Chapter 17 Evidence

4.7K 106 7
                                    

Isang araw na ang lumipas at sa wakas nagising na din si Yesha. Tinatanong nila ito kung anong nangyari pero hindi niya ito sinasagot dahil mas gugustuhin pa niyang manahimik muna dahil may naiisip siyang plano para mailabas ang katotohanan at para tumigil na din si Ysabelle sa mga panloloko niya.

Samantalang si Shawn naman ay hindi tumitigil sa pag mamanman kay Ysabelle.

"Ano ba kasi ginawa mo kay Yesha? kailangan malaman ko ang katotohanan para hindi mo na ito itanggi!" sabi ni Shawn sa kanyang sarili.

Nandito siya ngayon sa isang coffee shop at sinusundan niya si Ysabelle dahil nga malakas ang kutob niya na siya talaga ang may pakana kung bakit nahulog sa pool si Yesha at nalunod.

Yesha's POV

Pag mulat ko pa lang ng mata ko yung mukha ng babaeng yun ang bumungad agad sa akin akala mo kung sinong anghel na napaka bait nung nakita ako.

*Flashback*

"Thank God at gising ka na ano ba kasi nangyari sayo anak?" Sabi ni mommy

"Yesha, mabuti naman at gising ka na may masakit pa ba sayo?" Tanong ni Blake sabay hawak sa kamay ko

"Yesha, how are you?" Sabi ni Ysabelle

Nang nakita ko si Ysabelle gusto ko siya sugurin at saktan ngunit naisip ko na mas maganda kung si Blake na mismo ang makakaalam ng katotohan niya lalo na sa panloloko niya na may sakit siya.

Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin Ysabelle, maghihintay ako ng pagkakataon para maharap kita at mapa amin sa lahat ng kasalanan mo

"Yesha, What's wrong bakit hindi ka na sasalita?" Pag aalala ni Blake

Kitang kita ko ang mukha ni Ysabelle na kung paano niya ako tignan, kung naka mamatay lang yung mga tingin niya siguro pinaglalamayan na ako.

*End of Flashback*

Hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa kanila kung ano ang ginawa ng babaeng yan at sa oras na makalabas ako rito sisimulan ko na ang plano ko.

Third's POV

Habang patuloy sa pag mamanman ni Shawn.

"Chineck mo ba mabuti yung CCTV?" Tanong ng crew kay Shawn.

Biglang napaisip si Shawn at dali daling umalis sa shop kung saan nandun si Ysabelle. mabilis niyang pinahahurot ang sasakyan

"Kailangan makapunta ako sa resort na pinuntahan namin, posibleng may CCTV Camera dun sa may pool!" Sabi ni Shawn sa kanyang sarili

Nang nakarating na siya sa Resort agad siyang pumunta sa opisina para i-check nga kung may cctv sa pinangyarihan at laking tuwa ni Shawn nang sinabi ng staff na may cctv nga dun sa pool at kung saan nalunod si Yesha.

Maingat niyang pinanood ang bawat footage at biglang nanlaki ang mga mata ni Shawn dahil sa nakita niya.

Kitang kita sa camera ang pagtulak ni Ysbelle kay Yesha at sa pag mamakaawa niya na tulungan siya dahil rinig din doon ang paguusap nila. Naiyukom nalang ni Shawn ang kanyang kamao sa galit nang nakita niya sa monitor ang buong pangyayari.

"Sinasabi ko na nga ba si Ysabelle talaga ang may kasalanan, kailangan malaman nilang lahat ito!"

Nakakuha na ng kopya si Shawn at tinawagan niya si Yesha para magkita sila para sabihin ang mga nalalaman niya.

*Kinabukasan*

Nakipagkita si Yesha kay Shawn para makita niya ang video at para narin makagawa sila ng plano para matigil na ang kahibangan ni Ysabelle. Pero hindi nila alam na merong isang lalaki na kinukhaan sila ng litrato at mabilis itong umalis.

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon