Chapter 12 Jealous

6.2K 109 1
                                    

Nakalipas ang tatlong araw at tuluyan ng gumaling si Yesha. Inip na inip si Yesha ngayon dahil next week pa siya pwede pumasok at silang dalawa lang ni manang ngayon ang nasa bahay dahil si Blake ay may pinuntahan.

Hindi na nakayanan ni Yesha na magtagal pa sa kanila kaya napag pasyahan niyang maglibot at bumili sa supermarket para bumili ng mga sangkap para sa kanyang pagbabake sa bahay.

Habang namimili siya. Si Shawn naman ay namimili din at hndi niya inaasahan na makikita niya si Yesha.

"Yesha? ano ginagawa mo dito? diba dapat nagpapahinga ka lang?" Tanong ni Shawn kay Yesha

" Shawn, Andito ka rin pala!"

"Oo sinamahan ko si mom mag grocery ikaw wala ka ba kasama? nasaan si Blake?"

"Wala ako lang, maaga siyang umalis kanina eh di ko na natanong kung saan nagpunta."

"Wow ano yang binili mo? marunong ka pala mag bake?"

"Oo naman, eto nga yung pinapasukan kong workshop ang pag ba baking."

"Talaga? sana matikman ko rin yang binibake mo."

"Ay, gusto mo pumunta sa bahay? magbabake ako ng cupcakes?" Pag aaya ni Yesha

"Okay lang sayo? hindi ba nakakahiya?"

"Ayos lang yan at isa pa kilala ko naman kayo."

"S-sige wait magpapaalam lang ako kay mom. hintayin mo ako diyan."

"Okay walang problema."

Sinamahan ni Shawn si Yesha sa pamimili at nang natapos na sila inaya ni shawn si Yesha na kumain muna sa labas bago umuwi pero tumanggi si yesha pero dahil sa mapilit si Shawn napapayag niya rin ito.

Samantala..

Galing si Blake sa company nila dahil pinatawg siya ng kanyang ama para pagusapan ang mga bagay bagay tungkol sa kanilang negosyo..

Nang matapos na ang kanilang meeting nagpasyang umuwi na agad si Blake upang kamustahin ang lagay ng kanyang asawa dumaan muna ito sa isang convenient store para bumili ng pasalubong para kay Yesha.

Pag kauwi niya sa bahay, dali dali siyang dumiretso sa kwarto ni Yesha ngunit wala rito ang kanyang asawa. sinabi ni manang na may binili lang si Yesha sa labas dahil naiinip na din dito sa bahay. nakaupo lang si blake sa may sala habang hinihintay ang kanyang asawa.

Maya maya bumusina na ang sasakyan ni Yesha agad napasilip si Blake sa bintana ngunit laking gulat niya kung sino ang lumabas sa driver's seat si shawn tapos inalalayan si Yesha pababa ng sasakyan, agad nakaramdam ng pagkainis si Blake..

Niluwagan niya ang kanyang necktie at binukasan ang tv at umarte na parang walang tao na paparating at naging blangko ang reaksyon ng kanyang mukha.

"Andito ka na pala, kakauwi mo lang?" Tanong ni Yesha.

"Hindi ba obvious?"

"Ang sungit nito ah, diyan ka muna Shawn habang hinahanda ko lang yung mga ingredients ko sa pag gawa ng cupcake."

"Ano ginagawa mo dito pare?" Tanong ni Blake kay Shawn

"Nagkita kami sa supermarket ni Yesha at nataon na namimili rin kami ni mom, kaya ayun sinamahan ko na muna si Yesha at pagkatapos ininvite niya ko dito sa inyo para matikman ko daw yung cupcake na ginawa niya." Mahabang paliwanag ni Shawn.

"Tss! Hindi naman masarap yun, walang ka lasa lasa."

"Anong sabi mo Blake? walang kalasa lasa kaya pala naubos mo yung 10pcs na ginawa ko." Apila ni Yesha.

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon