Chapter 16 Yesha's Birthday

4.8K 93 4
                                    

Nakalipas ang mga araw at ganun pa din ang sitwasyon nila Blake at Yesha.. Aalis ng umaga si Blake at uuwi na ng gabi, wala na silang oras para makapag usap.. labis na nalulungkot si Yesha dahil sa nangyayari s kanila ni Blake..

Isang linggo na lang at kaarawan na ni Yesha.. magkakaroon ng isang salo salo kasama ang kanyang mga kaibigan at pagkatapos nun ay dideretcho sila sa isang Resort para sa continuation ng kanyang birthday.. planado na ang lahat ngunit ang presensiya ni Blake ay laging wala lalo na sa pagpaplano..

Habang patuloy pa din ang pagkukunwari ni Ysabelle kay Blake. Halos araw araw magkasama na sila kahit san siya magpunta.

Nag-aya si Ysabelle na pumunta sa mall at nakiusap na samahan siya ni Blake hindi naman tumanggi ito at sumama naman sa kanya. Habang nasa mall sila tuwang tuwa si Ysabelle habang nakalingkis siya kay Blake at akala mo siya ang asawa. halos mailang naman si Blake sa ginagawa sa kanya ni Ysabelle ngunit wala ito magawa dahil inaalala lang niya ang kundisyon ng dalaga.

Samantala,

Nag-aya ang mga kaibigan ni Yesha na mamasyal sa mall para mapasaya nila ang kanilang kaibigan,

Habang naglalakad silang tatlo mayroon silang hindi inaasahang makita sa kanilang harapan. gulat na gulat silang tatlo dahil nakita nila si Ysabelle at Blake. ganun din ang reaksyon nila blake at Ysabelle nung nakita nila sila Yesha lalo pang hinigpitan ni Ysabelle ang pagkakalingkis niya kay Blake at umaarte na sobrang saya at nag evil smile

Nag katinginan nalang sila Blake at Yesha.. kitang kita ni Blake sa mga mata ni Yesha ang sobrang lungkot at pagkadismaya kaya nagpasya nalang si Blake na umiwas na lang ng tingin.

Blake's POV

Damn Blake napaka g*go ko si Yesha ang asawa ko dapat lahat ng oras ko nilalaan ko sa kanya pero, ano tong ginagawa ko? naiinis ako sa sarili ko. Nasasaktan ako pag nakikita kong ganyan si Yesha but I have no choice. kung hindi lang may sakit si Ysabelle hindi ko naman ito gagawin sa kanya, hindi ko na siya mahal. awa na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. yeah I admit mas napag lalaanan ko pa ng oras tong babaeng ito kesa sa asawa ko.

Malapit na ang birthday niya kailangan makabawi ako kay Yesha at sisiguraduhin ko na makakabawi at mpapasaya ko siya sa araw na yun.

I'm sorry Yesha.

Third Person's POV

Nang nakalampas na sila Blake at Ysabelle hindi maiwasang manggigil sa galit ang mga kaibigan ni Yesha.

"Nakita mo ba yung ginawa ng babaeng haliparot na yun?" Sabi ni Steff

"Oo grabe makalingkis, Higad talaga yang bruha na yan." Sagot naman ni Chloe

"Akala mo siya asawa kung umasta grabe! Hay naku! Nakakagigil." Ani ni Era

"Okay ka lang ba sissy?" Dugtong pa niya

"O-Okay lang ako wag kayo nag alala!" Sagot naman ni Yesha

"I know hindi ka okay tara na nga may alam ako na place para hindi ka na diyan malungkot hayaan mo yan si Blake yan ang gusto niya eh!" Sabi naman ni Chloe

"Hayaan mo siya magpauto sa babaeng yun ang tanga kasi ang sarap niya pag sampal sampalin!" Gigil na sambit ni Steff

"Hayaan niyo na siya! Tara na alis na tayo!" Maluha luhang sabi ni Yesha

"Huwag kang umiyak sissy dapat kasi kay Shawn ka na lang eh!"  Banat ni Era

"Huwag mo na palalain ang sitwasyon Era!" Sabi ni Chloe

"Sorry! Nakakainis na kasi siya kala ko ba gusto na niya itong si Yesha bakit sa pinapakita niya parang mas mahal niya parin yang haliparot na yun!"

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon