28th Plan

32.9K 548 14
                                    


"Grabe! Nakakatakot pala si Tita. Dapat nga si Tito yung ganun yung reaction. Pero infairness!!! Legal na kayo!" Komento ni Annie.

"Hindi pa... hindi pa niya ko napapakilala sa mama niya."

"Nako! Wala kang dapat problemahin kay Tita! Mabait yun! Pero ano palang sabi ni Bryle? Kailan ka daw niya ipapakilala?"

"Hmm, hindi ko nga alam eh. Pero nung nakaraang linggo sana, pero sabi ni Bryle, nadadalas daw yung pagpunta ng mama niya sa Manila. May importante daw na inaasikaso."

"Malay mo naman soon. Ipapakilala ka nun ni Bryle, syempre maganda na yung legal kayo sa both parties."

"Ah huh! Annie... di ba matagal na kayong magkaibigan ni Bryle?"

"Oo naman. Naging crush ko pa nga siya diba?"

Ngumuso ako sa kaprangkahan ni Annie. Kahit kailan talaga tong babaeng to.

"Ano bang mga gusto ni Bryle?"

Sa totoo lang kasi, parang ang unfair ng relasyon namin ni Bryle. Konti lang yung alam ko sa kanya. Puro kasi mga gusto ko yung pinag uusapan namin.

"Hmm... alam mo Zeria, wala akong masyadong alam kay Bryle eh. May pagkasuplado kasi yan. Kailan lang naman ako nagkaroon ng lakas ng loob at kapal ng mukha para lapit lapitan siya. Nung unang pagkikita lang natin yun. Remember? Puro kasi kompetensya eh. Pero ang napapansin ko sa kanya, hindi siya mahilig sa materyal na bagay. Feeling ko naman kahit anong ibigay mo or gawin mo, magugustuhan niya yun."

Napaisip ako sa sinabi ni Annie... kung hindi mahilig si Bryle sa materyal na bagay, siguro maganda yung maitatago niya, yung kada makikita niya yun, maaalala niya ko.

"Alam ko na Annie!! Thank you!! May naisip na kong monthsary gift sa kanya." Niyakap ko si Annie.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang kaming nag iyakan ni Annie nung nagyakapan kami. Magka-connect na ata yung mga utak namin.

"Miss ko na si Jelly!"

Mas lalo kaming napahagulgol nung nagkasabay kami. Ano na ba kasing nangyari kay Jelly? Bakit bigla na lang siyang nawala. Alam ko hindi lang kami ni Annie yung naaapektuhan, madalas na kasing hindi nagpapa-pasok si Arx eh. Kawawa naman siya.

Napag pasyahan namin ni Bryle na magpunta muna sa Jollibee, mga kalahating kilometro lang naman ang layo nun dito sa school kaya nilakad na lang namin. Tinext ko na lang si Mang Edgar na mamaya na ko sunduin.

"Anong gusto mo, Zeze?" Napanguso nanaman ako sa tawag sakin ni Bryle, bigla na lang kasi niya kong tinawag na Zeze. Gusto ko sanang i-pattern, kaya nag isip din ako ng itatawag sa kanya. Pero hindi bagay sa Bryle. Naisip ko naman yung Felix, pero ang nakakahiya at nakakatawa naman kung ang itatawag ko sa kanya Fefe!

"Hmm, ikaw ng bahala. Hahanap lang ako ng table sa taas." Puno na kasi dito sa 1st floor.

"Okay. Hintayin mo na lang ako sa taas."

Tumango ako at naglakad papuntang hagdan. Nilingon ko siya bago ako umakyat. Pero hindi pa man ako nakakahakbang sa 1st step. Binalikan ko na siya sa pila.

"Oh may gusto ka na bang i-order ko?" Sabi niya nung bumalik ako.

"Wala naman. Naisip ko kasi maraming lamok dito. Gusto ko lang sanang patayin yung mga lamok na gustong dumapo sa'yo habang umo-order ka."

Pinaparinggan ko yung dalawang babae na nasa kanan namin na nakapila sa dalawang counter. Actually, kanina ko pa silang napapansin na panay ang pa-cute kay Bryle. Pero umalis lang ako sa tabi niya, nagtutulakan na papunta sa boyfriend ko! Aba matinde!

"Huh? Meron ba? Wala naman ah!"

"Basta Bryle!! May nakita ako!" Bigla akong hinapit ni Bryle papunta sa kanya. Tinignan niya ko sa mga mata ko.

"Eh di kung ganon, pwede ko ring patayin yung lamok mo?" Pagkasabi niya nun bumaling siya sa isang lalaki sa bandang harapan ng kabilang pila. Nakatingin kasi siya sakin eh, tapus biglang ngumiti nung nagkatinginan kami.

Inilapit niya yung labi niya sa tenga ko. Na-awkward ako at na-concious kasi baka amoy pawis na ko. Idagdag pa yung hininga niya na tumatama sa tenga ko, nakakakiliti at nakakakilabot.

"Kung pwede lang ako magpakain ng katol, ubos sakin lahat ng lamok na nagbabalak lumapit sa'yo."


(c) Eilramisu

Follow me on Instagram!! @arliecious_eff

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon