Chapter 18 Can't Move on

5.3K 118 1
                                    

Chapter 18 Can't Move on

Nakalipas ang 5 taon..

"Good Morning Sir, eto na po mga schedule mo for today, mamayang 10am may meeting po kayo nila Mr. Yuri Kwon kasama ang board members."

"Kwon" Sambit ko sa sarili ko.

Bigla nanaman pumasok sa isip ko ang nag iisang babaeng minahal ko sa loob ng 5 taon.

*Flashback*

"Divorce papers?"

"Oo anak, pinabibigay yan ni Yesha at pinirmahan na niya yan."

Hanggang sa makauwi ako sa bahay hindi pa rin ako makapaniwala na makikipag divorce na sa akin si Yesha. No! Hindi pwede ito, ayoko! mahal na mahal kita Yesha at hindi ko pipirmahan tong divorce papers hanggat hindi kita nakakausap. ang dami kong kasalanan sayo at pinagsisisihan ko yun.

Araw araw akong nangungulila sa kanya. hinahanap hanap ko ang mga ngiti mo, ang pagtawa mo at kung paano ka mapikon sa mga pang aasar ko! namimiss ko na din ang amoy ng pabango mo at yang malalambot mong labi. sa lahat ng sulok ng bahay ikaw lang ang naaalala ko.. "Yesha bumalik ka na! Hindi ko kayang mawala ka, parang nababaliw na ako! Argh." Sabay hagis ko ng baso na my alak

"Nak! Tama na yan, lasing ka nanaman, huwag mong sirain ang buhay mo!''

Ano pang silbi ko Manang kung hindi na babalik si Yesha at tuluyan na niya ako iwanan."

"Nak! lahat ng nangyayari sa iyo may dahilan siguro para matuto ka din sa mga pagkakamali mo pero kung talagang kayo, yung tadhana na mismo yung magtatagpo sa inyo!"

"Hanapin ko kaya si Ice sa Italy?"

"Paano ang pag-aaral mo anak hindi mo pwede pabayaan yun!"

"Pag nakita ko siya dun na rin ako mag aaral, pag hindi ko siya natagpuan babalik ako dito!"

"Alalahanin mo ikaw ang mag papatakbo ng company niyo once na naka graduate ka na!"

"Ayokong pirmahan ito!" abay pilas sa divorce papers

Hindi ako makikipag divorce. gagawin ko lahat para bumalik lang siya sa akin.

Hinanap ko si Yesha sa Italy pero bigo akong makita siya.

"Yesha, nasaan ka na ba? sobrang miss na kita."

Hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar na kung saan pwede mo ilabas ang nararamdaman mo pwede ka magsulat ng mensahe at isulat mo yan sa isang board at isabit. marami rami na din ang nakasabit doon.

*Blake's note*

Yesha Kwon,
Please come back into my life again. simula ng nawala ka ang buhay ko nawalan na ng saysay ang buhay ko. namimiss ko ang lahat lahat sayo. pati ang pagtawag ko sa iyo ng ugly duckling.

Sana mabasa mo ito! I'm still hoping na maaayos pa natin ito. maghihintay ako kahit gaano pa katagal.

I love you so much my wife.. my Yesha, my ugly duckling. my life.

still,
Denver Blake Lim

Sana mabasa ni Yesha ito. Lord please sana makita ko ang babaeng pinaka mamahal ko. hinanap ko siya sa italy pero hindi ko talaga siya makita.. sabi nila pag pinagpilitan ko daw hanapin ang hinahanap ko, lalo lang daw hindi yun magpapakita..

Napagpasyahan ko na umuwi na lang sa Pilipinas.. pinagpatuloy ko ang pag aaral ko at ang career ko. habang lumilipas ang mga araw lalo ako nawawalan ng pag asa na magkita pa kami ni Yesha.

Sinubukan ko siya hanapin sa facebook pero nakablocked na ako sa kanya.. yung samahan namin ni Yuan maayos na din at bumalik na kami sa dati.

Si Shawn naman ganun din humingi na ako ng tawad sa kanya at tuloy pa din ang pagiging magkaibigan namin.

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon