"Ready na. Nandito na ang bride. The ceremony is about to start, okay! Papilahin mo na yung mga little boys then yung then si Mother Susan. Tapos ang grannys, then si fafa Laurence, tapos si fafa Bryle. Jusko kegagwapo. Yung mga principal's sponsor po, dito na lang po tayo. "
Natatawa na lang ako sa baklang staff ni Zeze. Kanina pa kasi siya hindi mapakali.
"Oh yung mga Bride's Maid at Groom's Men, kayo na ba talaga magkakapartner niyan? Pumirmi na muna ha. Bakit kasi ang gaganda at ang popogi ng lahi niyo. Mamaya na kayo magkuhaan ng number. Basta siguraduhin niyong mga single kayo. Wag kakalimutang ngumiti mamaya. At mga girls, hawak sa muscles--este sa braso ng mga fafas, okay? Wag masyadong magmadali sa paglalakad. Tapos yung mga little girls. Hi Ma'am Annie. Ang ganda ganda niyo po."
"Wag mo kong bolahin. Wala tayo sa office." Lumapit sakin si Annie at hinawakan niya ang kamay ko.
"O Mr. Valedictorian... alam naman nating naging mag kaibigan tayo. Pero bestfriend ko si Zeria... kaya ayokong makikitang masasaktan siya. Please lang... do everything to make her happy. Hindi niya deserve ang masaktan."
"Hindi mo na kailangang ipaalala sakin yan Annie... kasi yun naman talaga ang gagawin ko. You witness my love for her. I can't lose her this time."
"And I am so happy for the both of you..." Niyakap ako ni Annie.
Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ko. Excited ako na kinakabahan dahil sa ilang sandali na lang, magiging mag kaapelyido na kami ni Zeze.
Bumukas na ang pinto ng simbahan at nagsimula ng maglakad yung mga pamangkin kong batang lalaki. Nung ako na ang naglalakad, nanlalambot ang mga tuhod ko. Pagdating ko sa dulo, kinamayan ako ni Laurence. Nilapitan din ako ni Mama at nila lolo. Nagmano ako sa kanila.
Nang makapasok na ang principal's sponsor, mga bride's maid and groom's men, at ang maid of honor. Isinarado ulit yung pinto. Inilabas ko yung cellphone ko at niready ko na sa video. Para kung sakaling buksan, makuhanan ko ng video si Zeria habang naglalakad.
"Bro, wala ng atrasan to ah?" Bulong sakin ni Laurence.
"Totoo to no!" Natatawa kong sagot sa kanya.
Maya maya lang din, binuksan na ulit yung pinto ng simbahan. Naunang maglakad si Tita Ciara at si Tito Hanzen at huminto sila sa bandang kalagitnaan. Nasa kaliwang side si Tita, at sa kanan naman si Tito.
(~please play the video above~)
Pinindot ko na yung video ng cellphone ko at itinutok ko yun sa pintuan ng simbahan. Nag iba yung music at lumakas yung tibok ng puso ko nang makita kong nagsimula ng maglakad si Zeria.
Inabot ko kay Laurence yung cellphone ko ng hindi ko inaalis ang tingin kay Zeria. Maluha luha ang mga mata niya habang naglalakad. Naramdaman ko na lang din yung mga luha ko sa pisngi. Tinapik tapik lang ni Laurence yung balikat ko. Sumabay sa paglalakad sila Tito at Tita ng makarating si Zeria sa gitna. Para talaga siyang reyna... bagay na bagay sa kanya yung maliit na crown na regalo ko sa kanya.
Sa kanya lang naka focus lahat ng tao sa loob ng simbahan. She's truly an angel. Naging blurry lahat ng paligid ko at siya lang ang nakikita ko. Gustung gusto ko na siyang takbuhin pero hindi pwede. Kailangan ko siyang hintayin hanggang sa makarating siya dito.
Hindi ko napigilang maiyak dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko sa mga oras na to. Tinatapik tapik lang ako ni Laurence sa balikat. Inabutan ako ni Lola ng panyo at tinanggap ko kaagad yun.
Ipinunas ko yung mga kamay ko sa slacks na soot ko dahil pinagpapawisan. Nagmano ako kay Tito at kay Tita.
Lumapit si Tito sakin at tinapik ako sa balikat at bumulong siya sakin.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (Complete)
Storie d'amoreBryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**