Chapter 23 Preparation

4.7K 96 4
                                    

Yesha's POV

Ano pa ba kulang?

Invitations

Motif

Food

Place

Yung sa reception

Mga flowers

Yung gown at coat ni Blake ako na yung nagdesign gusto ko kasi sarili kong gawa.

"Yam, Tikman mo to----Say ah!" Patikim niya ng cake sa akin.

"Hmm---- Masarap naman siya." Sabi ko sabay buklat ko ulit ng magazine.

Nandito kami ngayon sa shop ng wedding organizer namin.

"How about this one?"

"Grabe di pa tayo kinakasal baka tumaba na ako kakatikim ng cake's and deserts." Angal ko kay Blake.

"Kahit lumaki ka pa mamahalin parin kita?" Seryosong sabi ni Blake

"Talaga lang ha! Kahit kasing laki na ako ng aparador?" Tanong ko sa kanya

"Huwag naman ganun kasi di na tayo magkakasya sa kama tska baka masira gamit natin. Hahahaha!" Pang aasar ni Blake

"Ah ganun! Masira pala ah---Kainin mo lahat yan!" Tulak ko sa mga cake na nasa harapan namin.

"Eto naman hindi mabiro! kahit ano pang magbago sa katawan mo mahal parin kita! Huwag ka na magtampo diyan Yam." Paglalambing ni Blake sabay yakap niya sa akin.

"Ang sweet niyo talaga. Bagay na bagay talaga kayo sa isa't isa Ayyiiiee!" Kinikilig na sambit ng wedding organizer namin.

"Oo nga Yam, Huwag ka na magtampo gusto mo kiss nalang kita?" Sabi ni Blake na patuloy pa din sa paglalambing sa akin.

Tinignan ko lang siya ng masama kasi puro kalokohan lang naman yung sinasabi niya.

"Sige na nga hindi na. Eto na lang isa na tinikman namin masarap siya. Kaya Miss eto na lang yung flavor na napili namin at ikaw na din ang bahala sa design basta chandelier style yung cake." Sabi ni Blake sa Wedding organizer namin.

Third Person's POV

Inabot na sila ng hapon sa paghahanda sa kanilang kasal.

Kahit busy sila sa kanilang mga trabaho hindi parin nila napapabayaan ang isa't isa. Halos hindi na sila maghiwalay kung hindi man sila magkasama palagi maya maya naman sila nagtatawagan or text.

Samantala:

Ang hindi nila alam naghanda ng Bridal shower ang kanyang mga kaibigan at habang bachelors party naman ang kay Blake.

Pagkababa pa lang nila ng sasakyan agad silang pinaghiwalay at kinuha sila ng kanilang mga kaibigan.

"Yesha! Pahiram muna kay Blake naghanda kami ng bachelors party para sa kanya sana huwag ka magalit samin." Paalam ni Shawn kay Yesha.

"Blake, Pahiram din muna kay Yesha at naghanda din kami ng bridal shower sana hindi ka rin magalit." Paalam din ni Steff

"Akala niyo kayo lang may party ah." Dugtong ni Steff.

Nagkatinginan na lamang ang dalawa at natawa sa ginawa ng kanilang mga kaibigan. Hinalikan ni Blake si Yesha sa pisngi bago sila umalis.

"Shet! ang tamis talaga paghihiwalayin muna namin kayong mag lovers. Oh paano kami na bahala dito kay Blake. Bye girls." Paalam ni Miggy sa mga babae at sabay kindat niya rito.

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon