31st Plan

35.3K 514 13
                                    

Kahit na kasama ko si Mang Edgar, hindi ko pa rin napigilan ang pag agos ng luha ko. Ang sakit kasi eh, hindi ako nabigyan ng chance na i-prove yung sarili ko. Wala naman akong nagawang masama sa kanya, sa mga tao. Wala akong matandaan.

Pag kahinto ng kotse sa loob ng garahe, inayos ko ang sarili ko. Ayokong makikita ako nila mommy na ganito.

"Mang Edgar... gusto ko po na satin na lang dalawa to. Ayoko na lang po may iba pang makaalam ng nangyari." Tinignan ko si Mang Edgar sa mirror, halata sa mga mata niya na nag aalala siya.

"Opo Miss Zeria. Makakaasa po kayo." Nginitian ko na lang siya biglang pasasalamat at bumaba na siya para pag buksan ako ng pinto.

Buti na lang wala sila mommy, kaya hindi ko kailangan mag panggap at umasta na okay lang ako.

Nang makapasok ako sa kwarto ko, pabalya kong dumapa sa kama ang umiyak ng umiyak. Isinubsob ko yung mukha ko sa unan at nag sisisigaw.

"Sorry Bryle! S-sorry! Wala akong magawa..."

Naramdaman ko ang mahihinang tapik ni mommy sa pisngi ko.

"Baby Z, wake up. Hindi ka daw nakapag lunch sabi ni yaya Emma."

"Busog pa po kasi ako eh, and nakatulog din po agad ako."

"Oh my! Anong nangyari sa mata mo? Bakit namamaga ng sobra? Dahil ba kay Bryle? Sinaktan ka ba niya? Niloko or what?"

"Of course not, mommy. A-ahm, nanuod po kasi ako kanina nung korean movie... yung Miracle in cell number 7. Nakakaiyak po kasi yun ng sobra. Naging emotional ako."

"Akala ko sinaktan ka n ni Bryle eh. Anyway, napanuod na din naminng daddy mo yan. And you're right, nakakaiyak nga yung movie na yun. Hindi kita masisisi. Well, fix yourself na. Mag di-dinner na tayo." Hinalikan ako ni mommy sa noo at lumabas na siya ng kwarto.

Pinilit ko pa ring pumasok ng school kahit hindi ko pa kayang harapan si Bryle. Natatakot kasi ako eh... hindi ko rin alam kung paano ko puputulin samin ang lahat. Kung iba lang talaga yung sitwasyon... hindi naman ako aabot sa ganitong point na mag iisip kung paano makipag hiwalay sa kanya eh. Kasi hindi ko kaya, at hindi ko yun gagawin...

Sinubukan kong maging masaya sa harap ni Bryle. Yung parang walang problema... walang nangyari. Yung parang dati lang na kami at hindi pa alam ng mama niya yung tungkol samin ni Bryle.

Lumipas yung oras at uwian na... sabay pa rin kami ni Bryle na lumabas ng school para mag punta dun sa laging pinag pa-parking-an ni Mang Edgar.

Magkahawak kami ng kamay at lagi niya kong tinatanong at nag ku-kwento siya... halos hindi ko na nga maintindihan at marinig yung mga sinasabi niya dahil parang naka-block lahat ng senses ko.

Natigilan ako sa paglalakad at napabitaw sa kamay ni Bryle nang makasalubong namin ang mama niya na may hawak na bayong at bilao.

"G-good afternoon po." Casual kong sinabi sa mama ni Bryle, habang siya eh humalik pa sa mama niya.

"Anak, ibili mo muna ako ng maiiinom. At ako'y kanina pang uhaw eh."

"Sige po. Hintayin mo ko Zeria ah. Sandali lang ako." Ngumiti ako ng pilit at walang nagawa kundi ang tumango.

Nang medyo malayo na samin si Bryle. Saka ako tinapunan ng tingin ng mama niya.

"Akala ko ba nag kakaintindihan na tayo?"

"Hindi ko po nakakalimutan yun... ako naman po makikiusap sana sa inyo." Maluha luha na ki at nanginginig ang boses ko nang magsalita ako. "Bigyan niyo pa po ako ako ng konting time... malapit na pong mag 2nd periodical exam, ayoko pong makaapekto yung paghihiwalay namin ni Bryle sa magiging result ng exam niya."

"Sige, pagbibigyan kita. Pero pagkatapos nun, makipag hiwalay ka na sa kanya."

"Marami pong salamat..." pinunasan ko ang luha ko nang makita ko si Bryle na palapit na samin.

"Eto na ma. Ako na pong magbibitbit nito." Kinuha ni Bryle yung bayong sa mama niya. "Ihahatid ko lang muna po si Zeria sa kotse nila. Tapus sabay na po tayong umuwi."

"Oh sige. Mag iingat kayo sa pag tawid."

Tinalikuran na namin ang mama niya at hinawakan ulit ako ni Bryle sa kamay.

"May problema ba? Kanina pa kita napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo."

"Ha? Hindi ah! O-okay lang naman ako eh. Ako pa rin to. Kahit anong mangyari... hindi ako magbabago. Kaya wag ka sanang mag iisip ng kung anu ano. Kasi ikaw lang ang gusto ko... ikaw lang ang magugustuhan ko."

Ibinaba ni Bryle yung hawak niyang bayong at hinawak niya yung dalawang kamay ko. "Ang sweet naman ng girlfriend ko. Hindi rin ako magbabago... ikaw lang yung babae na nakikita kong kasama ko sa iisang bahay, yung katuwang ko sa anumang bagay. Yung magiging napabuting asawa at ina ng mga magiging anak ko."

"B-bakit ang bilis naman ata?"

"Dahil nagiging ganon kabilis ang oras kapag kasama kita. Gagawin ko lahat ng paraan maka survive lang yung relasyon natin... marating lang natin lahat ng relationship goals natin. Mahal na mahal kita Zeria."

Kahit anong kurot ko sa legs ko, hindi ko pa rin napigil yung pagtulo ng luha ko. Nginitian ako ni Bryle at pinunasan yung luha ko at hnalikan ako sa noo.

"Mahal na mahal din kita Bryle..."

"Alam ko yun..." pinisil niya yung tungki ng ilong ko at binuksan niya yung pinto ng kotse para sakin.

Sana... maging okay pa rin ang lahat. Sana pag nangyari na lahat ng kinatatakutan ko at ayaw ko eh at the end of the day, may Bryle pa rin na iintindi, uunawa, tatanggap, magpapatawad at magmamahal sakin sa kabila ng magiging desisyon ko...


(c) Eilramisu

Follow me on IG >> @arliecious_eff

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon