Kanina pa ko naiinis. Una, dahil dun sa Dianne na yun... ano ba siya ni Bryle? Personal alalay? Kung makaabot ng tubig akala mo watergirl. Pangalawa, maraming tumitili kay Bryle, okay, given na yung kagwapuhan niya. Bukod dun, magaling siyang mag basketball, idagdag na yung katalinuhan niya. Kung yun ang dahilan nila... sige. Makikitili ako!
"Aaaaahhh!!!! Go Bryle!! Shoot it! Shoot it!!" Napatigil ako ng lumingon sakin si Bryle... hala! Yung puso ko... parang bola na ihahagis sa ere.
"Saan pala kayo nagkakilala ni Bryle?" Tanong sakin ni Annie.
"Sa may tiangge. Niligtas niya ko... we runaway."
"Start na!!!" Napatingin ako dun sa babaeng pumalakpak at sumigaw. Si Dianne pala!
Nakasimangot akong naglakad dun, pero nakakatatlong hakbang pa lang ako tinawag na ni Annie ang name ko. Kaya nilingon ko siya.
"Yes?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sakin.
"Can we be friends?"
"Sure!!"
"Yeheyyy!!" Masaya akong niyakap ni Annie. Kaya napangiti na din ako... nakakahawa kasi siya eh.
Ibinigay niya sakin yung cellphone number niya. Iti-text niya daw ako pag tapus na yung session nila sa table tennis. Sabay na daw kaming mag lunch.
"Nandito yung mga forms niyo, I'll call you one by one. Kung wala yung form niyo dito... it means, hindi kayo kasali. Kailangan niyo ulit mag fill up ng panibagong form." Naabutan kong sinasabi nung Dianne.
Good thing, lahat naman ng nandito, natawag... including me.
Ang unang pinagawa niya samin ay warm up. Nang nasa kalagitnaan na kami, bigla siyang nagsalita.
"Stretch your arms upward." Itinaas niya yung dalawang braso niya, at ngumiti ng nanunuya. Nagkatinginan yung iba, tapus inayos yung mga sleeves ng t-shirt nila. Ilan lang naman samin yung mga naka sleeveless, including me. At yung iba talagang hindi nag dalawang isip. "You! What are you waiting for?" Nagulat ako ng binaba niya yung dalawang braso niya at tumingin sakin. "May itinatago ka ba? Kaya hindi ka makapagtaas ng kamay?"
Napataas ang kilay ko. Anong gusto niyang palabasin? Dahil nasa bandang likuran ako. Lumapit ako sa pwesto niya. Kaya napunta ako sa bandang harapan. Narinig kong may sumipol.
Tapos na kasi ang basketball game. Kaya naman nasa may gitnang court na kami, at nakaharap talaga kami kila Bryle at sa team niya na nagpapahinga.
Itinaas ko ang mga kamay ko. May narinig nanaman akong sumipol.
BINABASA MO ANG
His Wedding Planner (Complete)
RomansaBryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**