Chapter 11 First Date

5.3K 110 1
                                    

Nakalipas ang dalawang araw halos hindi nagpapansinan ang mag-asawa dahil hinihintay ni Yesha na si Blake ang unang pumansin sa kanya.

Nang nakapasok na din Yesha sa kanyang workshop,

"Sissy kamusta na kayo ni Blake?" Bungad agad ni Chloe sa kanya

"Ganun pa rin hindi parin kami nagpapansinan." Walang ganang sagot ni Yesha

"Bakit naman? ikaw na kasi unang kumausap sa kanya. nagsorry nanaman sayo yung tao diba?"

"Hindi ganun kadali yun, sa dami ng atraso niya sa akin eh!"

"Kasi nagseselos lang yung tao kaya niya nasabi yun!"

"Oo nga sissy selos lang yun si Blake kay Shawn, kaya kausapin mo na siya." Singit ni Steff sa usapan

"Hoy! babae! Ang balimbing mo akala ko ba Team Shawn tayo bakit naging Blake ka na?" Sabat namam ni Era

"Ehh! Ang hrap pumili eh, parehas gwapo! hehehehe."

"Ay! Ang harot mo te!" Sabay kurot niya sa pisngi ni Steff

"Aray ah! pisngi ko nanaman.. inggit ka lang kasi sa mga cheeks ko."

"Tama na nga yan, mamaya mag away nanaman kayo." Saway ni Yesha sa dalawa

"Basta ako boto ako kay Blake." Sabi ni Chloe

"Team Shawn ako!" Sabat naman ni Era

"Ako? both! haba ng hair mo girl. hahaha!" Sabi ni Steff

"Ano ba pinagsasabi niyo? tara na nga baka hindi pa kayo nag aalmusal, mga hibang pa kayo eh!" Apila ni Yesha

*After 5 Hours*

"Oh pano mga sissy may rampa pa ang diyosa eh, ingat kayo sa pag uwi. bye! Paalam ni Era

"Ikaw dapat mag-ingat hindi kami hehehe.. sa laki ba naman ng braso ni chloe eh, hahaha." Pang aasar ni Steff

"Whatever!" sabay irap ni Steff

Habang nglalakad sila papauwi may isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa harapan ni Yesha,

"Get in!" Sabi ni Blake

"May sundo ka pala sissy, ikaw huh!" Sabay sundot sa tagiliran ni yesha

"Hi Blake."

"Anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit ni Yesha

"Malamang Sinusundo ka! Sakay na!"

"Ayyieee.. Sissy sakay ka na daw."

"Sissy, kwento mo samin kung ano mangyayari sa date niyo ah.. ayyiiee!"

"YAH! Date ka diyan, sinundo lang ako niyan no! napaka malisyosa niyo!" Reklamo ni Yesha

"Sasakay ka ba o hindi?" Inis na sambit ni Blake dahil kanina pa ito inip na inip

"Huwag kang atat!" Sigaw ni  Yesha sa kanya

"Oh pano una na ako, mamaya bugahan pa ako ng apoy ng lalaking yan.. bye." Paalam niya sabay sakay niya sa sasakyan ni Blake

Nang nakapasok na si Yesha sa loob ng kotse. Bigla silang nanahimik.

"SAAN TAYO PUPUNTA?!" sabay pa nilang sabi

"ANO BA?!" sabay nila ulit na sinabi.

"Aist! Bakit mo ba ako sinundo? saan ba tayo pupunta?" Iretableng sabi ni Yesha

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon