Akala ko

19.4K 378 2
                                    




After nong nangyayari sa palawan .nag iba bigla si Kier.

Hindi na kami halos nag uusap.nag kakausap lang kami pagkinukulit ko sya ,kahit ramdam kong ayaw nya sa akin di ko na lang pinansin,basta ang mahalaga ay mapansin nya ako.

Gumising ako nang maaga para magluto ng breakfast para sa aming dalawa. Kahit medyo masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong magluto para sa asawa ko. Medyo marami ang niluto ko dahil first time kong magluto para sa kanya.

Pababa na sya kaya inayos ko na ang hapag kainan. Di ko maiwasang mapangiti habang tinitignan si Kier suot ang kanyang business attire ,at nang mapansin kong di pa maayos ang necktie nya agad akong lumapit sa kanya at inayos ang kanyang necktie ,di ko paman natatapos ay tinabig nya ang kamay ko ,na pa aray ako dahil natamaan nya ang paso na nakuha ko sa pagluluto. Tinignan nya ako ,akala ko ay nag alala sya sa akin pero mali ako

"Ba't ang dami mong niluto?Mauubos mo ba lahat yan !?"sabi nya na medyo naiirita ang muka

"First time ko kasing ipagluto ka kaya gusto kong matikman mo lahat ng luto ko!"sabi ko habang nakangiti

"Upo kana kukuha mo na ako ng tubig"

Pagbalik ko dala ang tubig ay paalis na sya.

"Uhm.!Kier ! Aalis kana ba? Di ka pa kumakain ah.! Di mo man lang ba titikman ang niluto kong pagkain?"

"Busog ako ,doon nalang ako sa labas kakain pag nagutom ako!!"cold nyang sabi

"Gusto mo bang ipagbalot na lang kita? Sayang naman toh baka mapanis lang pag di na ubos.!!"

"WAG nah ! Kung di mo maubos itapon mo na lang o di kayay ipakain mo sa aso."

Medyo nasaktan ako kasi kahit masama ang pakiramdam ko ay ipinagluto ko sya ,pero di ko nalang pinahalata.

"Kumain ka kahit konti ,masarap ito .Kung ayaw mong dalhin ihahatid ko nalang sa office mo!"

"WAG NA SABI DIBA!" pasigaw nyang sabi ,tska kinuha nag bag nya at umalis.

Pag alis ni Kier ay muling nabalot ang bahay nang lungkot,lungkot na aking nararamdaman sa tuwing naaalala kong ako nalang mag isa.

Siguro wala lang sya sa mood kaya ganon sya kanina. Akala ko ay may makakasa na akong kumain,sawa na kasi aakong kumain mag isa ,kahit gaano kasarap ang pagkain ay di mo ito maaapreciate pag mag isa ka lang kumakain nito.

Di ko maiwasang mapaluha habang nililigpit ang mga pagkain.Konti lang ang nakain ko kasi nawalan na ako ng ganang kumain.

Sayang naman ito sinarapan ko pa man din ang pagluluto.Baka bukas kakain nya sya ,sasarapan ko na lang uli ang pagluluto.

#thankYou sa bumasa

Vote or comment kah if you think this part deserve one!:)

His Desperate WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon