Chapter 9 Wedding Gift

5.9K 109 2
                                    

Third Person's POV

Nakalipas ang isang linggo, laging away bati at aso't pusa parin ang mag asawa.

Tapos na ang mahabang holiday kaya balik eskwela ulit ang dalawa.

Ganun parin ang set up ng dalawa na mananatiling sikreto na si Yesha ang asawa ni Blake at usapan nila na walang pansinan sa school at umarte ng parang magkakikalala lang hindi na sila sabay pumasok dahil pinayagan na rin si Yesha na gamitin na niya ang kanyang sasakyan.

Nang nakarating si Yesha sa school narinig niya ang ingay at tsismis ng bawat estudyante

"Kasal na pala si Papa Blake pero sino kaya yung asawa niya? hindi pinakita ang picture at hindi rin sinabi ang pangalan!" Sabi ng mga babaeng nagkukumpulan at nagtsi-tsismisan.

"Oo nga, nakakainggit naman sino kaya yung maswerteng babaeng yon?"

"Huhuhu! hindi ito pwede kasal na si Blake ko!"

Yan yung mga bulungan sa school dahil lumbas na pala sa magazine ang article tungkol sa kanila ni Blake. hindi kasi pumayag si blake na ipakita at sabihin man lang kung sino ang kanyang asawa para rin ito sa kanyang privacy.

Agad na sumalubong ang mga kaibigan ni Yesha at niyaya siya sa cafeteria dahil gusto nila makibalita sa kanilang kasal.

"Care to share sissy? dali excited much na ako!" Panimula ni Chloe

"Kamusta honeymoon niyo? A---aray ha! bakit ka ba nambabatok Steff? Reklamo ni Era.

"Pinagsasabi mo Era? walang magaganap na honeymoon no? dali na sissy kwento na!" Sabi naman ni Steff

"Sandali lang naman atat kayo? hehehe." Sabi naman ni Yesha na halata naman sa kanya na napipilitan lang siyang tumawa.

"Ay hindi! Pabitin much pa? Sabi ni Era sabay irap pa nito.

"Ay ang taray mo ha! Ganito kasi yon." Panimula sa kwento ni Yesha.

Ikinuwento lahat ni Yesha ang nangyari pati sa paghihiganti niya kay blake, pati narin sa pagpayag ni Blake na sayawan siya nito kahit matigas ang katawan nito.

Ikinuwento niya rin ang pag dating ng mga kabanda niya at hindi rin mawawala sa kanyang kwento ang nakakakilig na gabi na nangyari sa kanya.. Ang nagpapicture kasama si Shawn..

"Seriously? Sumayaw si Blake? sana kinuhaan mo ng video." Sabi ni Era

"Biglang dumating sila kuya diba? di ko makakalimutan yung mukha niya na pulang pula sa hiya kulang nalang kainin niya kaming lahat! Hahaha." Kwento ni Yesha

"Sissy patingin ako ng picture niyo ni Shawn, hanep dumada moves ka na ah!" Pang aasar ni Chloe

"Ang sweet naman ni Blake isipin mo ginawa niya yun para sayo OH MY GEEEE!" Kinikilig na sambit ni Steff

"Sweet ka diyan matapos niya ko paiyakin at pagtripan sweet ba yun?" Apila ni Yesha

"Shunga mo sissy, bibihira lang sa lalaki ang sumunod ng ganon ang sweet kaya! atleast bumawi siya sayo diba? masyado mo pinahirapan ang asawa mo hahahaha."

"YAH! wag ka maingay baka may makarinig sa atin. ikaw talaga tigilan mo nga yang pagtili mo." Saway ni Yesha kay Steff

"Sorry! nadala lang ako ang sweet naman kasi talaga." Sabi niya

"Hay, tara na nga baka mahuli pa tayo sa klase.. malapit na ulit ang bakasyon, sa wakas makakapag relax na din." Sabi ni Yesha

__________

Samantala sa tambayan nila Blake labis labis ang pangangantyaw sa kanya ng dalawa niyang kaibigan dahil sa nakita nila sa kanyang bahay..

"Pre, ang epic talaga nang ginawa mo at sayang hindi nakuhaan ng video ang tigas pala ng katawan mo. wooh! hahahaha." Pang aasar ni Jerson kay Blake

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon