Chapter 27 Jealous Wife

5.6K 90 0
                                    

*After 7 Months*

Blake's POV

"Hi Shane, kamusta? Sorry di ko nasagot yung tawag mo so any update? ----Oh really? Okay sige magkita na lang ulit tayo. Same time and same place---alright bye." Sabi ko sa kabilang linya sabay baba ko na sa tawag.

"Sino kausap mo?" Takhang tanong ni Yesha

Damn! Nagulat naman ako sa kanya bakit ba bigla bigla siyang sumusulpot?

"Ah yun ba---Ah secretary ko iyun kumain ka na ba?" paglilihis ko sa usapan

"Shane na pala pangalan ng secretary mo?" Pagusisa muli ni Yesha

Oh! Darn! Bakit sa dinami dami ng ipapalusot yung secretary ko pa eh kilala nga pala niya yun. Kailangan makaisip ako ng paraan para makalusot ako.

"Huh? bakit Yam may problema ka ba?" Tanong ko kunwari sa kanya.

"May meeting kami mamaya ni Shane may ipapakita kasi siya sa akin kaya magkikita kami mamaya." Dugtong ko pa.

"So palagi pala kayo nagkikita? Tanong muli ni Yesha pero this time iba na yung tono ng boses niya.

"Yam pinagdududahan mo ba ako?" Diretsong taning ko sa kanya.

"Hindi naman paano kasi palagi kang may kausap sa cellphone mo at kung umuwi ka halos gabing gabi na. Sabihin mo nga sa akin Blake meron ka bang hindi sinsasabi sa akin?" Mahabang linyada ni Yesha sa akin.

"Yam wala akong isinisikreto sayo madami lang akong kausap na clients kaya ayan siguro nakikita mo na palaging may kausap sa cellphone." Sagot ko sa kanya pero hindi siya kumibo tila hindi siya convince sa sinabi ko.

"Yam ikaw lang ang mahal ko kaya nga kita pinakasalan para ikaw ang makasama ko habang buhay kaya magtiwala ka sakin." Sinsero kong sabi sa kanya

"Alis na ako madami pa kasi ako aasikasuhin sa opisina." Paalam ko sabay halik ko sa kanyang labi.

"Bye baby alis na muna si Daddy. Excited na ako malaman ang gender mo love na love ka ni daddy." Sabi ko sabay kiss ko sa tyan ni Yesha.

"Bye Yam ingat kayo dyan tatawagan kita pag nasa office na ako." Paalam kong muli sa kanya.

Pagka sakay ko sa kotse napabuntong hininga na lamang ako.

"Wooh! Muntik na ako dun." Sabi ko sa sarili ko sabay start ko sa aking sasakyan.

Pagdating ko sa office pinatawag ko silang lahat na kaibigan namin ni Yesha para paghandaan ang nalalapit na baby shower ng aking anak.

______

Natapos na sa aming pinagusapan at ako naman ay makikipagkita ngayon kay Shane. Siya ang organizer na kausap ko para sa baby shower na surpresa ko kay Yesha.

Pagdating ko sa meeting place na usapan namin nandun na agad siya at naghihintay.

"Good afternoon Mr. Lim so nakapag decide ka na ba ng theme para sa baby shower niyo?" Tanong ni Shane

"Yes! Here's the details nagusap usap na kami ng mga kaibigan ko at eto yung napagdisisyunan namin." Sabay abot ko ng papel sa kanya na may laman na detalye para sa baby shower.

"Okay, maganda po ito sir and I'm sure matutuwa po si Mrs. Lim. By the way kamusta na siya?" Tanong muli ni Shane habang binabasa niya pa yung binigay ko sa kanya.

"Okay lang naman siya actually muntik na ako mahuli eh and gusto ko lang naman talaga siyang sorpresahin kasi ang hirap ng kalagayan niya ngayon lalo na sa paglilihi." Sabi ko kay Shane.

"Ganun po talaga pag nagbubuntis ilang buwan na lang naman at lalabas nanaman ang baby, alam niyo na ba yung gender niya?"

"Hindi pa bukas pa malalaman, so Ms.Shane sabihin ko na lang sayo bukas kung ano yung gender ng baby ko para makapag proceed na tayo sa plano natin." Mahaba linyada ko sa kanya.

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon