11th Plan

58K 737 31
                                    

Sobrang saya namin ng malaman namin na buntis si mommy. At mag tu-two months na. Kung tama ang bilang ko, sa november siya manganganak. Next week pa kasi siya nag pa schedule ng check up. Kay Tita Claire niya ipinaalam yung condition niya, na ikinatampo ni daddy.

Pumapasok pa din ako sa Laurente para sa cheering. Madalas din na pag nakakasalubong ko si Bryle, mag iiwasan kami ng tingin. Minsan nga nauuna pa siyang mang irap sakin. Ewan ko ba dun! Nakakainis. Nakakabwisit. Nakakabadtrip. Like what the fel--

Urgh! Minsan nga gusto ko ng bigla na lang hindi pumasok sa SA. Kasi nakikita ko kung paanong paglalandi ni Dianne kay Bryle, and she's really an expert ha! Nalaman ko na hindi naman talaga dapat siya ang cheerleader, nagkataon lang na ate niya ang cheerleader last school year, at nung grumaduate, sa kanya ipinasa. 

Minsan naman si Jelly at si Annie napaka weird. May time na titingin sila sakin, tapus babaling sila ng tingin sa likod ko or sa gilid ko. Tapus mag e-evil smile. Ang creepy creepy. Lalo na pag nasa sacred garden kami, bigla na lang silang magtitinginan at bubungisngis. Gaya ngayon, nag uusap sila sa mga mata at hindi ako maka-relate.

"Okay! I've had enough! Naa-out of place na ko. Minsan ang weird niyo, minsan naman ang creepy niyo."

"Wala yun Zeria..." Sabi ni Annie ng makainom siya ng water.

"Wala? Ilang beses niyo na kayang ginagawa yan."

"Eh kasi Zeria... si Br--" Naputol ang pagsasalita ni Jelly ng biglang magsisisigaw si Annie.

"Ay!! Ipis! Ipis!!" 

Kami man ay napasigaw din at napatayo dahil sa ipis na sinasabi ni Annie.

"Saan? Saan na ang ipis?!" Sigaw ni Jelly habang nagpapagpag ng damit.

"Ay... nawala!"

"Annie naman!! Ginu-good time mo lang ata kami ni Jelly eh!"

"Oy! Hindi ah! Totoo kayang may ipis."

Bumalik kami sa pwesto namin at parang bigla akong nawalan ng gana kumain.

"Sabihin na kasi natin." Bulong ni Jelly kay Annie pero narinig ko pa din. Nagpatay malisya na lang ako para hindi sila mapatigil sa pag uusap.

"Wag na no! Yaan mo nga yung mga yun ang dumiskarte. Dun natin makikita kung sino ang seryoso."

Kahit narinig ko ang pinag uusapan nila, hindi ko pa rin maintindihan dahil hindi ko talaga alam kung sino, ano, at kanino. Binaliwala ko na lang yun lahat. Kasi naman... ewan. Hindi naman siguro importante.

Iinom na sana ko ng water ng may naramdaman akong bumangga sa paa ko, pagtingin ko bola lang pala ng basketball... pero kanino naman to? Hindi siguro napansin yun nila Jelly at Annie kaya naman pinulot ko yun.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon