Chapter 10 In- Denial King

5.9K 106 1
                                    

Nakalipas ang 2 Buwan nag bago na ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa bagamat hindi pa rin nawawala sa kanila ang magbangayan pero hindi kagaya noon..

Naging magkaibagan na din sila pero pagdating pa din sa School ganon pa din ang set up nila..

Dahil tapos na ang school year nila at bakasyon na, sunod sunod na din ang mga gigs at guesting ng banda nila blake.

At eto namang si Yesha pumasok sa isang workshop para matuto siyang magbake ng mga pastries..

"Ice what time uwe mo mamaya?" Tanong ni Blake

"Before 5pm nandito na ako sa bahay, bakit?"

"Sama kayo sa gig namin at isama mo mga friends mo."

"Saan ba gig niyo? wow seryoso ka? isasama mo kami?" Tanong niya

"Oo sabi, pero kung ayaw mo wag na!, dun pa naman sana sa Club Balai batangas ang gig namin 2 nights sana tayo doon."

"Hmm.. sige sasama kami, wala ng bawian yan ah! sabihan ko na sila."

"Paano alis na ko!" Paalam ni Yesha

"Okay ingat sila sayo! Dragon ka pa naman, Hahaha." Pabirong sabi ni Blake

"Sisimulan mo nanaman ako? umagang umaga Blake."

"Hahaha! Di kasi kumpleto araw ko kapag di kita nakikitang naaasar sakin, hahaha!"

"Ehem! Nak baka iba na yan ah!" Singit ni Manag sa usapan sabay ngisi ng nakakaloko kay Blake

"Manang! ano ba yang sinasabi mo?"

"Nak! wala pa ako sinasabi diyan, defensive ka masyado, yesha anak hindi ka na ba mag aalmusal?"

"Hindi na po manang, salamat na lang po alis na po ako." sabay mano ni Yesha

"Kaawaan ka ng diyos! mag-iingat ka anak!"

"Salamat po manang, bye po!"

Nang nakaalis na si Yesha hindi nakalagpas kay blake ang mga ngiti ni manang na tila nangaasar sa kanya,

"Nak, napapansin ko iba na trato mo kay yesha, mabuti yan at tuluyan mo ng---"

"Manang! wala akong gusto sa kanya okay! bakit ako magkakagusto sa isang bibe na katulad nya!" Sagot ni Blake

"Nak, huwag ka magsalita ng tapos nakikita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya pag nandito asawa mo."

"Nagkakamali ka ng iniisip manang, hindi ko gusto yang babaeng yan! akyat na ako sa kwarto ko."

Yesha POV

"Sissy are you sure na kasama kami o ikaw lang?" Sabi ni Chloe

"Oo nga baka date niyo yun istorbo pa kami!" singit naman ni Steff

"Sira! Date ka diyan, imposible yang sinsabi niyo inaya lang tayo para manuod ng gig nila kuya 2 gabi tayo dun, kung ayaw niyo sumama edi wag! sayang ang chance niyo na makasama ang buong banda nila kuya!"

Grabe bakit niyo ba ako inaasar sa lalaking yun?

"Ano ka ba sissy, hindi mo ba napapansin na nagbago na ng pakikitungo sayo ni blake, binabati ka na niya sa school minsan pag wala kang sasakyan sinusundo ka niya.. ano ka ba sissy manhid lang?" Sabi ni Era na kinikilig pa

Ano ba kayo bumabawi lang yun sa lahat ng kalokohanh ginawa niya diba dahil sa kanya nawala ako sa japan muntikan na ako hindi makabalik -_-

"Sissy, matagal ng nakabawi si blake sayo.. wala ka talagang napapansing kakaiba sa kanya?" sabi ni steff

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon