Kabanata 05 - Ang Silakbo

3.3K 94 10
                                    

"Saan pa iyon bibili ng kanin?" tanong ko kay Gael habang hinahatid ng tingin si Robert na noo'y palabas na ng bahay.

"Diyan lang sa kanto, sa karinderya ni lola Laling," malumanay nitong saad.

Ibinaling ko ang tingin dito. Nagsandok na ito ng sabaw sa isang maliit na mangkok. Pagkuwa'y humigop ito ng sabaw at napatingin sa akin. Natawa ito. "Ay. . . Kuha ka na rin, ate. Nauna na 'ko. Nagugutom na kasi ako."

"Mamaya na lang," sagot ko at pinagmasdan siya. Hindi ko mawari kung saan inilalagay ng batang ito ang mga kinakain niya. Sa payat niyang pangangatawan ay napakalakas niyang kumain. Kanina lamang ay nakaubos siya ng apat na burger ngunit ngayo'y nagugutom na naman. Kung sa bagay, mataas siya ng tatlong pulgada sa akin kaya't mas maraming pagkain ang kailangan ng katawan niya kumpara sa akin. At sa edad niyang labing walo, palagay ko ay tatangkad pa siyang tulad ng kuya niya.

"What do you think about kuya, ate?"

"Ha?"

Tumingin siya sa akin. "Do you find him attractive?"

Natawa ako sa tanong niya. "Bakit mo naman naitanong 'yan?"

Muli siyang humigop ng sabaw at nagkibit-balikat. "Because you look good together. I just wanna know if it could . . . you know . . . have a chance?"

"Don't get me wrong, Gael. Oo, I find him attractive pero. . . chance? Hindi ko alam."

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Why? You have a boyfriend na ba?"

Umiling ako.

"Oh! Iyon naman pala eh. Single ka, single din si kuya. What's wrong with that?"

"Sana ganoon nga lang kadali ang lahat pero," mahinahon kong saad at tumuro sa dibdib, ". . . hindi pa kasi kaya nito."

Bigla siyang nalungkot. "Sayang naman. Gusto na kasi kita para kay kuya eh."

"Kahit naman gusto mo ako para sa kuya mo, wala tayong magagawa kung hindi rin naman ako ang gusto niya."

"Wala naman akong nakikitang rason para hindi ka niya magustuhan, ate," aniya.

Sa sinabi niyang iyon, nakaramdam ako ng tuwa. Pero hindi ko alam kung ano ang dapat isagot. Ilang sandali lamang ay dumating na si Robert at naghapunan na kami. Pagkatapos maghapunan, nagtungo na kami ni Gael sa sala at magkatabing naupo sa sofa habang si Robert nama'y naiwang naghuhugas ng mga plato sa kusina.

Binuksan ni Gael ang telebisyon at nanood ng teleserye. Noon pa ma'y hindi ko na nakahiligan ang manood ng mga teleserye. Kaya't habang nanonood kami ni Gael, hindi ko maiwasan ang mapangiwi sa kadramahan ng mga bidang artista. Subalit nang ibaling ko ang tingin kay Gael ay nakita kong damang-dama niya ang bawat eksena. Seryoso siyang nakatitig sa telebisyon habang may luhang gumigilid sa kanyang mga mata. Napapapikit siya sa bawat sabunot at sampal na dumadapo sa mukha ng bidang babae.

Maya-maya'y nagtungo na rin sa sala si Robert at naupo sa kaliwa ni Gael. Natatawa nitong tinitingnan ang kapatid. Nang hindi makatiis ay kinuha nito ang tissue sa ibabaw ng center table at inabot kay Gael. "Mukha kang tanga, Gael. Punasan mo nga 'yang luha mo."

Hindi naman ito pinansin ni Gael bagkus ay kinuha lamang ang tissue sa kamay ng kapatid. Natatawa at iiling-iling na tumayo si Robert at lumabas ng bahay. Marahan din akong tumayo at sinundan ito.

Paglabas ko'y nakita ko ang isang malawak na hardin na puno ng sari-saring halaman. Hinanap ng tingin ko si Robert at nakita siyang nakaupo sa mahabang bangko, may sigarilyong nakasubo sa kanyang bibig na kanyang sinisindihan gamit ang isang lighter.

The Policewoman: Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon