"Hindi ka na ulit babalik ng Maynila!"
"Ma! Gusto kong makapag aral!"
"Pwede ka namang mag aral eh! Pwede dito! Ako ang gagawa ng paraan para makapag aral ka. Hindi ikaw!"
"Nakapagdesisyon na ko mama. Yung kinabukasan lang naman natin yung iniisip ko."
"Tumigil ka Bryle! Makinig ka sakin! Ako ang mama mo. Kaya sakin ka makikinig."
"Hayaan niyo na po akong mag grow. Ano pong gusto niyong gawin ko? Dito lang iikot ang mundo ko? Dito ako nabuhay, nag aral, magtatrabaho, at mamamatay? Gano--" natahimik ako ng batuhin ako ni mama ng damit sa mukha.
"Magpadalus dalos ka sa pananalita mo sakin, Bryle. Matuto kang rumespeto."
"Sorry mama. Pero ginagawa ko to para sating dalawa."
Nilapit ko siya at hinalikan sa noo. Inayos ko yung mga gamit ko na dadalhin ko sa pagluwas ko sa Maynila.
Hindi ako kinikibo ni Mama hanggang sa umalis ako ng bahay. Mabigat ang loob ko ng lumuwas ako sa Maynila.
Mabuti na lang nung natanggap ako sa modelling agency ni Tita Lora eh may nakita akong bed space na malapit lang dun sa building. Kaya nag deposit na ko kaagad para maireserve na sakin yun.
Napag isipan ko na tanggapin yung scholarship na sinasabi ni Tita Lora. Kaya kinuha ko na lahat ng documents ko kahapon sa Laurente. Mabuti na lang at mabait yung mga staff dun at wala rin silang ginagawa dahil wala ng klase kaya mabilis ko ring nakuha yun.
Mahigit apat na oras yung tinagal ng biyahe ko dahil sa traffic. Pakiramdam ko na pagod na pagod ako kahit nakaupo lang naman ako sa buong biyahe.
Pagkarating ko sa bed space, wala pa akong kasamang iba. Kaya solo ko pa yung kwarto. Inayos ko lang yung mga gamit ko. Kumain na lang din ako sa karinderya na nadaanan ko kanina.
Alas otso na ng gabi kaya napagsesisyunan kong matulog na. Wala rin kasi akong cellphone at wala akong magagamit na pang alarm. Baka malate ako bukas, first day ko pa naman.
***
Naging maayos naman yung first week ko sa trabaho. Lagi rin akong pinupuri ng mga enployee dun. Kaya mas lalo akong ginaganahang mag trabaho.
Daily ang pagbibigay sakin ni Tita Lora ng allowance. 500 per day kaya siguradong makakaipon ako. Pag nangyari yun, makakapagpadala ako kay mama sa Batangas, makakabayad ako ng renta at may pang gastos pa ko.
"Bryle, pinapatawag ka ni Madam." Sabi sakin ng secretary ni Tita Lora.
"Susunod na lang po ako. Tatapusin ko lang po itong pinophotocopy ko."
"Iuutos ko na lang yan sa iba. Ako na ang bahala diyan. Pumunta ka na lang sa loob ng office niya."
"Ah. Okay po. Salamat Ma'am Rose."
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba habang papunta sa office ni Tita Lora.
Nung nandun na ko sa tapat ng salamin na pinto ng office niya, nakita ko na maraming tao dun kaya hindi na sana ko tutuloy. Kaya lang nakita ako ni Tita Lora at sinenyasan niya ko na pumasok kaya wala akong nagawa kundi ang sundin siya.
Pagkapasok ko loob, nginitian ko na lang lahat ng nandun. Meron dalawang matanda na nakaagaw ng pansin ko, siguro naka late 60s na sila. Dahil yung matandang babae eh halos umiyak na at nakatingin lang siya sakin.
"Maupo ka Bryle. Atty. Leandro, akin na po yung result."
Inabot nung attorney na sinasabi ni Tita Lora yung envelope na kulay puti. Dahan dahang binuksan yung ni Tita Lora.
Tumingin siya sakin bago basahin yun nakasulat sa papel.
