Chapter 15 Pain

4.5K 100 2
                                    

Shawn POV

Kailangan malaman to ni Blake, Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Blake ngunit hindi ito sumasagot. sinubukan kong tawagan ang landline nila ngunit wala si blake doon at si Yesha ang sumagot.

"Napatawag ka Shawn?" Tanong ni Yesha

"Nasaan si Blake?, mayroon akong importanteng sasabihin sa kanya." Sabi ko

"Wala siya dito, kanina pa siya umalis tungkol saan yan Shawn?"

"Tungkol kay Ys-- Ah! wala kalimutan mo na lang sige salamat."

Hindi dapat malaman ni Yesha to, masasaktan lang siya pag nalaman niya ang mga plano ni Ysabelle.

Blake POV

On the way na ako sa meeting place namin kung saan kami magkikita ni Ysabelle tama si Manang kailangan namin ng closure para matapos na to at makapagsimula na kami ni Yesha.

Nang nakarating na ako nakita ko si Ysabelle at nagulat ako sa itsura niya, bakit kaya ang putla ng babaeng to at parang tulala lang siya, ano nanamam kaya problema nito?

Pag lapit ko sa mesa agad niya ako sinalubong ng yakap at agad ko naman itong inalis at naupo sa harapan niya.

"Ysabelle, ano ba paguusapan natin? ako marami din akong gusto sabihin sayo, about ito sa atin."

"Ysa let's finish----"

"Babe, may sakit ako!" Sabi ni Ysabelle

"Ysa, tama na! ano to isa nanaman ba to sa mga pakulo mo? makinig ka----'

"Nagsasabi ako ng totoo. may leukemia ako stage 3 na at may taning na ang buhay ko." sabay hagulgol niya sa akin.

"WHAT?! kailan at paano nangyari yan?"

"Nasa US palang ako na diagnosed ako na may sakit ako."

"Nasa US ka bakit hindi mo pa pinagamot yang sakit mo mas maraming magagaling na doc----"

"Para saan pa babe? simula ng iniwan kita nasira na rin buhay ko. Huwag mo naman ako iwanan blake. Please! kahit hanggang sa huling hininga ko samahan mo ako. kahit alam kong may asawa ka na!" Pagmamakaawa ni Ysabelle.

"Are you insane? hindi maaari yang sinasabi mo! kaya ako nakipag kita para humingi ng closure sayo!" Madiin kong pagkakasabi sa kanya

"Alam mo bang nagkita kami ni Shawn sinabi ko sa kanya tong sakit ko. natuwa pa nga siya kasi mas lalo daw mapapadali ang plano niya na paghiwalayin kayo ni Yes---"

"What? sinabi ni Shawn yun? so tama pala hinala ko na kaya pala siya laging nakadikit sa asawa ko kasi may gusto siya?"

"Oo Babe, tama ka tapos ako pabigat pa ako dahil sa sakit ko, babe please naman maniwala ka sa akin!"

"H*yop talaga siya, humanda siya sa akin." Galit kong sambit

"Kailangan kong harapin ang lalaking yun." Sabi ko

"Babe, saan ka pupunta? please wag mo sasabihin sa kanya na sinabi ko to sayo. Please Babe hiwag mo akong iwanan samahan mo muna ako."

"Huwag muna Ysabelle kailangan ko makausap yang lalaking yan."

Paalis na sana ako ng biglang dumaing si Ysabelle.

"Ouch! Babe ang ulo ko masakit ah ouch! babe tulungan mo ako."

"Ysabelle! Okay ka lang? gusto mo dalhin na kita sa hospital?"

"Huwag na! kaya ko to sa bahay na lang para makapag pahinga ako please?"

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon