming magkasalubong dito sa Philippines, yayayain niya kong mag pakasal. And guess what? Aaaaaayyyyyyy!! Niyaya na niya ko kagabi Z... even if it's not in a romantic way, i'm still so kilig."

"A-anong sinagot mo?"

"Eh di syempre, um-oo ako!"

"What?? Four months lang kayong nagkasama, tapus papakasal ka kaagad sa kanya?"

"Z... that's what you call destiny. Sa isang araw pupunta kami diyan, ipapakilala ko siya sa'yo. Para naman mapag usapan agad yung sa kasal. Hmm... I still remember your promise!"

"Sure. Syempre, hindi ko makakalimutan yun. I'm so happy for you... finally!!"

"Thanks Z... ikaw ang maid of honor ko... at ikaw ang gusto kong makasalo sa bouquet, para ikaw naman ang next na ikasal."

"Oo na. Sige na. Pero idadaan ko din sa destiny ang pagkakasalo ko sa bouquet."

"Z naman eh! Seryoso ako."

"Oh well. Dito na lang natin pag usapan. I have to go, may meeting pa ko. Bye bye."

At last, magiging happy na rin siya.



(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon