Nagising ako na nasa kama na. Inikot ko yung paningin ko at nakita ko si Bryle na nakatayo sa sa may gilid ng pinto. Seryoso siya at naka-crossed arms.Napansin niya siguro akong gumalaw kaya nagpunta siya sakin at nakangiti na siya.
"Good morning!" Hinalikan niya ko sa noo at nilagay sa likod ng tenga ko yung mga buhok na tumatakip sa mukha.
Nginitian ko lang bilang tugon.
"Halika na. Marami pa tayong gagawin dito. Nakaready na rin yung breakfast."
Tumayo ako nagpuntang cr. Tinitigan ko ang sarili kong reflection sa salamin. Alam kong mali to. Alam ko pangtatraydor to. Pero promise. After nito ako na mismo ang iiwas. I'll just enjoy whatever I am experiencing right now. Kahit na ang baba na ng tingin ko sa sarili ko tatanggapin ko. I've never been this happy.
Pagkatapos kong mag shower, nag soot lang ako ng maluwang na sando at cotton shorts. Panay ang pag aasikaso sakin ni Bryle habang kumakain kami.
"Anong sisimulan nating pinturahan?"
"Hmm. Siguro yung kwarto muna, then yung bathroom ko, tapos etong kusina, yung isang kwarto, tapos living room."
"Ikaw lang dapat lahat gagawa nun?"
"Yep."
"Kaya mo?"
"Oo. Three years ko ng ginagawa yun. Yearly kasi nag papalit ako ng color ng walls."
"Ilang araw mo bago natatapos?"
"Isang araw lang."
"Seriously?"
"Ah huh. Nakakatanggal ng stress ang pagpipintura."
"Umm speaking of stress... Ze--" naputol ang pagsasalita ni Bryle dahil nag ring yung phone niya. "Excuse me." Tumayo siya at lumayo sakin.
Baka si Jaeina yung tumawag. Tumayo na rin ako at inilagay sa lababo yung pinagkainan namin. Mamaya ko na lang huhugasan.
Kinuha ko yung mga pinturang binili ni Bryle. Meron din pala siyang biniling manila paper, paint roller, paint brush, tape para sa linings, at gloves.
Inayos ko na yung pintura at dinala ko lahat sa kwarto ko. Nilatagan ko ng manila paper yung mga gilid. Para pumatak man yung paint, hindi mapatakan yung mismong sahig. Inusod ko na rin yung nga gamit ko na nakadikit sa wall.
Nakapag simula na kong magpintura, pero hindi pa rin tapos si Bryle sa pakikipag usap niya. Sobrang importante naman ata nun. Mag tu-20 minutes na siyang nakikipag usap.
Napangiti na lang ako ng mapait dahil naisip ko na wala nga pala kong karapatan magtanong kung sino mga kausap niya. Wala kasing kami.
Nagsimula na kong magpintura gamit yung roller. Since flat surface naman yung wall ko. Kinakadkad ko lang yung wall pag merong nakaangat na pintura or yung mfa nag babubbles na.
Naalala ko yung unang beses kong pininturahan tong unit. Nagsimula ako ng alas siyete ng umaga at natapos ako ng ala una ng madaling araw.
Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin sa likuran.
"Ang daya mo naman eh... hindi mo ako hinintay."
"M-may kausap ka pa kasi. Kaya nagsimula na ko. Baka importante din yung tawag sa'yo."
Hinalikan ako ni Bryle sa kaliwang pisngi ko at bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sakin. Kinuha niya yung roller at nagsimula na rin siyang mag pintura.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (Complete)
RomanceBryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**