Nagulat ako nung bigla siyang napahagulgol at tumingin sakin. Tumayo siya halos patakbong lumapit sakin at niyakap ako.
Narinig ko na lang din n humahagulgol yung dalawang matanda na nakaupo sa sofa.
Napaatras ako dahil hindi ko maintindihan yung nangyayari sa paligid ko.
"Mama, papa... siya nga. Siya nga yung nawawalang anak ni Lope."
Tumayo yung dalawang matanda at nilapitan ako. Hinawakan nila ko sa mukha at niyakap ako.
"Teka po... hindi ko po maintindihan yung mga sinasabi niyo."
Inexplain sakin ni Tita Lora yung tungkol sa result na sinasabi niya.
"Naalala mo nung unang beses na nagpunta ka dito? Naalala mo yung hinawakan ko yung buhok mo? Kumuha ako ng isa at inilagay sa panyo ko. Iba kasi yung naramdaman ko nung unant beses kitang nakita. Parang nakita ko si Kuya sa'yo."
"Pano pong nangyaring ama ko siya? Wala hong nakukwento ang mama ko." Tanong ko sa kanya.
"Alam mo hijo, nakakahiya mang ikwento sa'yo yung tungkol sa father mo... pero karapatan mong malaman yun." Sabi nung matandang babae.
"Malakas ang kutob ko na ikaw ang anak ni Lope. Kaya Tita ang pinatawag ko sayo."
"Gusto ko pong malaman yung tungkol sa ama ko."
"Nagkaroon kami dati ng katulong... si Margie. Dalaga siya nung nagsimula siyang mag trabaho samin. Maganda si Margie. Nagkataon na ang yumao naming anak na si Lope eh namatayan ng girlfriend. Naging dependent siya sa alak... at nalaman namin na nag dadrugs siya. Nagkasakit siya at nung malapit na siyang malagutan ng hininga, humingi siya ng tawad samin. Nag confess siya samin na paulit ulit niya daw ginagalaw si Margie... at nabuntis niya daw yun kaya umalis na lang ng walang paalam. At si Margie ang nanay mo." Paliwanag nung matandang lalaki.
"Teka ho. Baka ho nagkakamali kayo... hindi ho Margie ang pangalan ni mama. Susan ho ang pangalan niya."
"Yun din ang pinagtataka namin Bryle. Nung namatay si Kuya, ibinilin niya samin na hanapin ka namin. At yun naman talaga ang gagawin namin kahit hindi niya sabihin. Nag hire kami ng private investigator. Nalaman namin na paiba iba ng tinitirahan si Margie. Tapos ang huling balita namin eh patay na daw siya. Pero tuloy pa rin yung paghahanap namin sa'yo. Hanggang sa may isang babae na nag inform samin na nakunan daw si Margie nung pang anim na buwan na niyang pagbubuntis."
"Hindi bat Susan rin yung pangalan ng nagbigay ng information sa investigator?"
Tumayo si Tita Lora at nagpunta dun sa may cabinet niya sa may gilid ng bintana. Pagkatapos ng ilang minuto niyang pag hahanap, may inilabas siyang brown folder. Nilapag niya yun sa table niya at parang may hinahanap siya dun sa folder.
Natigilan siya ng kunin niya yung isang papel. Binasa niya yun at malungkot ang mukha niya nung inabot niya sakin
"Kilala mo ba siya?" Tanong sakin ni Tita habang inaabot niya yung papel.
Nagbagsakan ang mga luha ko ng makita ko yung nasa picture... si mama.
"Eto si Margie..." tinanggap ko yung picture na inaabot niya sakin.
Tuluyan na kong napaiyak dahil familiar sakin yung Margie na tinutukoy nilang nanay ko daw. Dahil minsan nung naglilinis kami ni mama ng bahay, nakita ko yung mga pictures niya kasama yung Margie. Tinatanong ko siya kung sino yun, pero hindi siya nagsasalita. Hindi niya sinasagot ang bawat tanong ko.
Nilapitan ako nung dalawang matanda, tinignan ko sila at niyakap nila kong dalawa.
(c) Eilramisu
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (Complete)
RomanceBryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**