Chapter 22 The Proposal

4.8K 98 4
                                    


Blake's POV

Nacontact ko na silang lahat both families and friends.

Isa nalang ang kulang si Yesha..

Naging busy ako ngayong araw I'm sure galit na galit na yun sa akin kasi hindi ako nagparamdam sa kanya. Kamusta na kaya sila? sana hindi kami mabuwilyaso.

Biglang nagtxt si Steff na papunta na daw sila ng parlor grabe kinakabahan ako ganito pala ang pakiramdam.

Dati napapanood ko lang ito sa mga tv at nawiwitness ko lang ito sa ibang tao ngayon ako na ang gagawa.

"Pre, okay ka lang? relax lang alam kong magugustuhan ni Yesha yang hinanda mo." Pagpapakalma ni Shawn sa akin

''Sana nga, Salamat Pre ikaw na bahala mamaya pag hindi ako nakakanta ng maayo." Bilin ko sa kanya.

Shit parang nababakla ako ah! relax ka lang Blake hindi ganyan dumiskarte ang mga gwapo.

"Son, Can we talk for a while." Seryosong sambit ng daddy ni Yesha

"Sure po tito ano po yun?" Lalo ako kinabahan ano kaya ang sasabihin niya sa akin.

"Hijo, May ipapakiusap lang sana ako sayo. Please take care of my princess huwag mo na siya ulit sasaktan."

"Yes po Tito hinding hindi ko na sasaktan si Yesha. hindi ko na sasayangin ang mga pagkakataon na ito. Ang tagal ko po itong hinintay Tito sobrang mahal na mahal ko po ang anak niyo." Diretsong sabi ko sa kanya.

"Nakikita ko naman yun anak, Kita ko kung paano ka nagdusa ng nawala siya sa iyo and don't call me Tito. Dad na lang ang itawag mo sa akin so goodluck Son." Sabi niya sabay tapik niya sa balikat ko.

Biglang nag vibrate yung cellphone ko..

Bakit kaya tumatawag si Steff?

"Hello?"

"Blake, nagagalit na si Sissy, bakit kasi hindi ka nagparamdan sa kanya balak ka niya puntahan sa inyo mabuti na lang napigilan namin siya. Naku asar na asar na yan sayo Blake." Sumbong ni Steff sa akin.

"Basta huwag niyo siya paalisin para hindi tayo mabwilyaso." Sabi ko sa kanya.

"Oo humanda ka na mamayang matusta! Hehehe." Sabay baba niya sa kabilang linya

Mamaya ko na iisipin yung galit niya basta magawa ko lang tong supresa ko sa kanya.

____

*11:00 pm*

Isang oras na lang 1st Monthsary nanamin.

Nakarecieve ako ng text galing kay steff na papunta na daw sila dito. nagtago na silang lahat at pinatay na din ang mga ilaw. Mas lalo ako kinabahan dahil papunta na dito sila Yesha ano kaya magiging reaction niya mamaya..

Kanina pa ako nag papractice ng sasabihin ko sa kanya kaso kinakabahan talaga ako at nauutal sa mga sinasabi ko.

Sana masabi ko to mamaya sa kanya.

11:40 pm na pala ang bilis naman.

Maya maya narinig nanamin ang sasakayan ni Yesha.

Yesha's POV

Nandito na kami sa event na sinasabi nila steff sa akin bakit parang wala namang tao at ang dilim..

"Sigurado ba kayo na dito yung venue?" Tanong ko sa tatlo.

"Yap Sissy dito yun tara na at wala na tayong oras." Sabi ni Stefd

Ilang minuto na lang Monthsary na namin ni Blake pero ni isang text o tawag wala talaga.

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon