Third Person's POV
Simula ng ikinasal na sila Blake at Yesha mas lalo pang lumalim ang kanilang relasyon halos sa iisang pinggan nalang sila kumakain at hindi na sila sanay matulog pag hindi nila katabi ang isa't isa.
Balik trabaho na sila pareho kahit busy sila sa kanilang mga trabaho mayroon parin silang quality time sa isa't isa.
Nakasanayan na nga nila na lagi manood ng movie araw araw, minsan food trip sila sa madaling araw at mamasyal sa tuwing wala silang pasok.
*After 7 Months*
kakauwi lang nila galing sa kanilang trabaho.
Napapansin ni Blake na tila hindi nagsasalita ang kanyang asawa at tahimik lang ito simula kaninang umaga, isang tanong at isang sagot lang siya palagi kaya hindi niya maiwasang magtaka at mag alala para kay Yesha.
Nang natapos na sila kumain ugali na kasi nila manood ng movie bago sila matulog.
"Yam, bakit ayaw mo kainin yung cookies? himala dati pagka lapag ko pa lang sa table nilalantakan no ma agad tapos ngayon hindi mo ginagalaw!" Takhang tanong ni Blake.
"Ayoko nyan!" Pagsusungit ni Yesha.
"Ano gusto mo? Eto na lang mogu mogu?" Sabay abot ni Blake
"Ayoko din niyan! May graham pa ba tayo?" Pagsusungit niyang muli kay Blake.
"Diba inubos mo na kaninang umaga, Kagabi kumain ka din nun." Sabi ni Blake
"Tss! Urgh!" Maktol ni Yesha
Padabog si Yesha na tumayo at pumunta sa kusina kaya nagtataka si Blake kung bakit ganun na lamang ang inasal ng kanyang asawa.
Blake's POV
Ano kaya nangyari dun?
Baka siguro pagod lang sa trabaho kaya siguro wala sa mood.
Maya maya dumating na si Yesha at may bitbit na----Graham? Seryoso ba siya at ganun na lamang ba siya katakam sa graham?
"Yam, Hindi pa yan malamig yan at bagong gawa pa yan oh! mas masarap yan pag malamig na" sabi ko sa kanya na nakangiti.
"Pakielam mo ba? Gusto ko kumain ng graham ngayon eh." Sigaw niya sa akin sabay irap habang sumusubo ng graham.
Nagulat ako sa sinagot niya ano ba nakain nito bakit ba ang sungit nito?
"Yam, May MPS ka ba ngayon? Ang sungit mo ha!" Sabi ko sa kanya pero..
Sinamaan niya ako ng tingin
"Ikaw naman hindi mabiro! Hehehe." Sabi ko sa kanya.
"Pwede ba huwag ka nga ngumiti! May nakakatawa ba?" Pagtataray ni Yesha
"Pagod lang siguro to kaya siya masungit." Nasabi ko na lamang sa aking sarili.
Pag lingkon ko ulit sa kanya nagulat ako kasi naubos na agad niya yung graham na ginawa niya. Grabe! Ang takaw pala niya sa graham?
"Aakyat na ako ayoko manood ng movie!" Paalam ni Yesha sabay tayo niya.
Seryoso ba siya? ngayon lang siya umayaw manood ng movie.
Umakyat na siya sa kwarto.
After 30 mins. Umakyat na din ako sa aming kwarto nakita ko si Yesha na tila hindi makatulog nakabukas naman yung aircon bakit parang iritang irita siya.
"Yam, Anong problema? bakit di ka makatulog?" Tanong ko kay Yesha.
"Tsk! Ang init!" Inis na sambit ni Yesha
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]
General Fiction#1 Yesha #265 Blake #184 Arranged Marriage