Prologue

8.3K 164 14
                                    

Ang sarap tumakbo hanggang sa hingalin, mapagod, at magpawis.

Ang sarap maging malaya at mawalan ng pakialam sa mundo.

Bawat hakbang, bawat patak ng pawis, at bawat buga ng hininga sa aking bibig ay panandaliang naglalayo sa akin sa mundo ng kalungkutan.

Ayaw ko na munang tumigil.

Ayaw ko na munang maramdaman ang puso kong unti-unting nabibitak.

Ayaw ko na munang harapin ang katotohanang kami'y pinagtagpo lamang ngunit hindi itinadhana.

Batid kong hindi sasapat ang mga luha upang mabago ang nakatadhana na.

Kaya't ibubuhos ko na lamang ang lahat ng lakas at enerhiya sa pagtakbo.

Papagurin ko ang aking sarili hanggang sa maghabol ako ng hininga.

Papagurin ko ang aking sarili hanggang sa hindi ko na maalala kung bakit ko ito ginagawa.

Kumanan.

Kumaliwa.

Dumiretso.

Patuloy lamang sa pagtakbo.

Walang tigil.

Walang pahinga.

Sapagkat hindi ito ang aking kailangan.

Walang pahinga ang makatutulong kung puso ang napapagod.

The Policewoman: Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon