"Salamat sa dark chocolate," nakangiting sabi ko kay Robert habang kami'y naglalakad papuntang dormitoryo ko. "At sa corny mong sulat."
Natawa siya. "Grabe ka naman. Pinag-isipan ko iyon tapos sasabihan mo lang na corny?"
Hindi ko napigil ang matawa sa kanya. "Eh, ano ba'ng ibig mong sabihin sa natitirang tamis sa dark chocolate mo?"
Napakamot siya sa ulo at nangingiming tumingin sa akin. "Di ba nga, ang dark chocolate, magkahalong pait at tamis. Ikaw ang tamis sa mapait kong kahapon."
Napahagikgik ako at sinuntok siya nang isa sa braso. "Ang corny mo, Bert."
"Kunwari ka pa, kinilig ka naman."
"Gago," natatawang sabi ko. Pero ang totoo'y tama naman siya.
"Oo nga pala, Nona, pinapapunta ka ni Gael sa bahay."
"Si Gael ba talaga o ikaw?" tanong ko nang may panunuksong tingin.
"Hoy, anong akala mo, type kita?" natatawang sagot niya.
"Alam mo, kung hindi ka torpe siguro bading ka?"
Ngumuso siya. "Hindi ako bakla."
Natawa ako. "Talaga?"
"Sus, Winona," sabi niya. At alam ko, kapag binubuo na niya ang pangalan ko'y medyo napipikon na siya. Pero gusto ko siyang asarin ngayon, malay mo gumana at mapaamin ko siya.
"Ano?" pang-aasar ko.
"Gusto mo lang na halikan kita eh. Ito ang sasabihin ko sa'yo, ha? Maglaway ka na pero hinding-hindi mo ako matitikman."
"Talaga ba?" natatawang sabi ko.
"Talagang-talaga," may kumpiyansang sagot niya.
"Kahit gawin ko ito?" Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang mga braso ko sa magkabilang balikat niya. Ipinulupot ko iyon sa leeg niya. Pumikit ako at ngumuso.
Naramdaman kong ipinulupot din niya ang braso niya sa baywang ko. Napamulat ako sa gulat. Kinabig pa niya akong palapit sa kanya at nakita kong gumuhit ang isang pilyong ngiti sa labi niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. At bago pa man maglapat ang mga labi namin ay buong lakas ko siyang itinulak.
Humalakhak siya. "Akala mo, ha?"
Hindi na ako nagsalita at dali-daling pumasok sa loob ng dormitoryo. Pagbagsak kong isinara ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog nito.
"Pogi siya, ha?"
Nagulat ako nang may narinig na nagsalita. Si Francisco na mas kilala bilang Franz, ang anak ng may-ari ng dormitoryo. Nakaupo ito sa sala at sa tingin ko'y nasilip noya kami sa bintana. Tumayo ito. Suot nito'y isang pulang spaghetti strap at maikling puting shorts. Maputi ito, balingkinitan, at may mahinhin na boses na kung hindi mo siya kilala ay mapagkakamalam mong isang tunay na babae. "Nakakagulat ka naman, Franz! Bakit gising ka pa?"
"Wala lang," sagot niya. "Bakla ka! Sino na naman iyong taga-hatid mo, ha?"
"Ah, katrabaho lang."
"Huwag ka ngang echoz diyan," aniya. May panunukso niya akong tiningnan at kiniliti sa tagiliran. "Oh! Tingnan mo, kinikilig siya, manliligaw mo, 'no?"
"Kiniliti mo kaya ako," natatawang paliwanag ko. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang wallet ko. Mula roo'y naglabas ako ng tatlong libo. "Ito pala bayad ko sa upa, pakibigay sa nanay mo hindi na kami nagkikita."
"Ay, ay, siya! Iniiba ang usapan."
Kiniliti ko rin siya sa tagiliran at nangingiting naglakad patungo sa kuwarto ko.
BINABASA MO ANG
The Policewoman: Book II
General FictionSi Winona, isang matapang na babae-- walang sinasanto, walang inuurungan, at handang lumaban ng patayan para sa mga taong mahal niya at sa bansang kanyang pinagsisilbihan. Ngunit para sa sarili, hindi niya magawang lumaban. Minsan na siyang nagpara...