Chapter 7 Mrs. Lim's 1st Day

6.4K 137 3
                                    


*Door knocks*

"Sino ba yan ang aga aga kung maka katok wagas! Andyan na!" Reklamo ko habang upungas pungas pa. Nung binuksan ko n yung pinto.

"Good Morning Ugly Duckling!"

"Ano kinaganda ng umaga kung yang mukha mo ang nakikita ko." Iretable kong sagot sa kanya

"Ano ba kailangan mo?" Dugtong ko pa

"Baka nakakalimutan mo magkasama na tayo ngayon sa iisang bahay! nagugutom na ako, bilisan mo at magluto ka na doon sa baba ng matuwa naman ako sayo?" Utos ni Blake habang nakangisi ng nakakaloko

"Ano kala mo sa akin yaya mo? magluto ka magisa mo!" Apila ko sa knya sabay tunog ng tiyan ko na siyang ikinatawa ni Blake

"HAHAHA! nagugutom din pala ang mga ugly duckling? Nakakatawa ka talagang babae ka! Bilisan mo at magluto ka na doon nagugutom na ang gwapo mong asawa!" Sabi niya sabay himas niya sa mukha

"YAH! ang kapal kapal ng mukha mo di ako yun at hindi ako gutom!." Sabay ko sabay tunog ulit ng tiyan ko.


"Lumayas ka nga sa harapan ko!" Pagtaboy ko sa kanya.

Jusko parang gusto ko masuka sa mga sinabi niya.

"Naka drugs ka bang tuta ka? Layas na dali!" Pasigaw kong sambit sabay sarado ko ng pinto

Oo nga pala obligado pala ako magluto, teka akala ko ba darating yung yaya ni Blake?

Sabay tunog ulit ng tiyan ko.

Nagugutom na nga ako.. Hay makapagluto na nga!

Agad muna akong dumiretcho sa CR para gawin ko ang morning rituals ko at ng matapos na ako maligo at magsisipilyo na sana ako sa may lababo ng biglang bumukas ang isang pinto.

"AAAAHHHH!" sabay naming sigaw ni Blake..

"Ano ginagawa mo dito? naninilip ka no? Bastos ka! Lumayas ka dito! Kyaaaah!" Sigaw ko sabay bato ko ng toothpaste, shampoo, sipilyo kay Blake

"Ang manyak mo lumayas ka dito!"

"Teka! malay ko ba na iisa lamang ang CR dito sa itaas at share pa talaga tayo! Tsaka bakit kita sisilipan eh wala ka nga'ng boobs at walang korte ang katawan kaya huwag ka nga ilusyunada! at lalong hindi ako manyak F*ck sa gwapo kong to manyakis!" Mahaba niyang paliwanag

"Kyaaaah! Anong walang boobs at walang korte ang katawan? Ang bastos mo talaga! lumayas ka nga dito!" Pasigaw kong sabi sabay tulak kay Blake palabas.

Third Person's POV

Tatawa tawa si Blake sa naging reaksyon ni Yesha nang hindi sinasadyang mabuksan at nakapasok siya sa loob ng CR. Hindi din niya kasi alam na magkarugtong lang pala ang CR nilang dalawa.

Samantalang si Yesha halos namumula na sa hiya at galit dahil sa nangyari..

Nang makababa na si Yesha dumiretcho sa siya agad sa kusina para magluto, maya maya biglang may nag doorbell sa pinto at laking tuwa ni Yesha na si Manang Linda na pala ang dumating.

Binilin ni yesha na ipagluto sila ng agahan ni Blake at dumiretcho siya ulit sa kwarto niya.

Pagka akyat niya sa hagdanan nagkasalubong silang dalawa ni Blake at sabay nagkatinginan silang dalawa at sabay din silang nagkaiwasan ng tingin.

Nakatanggap ng nakamamatay na tingin at irap si Blake at si Yesha naman ay nakatanggap siya ng pang asar na ngiti galing kay Blake. Nang nakapasok na si Yesha sa kanyang kwarto agad siyang dumiretcho sa kanyang kama at sinubsob na lamang niya ang kanyang mukha sa unan at sa tuwing naaalala niya yung nangyari hindi niya mapigilang mainis

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon