Chapter 21 Feelings

5.2K 110 3
                                    

Chapter 21 Feelings

Yesha's POV

Simula ng natanggap ko ang balita kay Shawn kanina pa ako hindi mapakali sa sasakyan ko tapos naipit pa ako sa traffic.

Lord, iligtas niyo naman po si Blake hindi ko kakayanin na mawala pa siya sa akin. Limang taon ang nasayang namin at pilit naming inaayos yun, iligtas niyo po siya nagmamakaawa ako.

Malalim na ang gabi at sa wakas at nakarating din ako sa hospital. Nakarating ako sa 3rd floor kung saan ang kwarto ni Blake pero pag kadating ko pa lang dun nakita ko sila kuya at pati mga kabanda ni Blake.

bakit kaya ang tahimik at nakayuko lang sila.

"Shawn, Kamusta si Blake? nasaan siya?" Humahangos kong sabi.

Pero hindi sumagot si Shawn at kitang kita sa mga mata nito ang labis na kalungkutan.

"Shawn, Sagutin mo ako! ano nangyari kay Blake?"

Shit! Lalo akong kinabahan kaya tumakbo ako papunta sa kwarto ni Blake.

Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Bubuksan ko na ang pinto ng pigilan ako ni Jerson.

"Yesha! Magpaka tatag ka! lakasan mo loob mo." Malungkot na samabit ni Jerson habang nakayuko siya sa akin

"Ano ba sinsabi niyo? ano ba talaga ang nangyari?" Sabi ko sa kanya

Pagkapasok ko sa loob halos manghina ang tuhod ko sa nakikita ko.

"T-Totoo ba ito? Hindi maaari!"

Bigla na lang umagos ang aking mga luha habang papalapit ako sa kama ni Blake.

Nakita kong nakatalukbong na ng kumot si Blake at hindi gumagalaw.

Hindi maaari ito.

"BLAKE!" Sigaw ko sabay takbo ko papalapit sa kanya.

"Gumising ka diyan! Blake bakit mo ako iniwan!" Sabi ko sabay hagulgol ko ng iyak

Hindi pwede! Hindi maaari..

Hindi totoo itong nakikita ko.

"Blake Huwag mo akong iwan! hindi ko pa nasasabi sa iyo kung gaano kita kamahal! Mahal na mahal kita Blake---Huwag mo akong iwan please!"

"Hindi ko kakayanin----Blake!" Sigaw ko sabay yugyog ko kay Blake

"F*ck! Bakit ba ang ingay ingay mo? di mo ba nkikita na natutulog ako? at sino yung namatay?" Galit na sabi ni Blake.

Natigilan ako sa ginawa ko at---

"BLAKE!" Sabay batok ko sa kanya. "Akala ko iniwan mo na ako huhuhu." Sabay yakap ko sa kanya.

"What the hell? Anong iniwan? Tss! nagka appendix lang ako."

Ano daw sabi niya?

"Bakit sabi nila?" Sabay turo ko sa apat

"Tapos nakatakip pa ng kumot yang mukha mo. Tapos yung mga mukha nila----"

"Pfft! BWAHAHAHA!"

Halos sumakit ang mga tyan ng apat sa kakatawa.

"Mga G*go talaga kayo. Pumunta nga kayong apat dito ng makutusuan ko kayo!" Sigaw ni Blake

"At sino ang may pakana nito?" Umuusok sa galit si Blake.

"Jerson." sabi ni Miggy

"Ayan si Miggy." Turo ni Jerson

"Si Yuan." Turo naman ni Shawn

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon