.... Coreen's POV
Dito ka lang at wag kang aalis ng bahay at lalong lalong wag kang makipagkita kai Zack.
Akin na yung phone mo..di ko sya pinakinggan dahil sobrang naiinis na ako sa kanya.
Coreen,akin na yung phone mo!!medyo galit niyang sabi
Ano ba Kier! Ano bang gusto mong gawin ko? Alam mo bang naiirita na ako sayo? Ayaw mong umalis ako? Ayaw mong kausapin ko si Zack? Ayaw mong makipagkita ako sa kanya? Anong gusto mo? Ikaw lang kausapin ko,ikaw lang iisipin ko? Para ano? Para maalala na kita? Alam mo Kier sinasakal mo ako eh,pinipilit mo akong maalala ka,at inilalayo mo ako sa taong gusto kong makasama. Please hayaan mo akong kusang maalala ka ,kasi nasasakal ako sa ginagawa mo eh at sorry kasi di ko alam kung bakit ayaw pa ng puso at utak kong maalala ka.
Sorry,I did'nt intend to make you feel that way...
Oh etoh...kainin mo yang cellphone ko..akala mo siguro nakakatuwa ang ginagawa mo...pagalit kong inilapag sa mesa yung cellphone at iniwan ko sya para pumunta sa kwarto...
Di ko na napigilan ang sarili ko dahil kahapon niya pa ako ginagalit eh. Sinama sama niya ako sa office niya tapos papaupoin niya lang pala ako sa sulok at di papansinin. At pag nag uusap naman kami ni Zack sa cellphone ay bigla bigla siyang nagagalit at pagalit niyang kukunin ang phone ko. At ngayon naman ay ikukulong niya ako sa napakalungkot na bahay na ito..
...
Kier's POV
Alam kong nasasakal na saakin si Coreen,ginagawa ko lang naman yun dahil sa nathrethreaten ako kay Zack. Alam kong wala akong laban sa kanya dahil kung papapiliin ko si Coreen ay mas pipiliin niya si Zack kesa sa'kin kaya hanggat maaari ayokong mas maging malapit sila sa isa't isa. Nasasaktan ako sa tuwing tumatawa siya dahil kay Zack ,nasasaktan ako kasi alam kong di ko siya kayang patawanin. Kahit mapangiti siya ay di ko kaya dahil may taong nagpapasaya na sa kanya..
Alam komg mas gugustuhin niyang manatili sa masasayang alaala nila ni Zack kesa maalala ang masasakit na alaalang ipapaalala ko sa kanya . Di ko alam kung paano pa ulit makukuha ang puso niya kung ang sinasabi ng alaala niya ay si Zack ang mahal niya...
Bumili ako ng roses para kay Coreen. Pagdating ko ay natutulog siya kaya naisipan kong iset up yung garden para don na kami mag dinner..ginawa kong medyo romantic yung paligid. I put candles and roses para mas maging romantic ang paligid..Medyo bading man pakinggan pero ok lang kasi i want to impress her.
Aakyat na sana ako sa kwarto para gisingin niya pero pababa na siya ng hagdan kaya itinago ko sa likod ko yung roses.
Coreen..gusto ko sanang mag sorry...
Asan na yung phone ko.. nakasimangot niyang sabi,siguro galit parin to sakin.
Kring..kring....nandon parin sa mesa yung phone niya,di niya siguro napansin na iniwan ko ito.
Iniwan ko lang yan.
Sinagot niya yung tawag...
Nakasimangot niya itong sinagot pero unti unting sumaya ang mukha,siguro si Zack yung kausap niya.
Ha?Malapit kana??? Sigeh..bye..magbibihis na ako para pagdating mo ay makaalis agad tayo....
Nagmamadali siyang umakyat.
Teka Coreen...tawag ko sa kanya pero di niya ako pinansin....
Hinintay ko syang bumaba. She looks so pretty sa suot niyang blue casual dress. Saktong nasa harap ko na siya ay tumunog yung doorbell.
Aalis ako...walang emosyon niyang sabi
Aalis ka? Sinong kasama mo?
Si Zack...sabi niya habang binuksan yung pinto.
Coreen...!!!tawag ko sa kanya ng palabas na siya dahil gusto ko sanang pigilan siyang umalis dahil magdidinner kami don sa garden..
Ano? Pipigilan mo ulit ako?? Ikukulong mo ulit ako? Magkulong ka sa malungkot na bahay na ito mag isa.
Napatulo yung luha ko sa sinabi niya..At tingin ko ay sirang sira na ang rosas na hawak ko..
No..di kita pipigilan...gusto ko lang sana sabihing mag enjoy ka...
At umuwi ka agad ha....
Di niya ako sinagot at tuluyang sumama kay Zack...
..
Nag antay ako ng ilang oras sa kanya sa garden pero naubos na yung kandilang sinindihan ko,at yung wine na inilabas ko ay wala parin siya.
Siguro nag eenjoy siya kasama si Zack. Hinintay ko ang tawag niya,ayoko ko kasing tawagan siya baka kasi mas lalong masakal siya sa akin...Kaya kahit alam kong di niya ako tatawagan ay panay ang tingin ko sa phone ko.
..
Nagising ako ng maramdaman ko ang mga patak ng ulan na bumabasa sa akin at nang tignan ko ang paligid ay sirang sira na dahil sa ulan...At alam kong wala parin si Coreen kaya hinayaan ko na lang na sirain ng ulan ang mga ginawa ko..
Minsan na nga lang ako mag effort masasayang pa...
>hi:-) thank you for reading .thank you sa mga sumubaybay sa story ko.thank you for the votes,comments,follows and for adding my story in your reading list.
Vote or comment ka if you like.
I'm open for a suggestion kung ano ang gusto niyong ending.:-)..
And lastly:-) I'm making a new story entitled I'm his seductive slave,sana you can find time para basahin ang new story ko:-)
BINABASA MO ANG
His Desperate Wife
RomanceIn marriage, love is vital. It's the strongest foundation para magtagal ang isang relasyon.Pero paano kung may love nga pero di para sayo na asawa niya?What would you do if he can't appreciate your presence? Would crying be the only choice that I ha...