Naging busy ako ng sobra sa Laurente. Every weekend kasi nag pa-practice kami para sa foundation week, lalo na at malapit na. Kada kasi naiisip ko yung mga ni-prepare namin nae-excite ako. Pero syempre hindi namin kinakalimutan ang pag aaral, katatapos lang kasi ng mga long quizzes namin last week at next week naman 1st periodical exam na namin.
"Any idea what Valence is?" Tanong ng teacher namin sa chemistry.
Nagtaas ako ng kamay, pero hindi ako nag iisa... dalawa kami ni Bryle, at sabay pa kaming nag taas. Nagkatinginan kami at sabay din kaming nagbaba ng kamay, siguro dahil nahiya kami sa isa't isa. At nagkangitian na lang kami.
"Uyyy! Nagkahiyaan pa sila oh!"
"Pag ibig na yan!"
Nanunukso pa rin yung mga classmate ko. Hindi ko alam na mapapansin pa nila yun.
"Ligawan mo yan Bryle. Ako puporma diyan!!"
"Class! Quiet!" Buti naman at pinatigil na sila ng teacher namin. Nag iinit na kasi ang mukha mo. Halos araw araw na lang kasi nila kaming napapansin ni Bryle.
"Miss Monteverde, any idea?"
Kinalabit ako ni Bryle at dahil dun narealize ko na ako pala yung tinawag ng teacher namin.
"Ahm. Yes. Valence is the amount of power of an atom which is determined by the number of electrons the atom will lose, gain, or share when it forms compounds."
"Very good." Ini-explain pa niya yung tungkol sa valence para mas maintindihan ng mga classmate ko.
Nagtanong pa siya ang kung anu ano, at kahit alam ko yung sagot hindi na na ko nag taas. May mga nakakasagot din naman sa mga classmate ko, napansin ko din na hindi na nag tataas ng kamay si Bryle. Pero tinawag na din siya ni Ma'am Almonte.
"Zeria..." Kada pabulong na binabanggit ni Bryle ang pangalan ko, lagi akong kinikilabutan.
"Hmm?" Shockss! Medyo kakaiba ata yung naging tono ng boses ko.
"Saan ka mag la-lunch?"
"Dun ulit. Dun naman lagi eh."
"Pwede mo ba kong... samahan?"
"Ha? S-saan?"
"Sa canteen. Mag ti-take out lang ako ng pagkain, tapus sabay na tayo."
"Ahm..." bigla akong kinabahan or talagang bumilis lang talaga ang tibok ng puso ko. "S-sige. Yun lang pala."
Gaya ng ginagawa niya sakin madalas, hinipan nanaman niya ako sa mukha. Pinilit kong hindi lumabas ang mga ngipin ko sa pagkakangiti. Pero hindi ko kinaya. Buti na lang hindi na siya naka tingin. Baka masanay ako sa ginagawa niya.
Yung feeling na parang ang tagal tagal ng two and a half hours, dati naman hindi ko masyadong iniisip yung lunch break. Pero ngayon, parang excited na excited akong mag lunch. Hindi na ko mapakali. 30 minutes pa. Juice colored! Kailan pa matatapos yung pag le-lecture ng teacher namin? Ngayon lang na blangko ang isip ko sa mga lessons.
"Hoo!"
Napatingin ako kay Bryle na bigla na lang nagbuntong hininga. Tapus yung mga daliri niya tap ng tap sa desk.
"Ang tagal tagal! Paulit ulit na lang yung itinuturo nila!" Napakunot ako ng noo sa sentimyento ni Bryle.
"Ngayon lang naman ni-lesson yan ah?" Tumingin siya sakin nung sinabi ko yun.
"Ha? Ganon ba? Nag a-advance study kasi ako. Kaya siguro."
"Ah! Naiinip ka na din?"
"Kanina pa ko inip na inip. Siguro pag..." hindi itinuloy ni Bryle yung sasabihin niya, kasi bigla niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko, naghalumbaba siya sa gilid ng desk ko at hindi niya inaalis yung pagkakatitig niya sakin. "Dati lang... inis na inis ako sa'yo. Pero bakit ngayon... Sa tingin mo, anong ibig sabihin nito?"
"B-bryle..." bago pa man ako makapag salita ulit, hinipan nanaman niya ko sa mukha, sabay nag bell.
"Tara. Nang masimulan ko na."
(c) Eilramisu
Hi peeps!!! Salamat sa pag suporta kahit ang tagal tagal tagal ng update ko. Grabe! Pasalamat kayo sa Anaconda ni Nicki Minaj. Nakapag update ako, dahil sa kanta niya. Lololol xD
Wag po kayong mag alala, masusundan pa yung update ko, probably tomorrow. Basta hindi aabutin ng months. Lol.
Follow niyo ko sa instagram>>> arliecious_eff
Add niyo ko sa facebook>>> facebook.com/eilra.eyaf
Message niyo lang ako, pakilala kayo. Di kasi ako nag a-accept basta. Lalo na walang mutual friend Para chat tayo :") ♥♥
ILOVEYOUALL! Capslock kasi intense!!!
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (Complete)
RomanceBryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**