32nd Plan

34.9K 544 10
                                    

Napagdesisyunan namin ni Bryle na mamasyal sa park dito sa loob ng subdivision namin. Weekend naman na, at wala namang mga assignment. Kaya okay lang kahit maghapon kaming gumala.

Pagkapunta ko sa park, nandun na din si Bryle. Nakaupo siya sa swing at nakatalikod sakin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya, at hindi naman niya ko naramdaman. Ang plano ko lang talaga gulatin siya. Pero may nag e-urge sakin na yakapin siya.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Pinunasan ko yun at niyakap ko si Bryle. Hindi ko nanaman napigilan ang luha ko at kusa na lang siyang tumulo ng tumulo. Hinawakan ako ni Bryle. Kinalas ko yung pagkakayakap ko sa kanya. Tumayo siya humarap sakin.

"Umiiyak ka ba?"

Umiling ako at ngumiti.

"Kanina ka pa ba dito?"

Hindi niya pinansin yung tanong ko, umikot siya papunta sakin, at niyakap ako.

"Ayokong nakikita kang malungkot... kung anu man yang problema mo o dahilan ng mga luha mo, hindi muna ko magtatanong. Hindi ko muna aalamin. Ang gagawin ko lang... eh ang pasayahin ka."

Hinalikan niya ko sa noo at hinila niya ko papunta dun sa nilalakong dirty ice cream.

"Pag malungkot ka, kumain ka ng ice cream, para gumaan yung pakiramdam mo."

"Thank you Bryle..."

Nung makabili na kami, bumalik kami sa swing. Pinaupo niya ko at umupo siya sa bakante na space, parang magkatalikuran kami na magkaharap.

"Zeze... anong pangarap mo?" Tanong sakin ni Bryle.

"Marami akong pangarap, depende kung sa anong klaseng pangarap ang itatanong mo sakin."

"Pangarap mong gawin sa buhay pag nakagraduate ka ng college."

"Hmm. Ikukwento ko muna yung history. Dati kasi kung sa ibang bata, story books ang hawak ng parents nila pag papatulugin sila... si mommy naman, ang pampatulog niya sakin eh yung pagkukwento niya ng whirlwind romance nila ni daddy. Kaya bago ako makatulog kilig na kilig ako ng sobra. Yung mga close friends nila mommy at daddy, pag may ikakasal sa kanila, nag pi-prisinta ako na maging flowergirl. Para nandun ako sa simbahan."

"Pwede naman na kahit hindi ka kasali sa mga flowergirls na yun, pwede ka pa rin magpunta sa church at manuod ng wedding ceremony."

"Not my reason... kasi gusto ko may participation ako. So ayun na nga, pag nabo-bored ako, pinapanood ko yung wedding nila mommy at daddy. Dalawa kasi yun eh, yung una nasa tiyan pa ko ni mommy. Yung pangalawang wedding nila, flower girl ako. Siguro two or three yrs. Old ako nun. Nung nagkakaisip na ko, gusto ko ng maging wedding planner. Ang pinaka gusto ko ngang part ng wedding eh yung magsasabihan sila ng wedding vows. Kaya pag kinasal ako... gusto ko ako rin yung mag aasikaso. Every single details, gusto ko ako..."

"Pag dumating yung point na yun, pwede naman tayong mag hire ng isa pa, para meron kang makakatulong."

Napatingin ako Bryle dahil sa sinabi niya. "Tayo?"

"Bakit? Ayaw mo ba na tayo na talaga hanggang huli?"

"Ikaw anong pangarap mo?"

"Ang makasama ka sa pagpaplano ng kasal..."

"Ang dami mong alam!!" Inilapit ko yung ice cream sa may ilong ni Bryle kaya nalagyan siya.

"Ah gusto mo ng ganyan?" Tumatawang tanong ni Bryle, more on pagbabanta nga eh.

"Ayaw! Ay--hahaha ayaw ko Bryle." Kiniliti niya ko hanggang sa napatayo ako sa swing at naghabulan kami.

"Lagot ka sakin pag nahabol kita!"

"Ayoko na Bryle! Sorry na!" Bigla akong huminto at humarap sa kanya.

"Tabi diyan Zeze!!!!" Sigaw ni Bryle.

Too late... hindi niya napigilan yung takbo niya kaya niyakap niya ko at nagpagulong gulong kami sa mga damo.

"Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" Kitang kita ang pag aalala sa mga mata niya.

"Okay lang! Ang weak mo naman kasing mag control! Tumayo ka na! Ang awkward ng position natin!" Nakahiga kasi siya sa damuhan at nakapatong ako sa kanya.

"Ikaw kaya muna yung tumayo."

Napakamot na lang ako sa kilay ko. Ang epic naman ng date namin.

Pagkatayo namin, pumunta kami sa ilalim ng malaking puno dito sa park. Kumuha ng bato si  Bryle at inukitan niya yung puno.

"Dapat after 10 years babalik tayo dito ng may nakasuot na singsing sa daliri natin." Nakatingin lang ako kay Bryle habang inuukitan niya yung puno. Tumingin ako sa mga clouds, ayoko kasing nakikitang nahihirapan siya... lalo na kung wala naman talagang patutunguhan to...


(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon