Nakonsensya ako sa mga pinagsasasabi ko kay mama. Alam ko malaki yung kasalanan niya, pero hindi ko man lang inisip yung sakit niya. Sana kinausap ko na lang siya ng maayos. Kahit na hindi na kami ganon ka close kagaya nung bata pa ko... alam kong mahal na mahal pa rin niya ko.
Dalawang araw na siya sa hospital. At dadalawin ko siya ngayon. Malala yung naging heart attack niya nung kinompronta ko siya.
Pagkarating ko sa hospital room niya, gising siya at may isang nurse dun na nag iinject ng gamot.
Naupo lang ako sa sofa at naghintay hanggang makalabas yung nurse.
Nakatingin sakin si mama at sinenyasan niya kong maupo sa may tabi niya kaya sumunod ako.
"Pasensya ka na Bryle ha... nag sinungaling ako sa'yo. Natakot lang naman akong kunin ka sakin. Natakot ako kasi mayaman sila... kaya nilang ibigay lahat ng mga pangangailangan mo. Natakot akong baka mahanap ka nila. Patawarin mo ko kung naging makasarili ako. Mahal na mahal lang kita anak... kahit na hindi ka sakin nanggaling."
"Kung tutuusin wala ka naman dapat ikatakot, Mama. Mababait sila. Hindi naman nila ko ilalayo sa'yo. If you could just gave them a chance. Hindi na sana tayo aabot sa ganito."
"Yung tungkol kay Zeria... ayoko lang kasing mapabayaan mo yung pag aaral mo. At ayoko ring umabot sa puntong aayawan ka ng magulang niya dahil mahirap lang tayo."
"Hindi sila ganon, Ma. Oo mayaman sila... pero hindi sila yung mayamang kayang mantapak ng ibang tao ng dahil lang sa estado sa buhay."
"Mahal mo pa ba siya?"
"Natabunan lang ng galit yung nararamdaman ko sa kanya, pero nung makasama ko ulit siya, parang pakiramdam ko kumpletong kumpleto yung pagkatao ko. May bahid nga lang ng takot dahil baka husgahan nanaman niya ko... pero hindi pala talaga niya yun sinadya."
Hinawakan ako ni mama sa kamay. At parang may kinuha siya dun sa gilid ng kama niya. Inabot niya sakin yung isang notebook at nginitian ako.
Familiar na faniliar sakin yun... hinding hindi ko makakalimutan yun dahil dun nakasulat lahat ng mga nangyayari samin ni Zeria hanggang sa galit ko sa kanya at sa psgtatanong ko kung bakit niya ko iniwan.
"Sige na anak... gawin mo na kung ano yung alam mong tama at magpapasaya sa'yo. Ihingi mo ko ng tawad sa kanya..."
Hinalikan ko sa kamay ni mama. Sinenyasan niya ko ng umalis na.
Pagkalabas ko ng private room niya, isang pamilyar na babae ang naabutan kong nakatayo sa labas ng pinto. Nginitian niya ko at niyakap.
"Okay na ba ang mama mo?" Tanong niya sakin.
"Stable na yun condition niya."
"Tayo... okay pa rin ba? Pwede pa ba tayong mag usap?"
Tinanguan ko siya at nagpunta kami sa may chapel. Pag kaupo namin dun, humarap siya sakin.
"Felix... sorry for everything. Patawarin mo ko kung tinanggihan kita. Sana pwede pang maging tayo ulit. Hindi na ko aalis, promise." Yumuko siya at may kinuha sa bag niya. Binuksan niya yung maliit na box... at kinuha niya yung singsing. "Sana hindi ko na pinalampas yung mahigit anim na buwan na wala ka sakin... Felix, please marry me."
I felt sad for her... naging special din siya sakin, minahal ko din naman siya at hindi ko yun ipagkakaila.
"Mandy... when I asked you the same question there's something bothering me. Sinabi ko sa sarili ko na kung ano man yun, saka ko na iisipin o hahanapin. I know that there's something missing. Nagmadali lang siguro ako... nagpadalus dalos at hindi ko pinag isipan ng mabuti kung tama ba yung gagawin ko. You know what, Mandy? I figure it out already... and my anwer is no."
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (Complete)
RomantizmBryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**