Chapter 20 Fashion Show

5.3K 113 2
                                    


Simula ng pumayag si Yesha na muli siyang ligawan ni Blake halos araw araw hindi nauubusan ng sorpresa si Blake sa kanya. Araw araw palaging may tulips sa kanyang opisina at chocolate. Lagi rin siyang nagiiwan ng note at ang nakalay dun ay..

"To my lovely wife,

I love you so much! Have a nice day.

From: Gwapong Blake"

Tuwing binabasa ni Yesha ang mga note ni Blake natatawa na lamang ito dahil hindi pa rin nawawala ang pagiging mayabang niya. Parang hindi kumpleto ang buhay ni Blake kung hindi siya nag aangas.

Ngayong araw na magbubukas ang shop ni Yesha, Halos lahat ng mga kaibigan, pamilya, staff at taga media nandito at hindi rin mawawala sila Shawn at Blake. Masayang masaya si Yesha dahil natupad na niya ang kanyang pangarap na makapagtayo ng branch dito sa Pilipinas.

Nagsimula na ang ribbon cutting ng kanyang shop at binendisyunan din ito ng Pari..

"Congrats Sissy!" Bati ni Era kay Yesha

"Simula ngayon ikaw na ang personal designer ko ah." Sabi naman ni Steff

"Huwag kang madamot Steff dapat tayong tatlo!" Apila ni Chloe.

"Kayo talaga syempre kayo pa eh malakas kayo sa akin." Masayang sabi ni Yesha sa kanila

"Hi Yesha congrats!" Bati ni Shawn sabay abot niya ng bulaklak

"Thank you." sabay beso naman ni Yesha kay Shawn.

"EHEM!"

Napalingon silang lahat sa pagtikhim ni Blake. Ang sama ng tingin ni Blake kay Shawn.

"Pre chill ka lang." Sabi ni Shawn habang naktaas pa ang dalawa niyang kamay

"Huwag ka nga'ng ganyan Blake." Awat ni Yesha

Biglang ngbago ang itsura ni Blake nung inawat siya ni Yesha.

"Congrats Yesha." Sabay halik niya sa pisngi ni Yesha at sabay abot ng tulips sa kanya.

"Ayyyiieee! Ang tamis naman!" sabi ng tatlo

"Sira! Tamis ka diyan." Saway ni Yesha

"Ang sweet niyo naman talaga eh, muling ibalik ba yan?" Tanong ni Chloe

"Hay naku! Gutom niyo lang yan tara na nga kumain na tayo." Pag aaya ko sa kanila

Nagkaroon ng programme at nagbigay ng inspirational speech si Yesha para sa kanyang mga bisita. Mamayang gabi may gaganaping fashion show event si Yesha para i promote ang kanyang creation at i-celebrate na din ang grand opening ng kanyang shop.

Yesha's POV

Tanghali pa lang at ramdam ko na agad ang kaba sa aking dibdib dahil first time ko magkakaroon ng fashion show event dito sa Pilipinas.

Sanay nanaman ako sa Italy pero iba pa rin pala dito sa Pilipinas. Nandito kami ngayon sa aking venue para magkaroon ng dry run para alam na ng mga models ko ang gagawin mamaya. Mabuti na lang at nandito ang assistant ko at may katuwang ako sa paghanda.

"Hi Ice." Paglingon ko nandun si Blake sa likuran ko at may bitbit nanaman siyang pagkain.

"Hey, I brought some food and desserts alam ko pagod ka na." Sabi ni Blake.

"Ano yan? nag abala ka pa." Pagsusungit ko sa kanya.

Hay alam namam ni Blake na busy kami dito nagdala pa siya ng pagkain.

"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" Sabi ni Blake

"S-sorry! Natetense lang kasi ako ang dami kasi namin dapat tapusin at paghahanda sa event ko mamayang gabi. Andami pa namang guest na sikat na celebrity at kapwa ko designer." Mahabang paliwanag ko sa kanya

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon