Coreen's POV
Eto na naman ako,parang tanga. Palagi nalang akong ganito,simula ng umalis ako sa bahay ay di ko mapigilang umiyak sa tuwing naiisip ko si Kier dahil sadyang mahal ko pa talaga sya eh,naisip ko rin na ang sama ko palang ina sa magiging anak ko dahil di man lang ako gumawa ng paraan para naman may amang mag aabang sa paglabas niya.
Pero I really need to move on,I have to begin loving myself. I need to stop wasting tears for that man..I need to start a new life. I need to start forgetting him.
Kagagaling ko lang sa doctor dahil madalas kasi sumakit ang ulo ko pero di dahil sa pagbubuntis at ngayon ay tulala akong naglalakad. Ewan ko pero di ko na alam kong anong daan ang tintahak ko. Siguro normal lang naman na umiyak ako, I can't help but question God kung bakit ako,bakit kailangan maging ganito kapait ang buhay ko.
Beeepp......beepppp...beeepppppp
Di ko pinakinggan ang mga inggay sa paligid ko at pinagpatuloy ang paglalakad . Pero may biglang humablot at tumulak sa akin at sabay kaming nadapa sa matigas na daan,at bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay dahil sa pagkakatama ng ulo ko sa matigas na daan ay nasabi ko sa sarili kong parang nangyari na ito noon.
.........................
Tahimik lang ang naging biyahe namin. At nang huminto ang sasakyan dahil traffic ay nagsalita na ako dahil gusto ko na talagang sabihin ito.:
Uhhmm..Zack bukas na ang alis ko papuntang dubai.
Galit niyang hinampas ng kanyang kamag ang manibela.
Gusto mo talagang makasama ang Carlo na yun ano? Kaya kahit anong pigil ko sayo ay aalis ka padin. Kaya ko naman ibigay sayo lahat ng kailangan mo,kailangan mo ba ng pera?Ilan savihin mo.galit niyang sabi.
Di naman yan ang dahilan eh..minsan lang kasi ang ganitong opputunity at pangarap ko rin kasing maging sikat na fashion designer at baka ito na ang chance ko. At kahit ano pa man ang sabihin mo ay di mo ako mapipigilang umalis.(Ayoko ko kasing sabihin sa kanya na kailangan kong magtrabaho dahil may sakit si mama dahil ang dami na niya kasing naitulong at naibigay sa akin.
Then fine! Let's break up.:-)
Pero ...gulat kong sabi
Total gusto mo namang umalis ,umalis ka na lang din sa buhay ko.
Di naman yan ang gusto ko eh..
Then wag kang umalis...:
Pero.........
Then lets end this Lian.pasigaw niyang sabi. Napaiyak ako sa sinbi niya ,tinanggal ko ang singsing na ibinigay niya .
Fine. Lets end this,di mo naman kasi ako naiintindihan.
Lumabas ako ng sasakyan at papunta sa aking sasakyan,pero di ko napansin na may sasakyan na paparating at sigurado ako pag di ito huminto ay masasagasaan ako. Sobrang lapit na nang sasakyan kaya ipinikit ko na lang ang aking mata at inihanda ang sarili ko para masagasaan.
Naramdaman kong nagkagulo na sa paligid ko pero di ko parin nararamdaman na may bumangga sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata,pero sana di ko nalang iyon ginawa.
Nakita ko ang sasakyan na paparating kanina sa gild ng daan at basag lahat ng salaamin at sira na ang harapang bahagi nito dahil sa pagkakabangga sa poste ng kuryente. Sa loob non ay isang walang malay na babae at duguang lalaki.
Agad akong kinain ng takot ng makita ko ang lalaki na sa tingin ko ay patay na dahil sa dami ng dugo sa knyang katawan. Di ko na nagawang tulungan sila dahil natatakot ako na baka may makaalam na kasalanan ko ito.
BINABASA MO ANG
His Desperate Wife
RomanceIn marriage, love is vital. It's the strongest foundation para magtagal ang isang relasyon.Pero paano kung may love nga pero di para sayo na asawa niya?What would you do if he can't appreciate your presence? Would crying be the only choice that I ha...