Chapter 28 Brylle Yohishiro Lim

5K 84 0
                                    


May 12

Third Person's POV

Kabuwanan na ni Yesha ngayon at anytime pwede na siya manganak. Halos lahat silanay nakaabang na at excited nn makita ang kanilang magiging panganay.

Lahat ng gamit ni Baby Yvo ay kumpleto na rin may sarili na din siyang kwarto at lahat ay kulay Blue kakatapos lang mag breathing exercise ni Yesha para kung sakali na manganganak na siya alam na niya kung paano niya pakakalmahin ang kanyang sarili.

Habang nanonood sila ng movie sa sala kasama ang mga kaibigan ni Yesha, biglang dumating naman ang mga kaibigan ni Blake at may dala dalang mga pagkain.

"Nandito nanaman yung dalawang mokong na makukulet!" Pagtataray ni Era sabay irap niya sa dalawa.

"Bakit? May problema ba kung dumating ang pinaka gwapo saming lima?" Sagot ni Jerson sa kanya.

"Gwapo? Saang banda yung sinasabi mong gwapo?" Apila ni Era sa kanyan

"Ehem! Mamaya baka kayo ang magkatuluyan diyan ah!" Pang aasar naman ni Miggy

"Aww.. Selos nanaman ang Papa Migs ko ano ka ba hinding hindi kita ipagpapalit noh!" Sabay himas ni Jerson sa likod ni Miggy. "At tsaka hindi ako pumapatol sa isang amazona!" Dugtong pa niya rito.

"Ang kapal ng mukha mo! Sinong amazona?" Bulyaw ni Era at sabay bato niya ng unan kay Jerson.

"Ikaw! Amazona ka eh!" Sagot naman ni Jerson

"Kadiri ka pre! Ayan ka nanaman!" Reklamo ni Miggy habang hindi pa din inaalis yun pagkakahawak sa likod ni Jerson sa kanya kaya mabilis niya itong tinanggal habang diring diri siya.

"Oh! Awat na baka mamaya dito pa kayo magkapikunan chill lang guys!" Awat ni Chloe sa kanila.

"Naku! The more you hate the more you love tignan mo sila Yesha at Blake. Baka mamaya kayo talaga ang magkatuluyan niyan!" Sabi naman ni Miggy.

"Tss! Asa ka Miggy! Hindi mangyayari yun." Confident na sagot ni Era sa kanya.

"Lalo na ako sa dami ng mga chiks ko ang daming nagkakandarapa sa akin no!" Pagyayabang ni Jerson sa kanyang sarili.

Maya maya dumating naman si Shawn kasama si Yvette.

"Hey! Ano nagyayari dito? Nasaan si Yesha at Blake?" Taning agad ni Shawn sa kanila.

"Pre! Ano yang holding hands na yan kay Yvette? Huwag mong sabihing---" Usisa ni Miggy.

"Kami na! Girlfriend ko na si Yvette!" Masayang sabi ni Shawn sabay akbay niya kay Yvette.

"Naks! Pre, Ikaw na talaga! congrats sa inyo!" Sabi ni Jerson habang tinatapik niya ang balikat ni Shawn.

"Yvette, Pinag isipan mo ba yang mabuti? Naku ingat ka diyan kay Shawn. Hehehe!" Pang aasar ni Miggy

"Ako nanaman nakita niyo mga loko loko!" Bulyaw ni Shawn

Biglang lumabas sila Blake at Yesha sa kusina at nagulat sila sa itsura ni Yesha kasi kahit hirap na siya lumakad dahil sa laki ng kanyang tyan at nagagawa pa rin niyang kumilos.

"Anong kaguluhan yan? Shawn buti naman at nakarating ka!" Masayang bati ni Yesha sabay beso niya kay Shawn.

"Pwede ko ba to palagpasin." Sagot ni Shawn

"Siya nga pala kami na ni Yvette!" Sabi pa niya.

"Ayyiiee! Sabi ko sayo bagay kayo eh congrats sa inyo." Kinikilig na sambit Yesha sa kanila

"Tara na mag meryenda na tayo gawa ni Yesha yang mga cupcakes." Sabi ni Blake habang nilalapag niya yung tray na puno ng cupcakes sa lamesa.

"Sissy, Ang laki na ng tyan mo!" Sabi ni Steff

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon