19th Plan

45.9K 663 26
                                    

Ilang araw na din ang mga lumipas... at sa mga araw na yun mas nakilala ko ang totoong Bryle. Sumasabay na siya samin sa lunch break. Tinutukso na nga ako nila Annie and Jelly at iniintriga nila ko. Tinatanong kung ano na ang estado namin ni Bryle. 

Si Dianne naman panay ang irap sakin. Siguro nga dahil may gusto siya kay Bryle, at hindi naman talaga siya gaanong pinapansin ni Bryle. Masyado lang siyang assuming. Akala niya siguro gusto din siya ni Bryle. Pero ang hindi niya alam... hindi ko rin alam. Kasi hindi ko naman talaga alam kung sino ang gusto ni Bryle. Wala naman siyang sinasabi. At ayoko ding mag assume. Baka in the end... masaktan ako. Naisip ko din yung pagiging malapit ni Jelly at Bryle. Malay ko ba kung anong meron sa kanila. Wala namang sinasabi sakin si Jelly. Hindi rin naman nababanggit ni Bryle si Jelly nung mga panahong mag kasama kami sa bahay nila. Pag magkakasama kami sa lunch break, nag uusap sila pero hindi katulad nung mga first week of class. 

Kaya nahihirapan ako kung ano at sino ba talaga. Hindi naman ako manghuhula. Mahirap namang magtanong. Baka ako pa ang kwestyunin. 

Napatingin ako kay Bryle na seryosong nakikinig sa teacher namin sa Chemistry na si Sir Camacho. Ang gwapo niya talaga eh. Ang tangos ng ilong, ang haba ng pilikmata. Ewan ko dito kung bakit nag sasalamin sa mata, eh mukha namang walang grado ang mga mata niya. Ang pula ng labi niya, kung naging babae siya, siguro mas maganda siya sakin. Pero hindi bagay sa kanya ang maging babae. 

"Bakit mo ko tinititigan?" Halos masamid ako sa sarili kong laway ng mahuli ako ni Bryle na nakatitig sa kanya. WTF?! 

"Ahm... h-hindi no! Ah! K-kasi gusto ko lang ano, gusto ko lang tanunging kung kailan yung foundation week? One month na lang ba? Hindi pa kasi napag uusapan ulit eh." Nilingon ako ni Bryle sandali, tapus bumalik yung tingin niya sa teacher namin.

"Yun lang ba?"

"Oo, yun lang."

"Next month na nga... bakit? Excited ka?" 

"Hmm, oo. Masaya kaya yun. Maraming booths, walang klase, maingay. Ganon..."

"Pagkakaguluhan ka lang ng mga lalake. Baka hatakin ka lang nila sa jail booth, o kung anu ano pang booth."

"Bakit naman nila gagawin yun?"

"Kasi maraming nagkakagusto sa'yo. Maraming nag kaka-interes sa'yo."

"Ha? Okay lang? Saan mo naman nasagap yang chismis na yan?"

"Hindi yun chismis! Try mong kumain minsan sa canteen. Kayong dalawa lagi ni Jelly ang pinag uusapan."

"Kasi new students kami. Kaya ganon! Lilipas din yun."

"Hindi mo ko naiintindihan, Zeria."

"Anong hindi? May iba pa bang dahilan?" Hindi na nagsalita pa si Bryle. Kaya tinignan ko yung teacher namin. Alam ko pa naman yung pinagsasabi niya. Kasi nag advance study naman ako nung weekend. Ayoko na kasing maulit yung nangyari dun sa Social Studies. May pagka-GC kasi ako eh! "Huy! Bryle! May iba pa bang dahilan?" Hindi ako nakatiis at tinanong ko ulit si Bryle. Pasimple kong sinusundot yung tagiliran niya. Pero wala naman siyang kibo, wala siguro siyang kiliti dun. "Huy! Sagutin mo kaya yung tanong ko! Bryle! Galaw galaw baka ma-stroke!" Hindi ko pa rin siya tinantanan.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon