Chapter 25 Honeymoon

5.7K 102 0
                                    

Chapter 25 Honeymoon.

*Italy Airport*

Yesha's POV

Nandito na kami ni Blake sa Italy, Grabe namiss ko ang lugar na 'to.

"Yam, Huy! Gising huwag ka nga tutulog tutulog diyan halika na!" Gising ko kay Blake.

"Oo na! Napagod kasi ako tsaka ang sakit kasi ng ulo ko!" Angal ni Blake sabay hawak niya sa ulo niya

Hay pasaway na Blake paano ikaw ba naman pagkatapos ng kasal namin hindi na niya ako tinigilan.

*Flashback*

Nakarating na kami dito sa hotel na aming tutuluyan hindi parin ako binababa ni Blake, nakakahiya kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Pagka pasok namin sa kwarto.

"Sa wakas masosolo na rin kita!" Malumanay niyang sabi sabay baba niya sa akin sa kama.

"Ano ba ang gagawin namin?" Tanong ko sa isip ko kasi first time ko lang to.

"Ah-----Uhmmm---Yam mag shower ka na." Nahihiyang sabi niya sabay yakap niya sa akin.

"T-Teka bakit nangingig ka Yam? may masakit ba sa iyo?" Tanong ko sa kanya

Para kasi siyang kinakabahan.

"Huh? W-Wala ah! sige na magshower ka na." Paguulit niya.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang susunod na mangyayari pag lumbas na ako sa cr. Ganito ba talaga ang fitst time? ano ba kasi gagawin?

Hay makaligo na nga!

Pagkatapos ko mag shower lumabas na ako ng cr at nakita ko si Blake na nakaupo sa kama.

Hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya kasi nakatalikod siya.

"Yam ikaw na! magshower ka na dun!" Sabi ko kay Blake.

Pero hindi siya sumasagot paglapit ko sa kanya nakita ko siya na lasing na lasing na.

Ikaw ba naman ubusin yung isang bote ng alak.

Paano niya kaya naubos ng ganon yun?

"Y-Yam---Hik---I love you. Halika na." Sabay yakap niya sa akin

"Ang bigat mo!" Angal ko sa kanya dahil napahiga kaming dalawa sa kama.

"Yam, ang bigat mo!" Sabi ko ulit sa kanya.

Kaya pala ang bigat niya kasi nakatulog na siya sa sobrang kalasingan.

Habang inaayos ko siya bigla siyang tumayo at.

Ughh..

"Blake ano ba yan." Reklamo ko

Bigla kasi siyang sumuka.

At dahil dun hindi na niya ako pinatulog kasi magdamag na siyang suka ng suka.

*End of Flashback*

"Benvenuti al l'Italia!" (Welcome to the Italy!)

Palabas na kami ng airport at papunta na kami sa hotel na tutuluyan namin

Nang makarating na kami sa hotel napahiga na lang si Blake sa kama dahil sa sobrang pagod ng Jet lag na din.

Inayos ko na muna ang aming mga gamit nang bigla kong naalala yung sinabi ni Chloe sa akin bago kami sumakay ng eroplano.

*Flashback*

"Ano ba laman nito?" Tanong ko kay Chloe

"Huwag mo nuna bubuksan yan ano ka ba! Dun mo nalang yan buksan sa Italy pag nasa hotel na kayo." Bilin niya sa akin.

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon