Coreen' POVLumipas ang mga araw ng kay bilis.Mula nong araw na umalis ako ay di na ulit ako nabigyan ng pagkakataong makita si Kier..
Sa bawat araw na lumipas ay unti unti kong nararamdaman ang sakit ko,unti unti akong nauubusan ng pag asang mabuhay..pero ni minsan di ako iniwan ni Zack,walang araw na di ako pinipilit magpakasal pero araw araw ko rin siyang nerereject...I'm so grateful dahil kahit anong reject ko kay Zack ay never niyang pinaramdam na susuko siya sakin..At kung di dahil sa kanya di sana ako pumayag magpa admit sa hospital. At kung di dahil sa kanya ay gabi gabi sana ko sanang iniiyakan ang naging desisyon kong tuluyang lumayo....Kung sana kaya ko pang tiisin ang sakit ko ay wala sana ako dito sa napakalungkot na hospital na ito.....
"Miss pwede bang iwan muna kita dito sandali,may sasabihin lang ako sa kasama ko".....my personal nurse asked in a concern way...
Yeah..antayin nalang kita dito sa lobby....
Thank you po..sandali lang talaga toh...she said and instantly disappeared in front of me...
I moved my wheel chair para ayusin ang pwesto ko...Yes tama ang nabasa niyo,nakawheelchair na ako.Madalas na kasi akong mahimatay at nahihirapan ng maglakad mag isa...
Malungkot kong pinagmamasdan ang mga taong nagsisidaan sa harap ko kasama ang mga taong mahal nila na may sakit...At habang pilit na inihahatid ng mga mata ko ang mga taong dumadaan sa kanilang paparoonan ay natigil ito ng makita ang taong matagal ng hinahanap ng puso ko..5 months lang ang lumipas pero ang laki na ng pinagbago niya physically,though may bahid ng pag aalala ang mga mata niya ay nakikita kong masaya na siya...
Nagtagpo ang mga mata namin...And i teared up habang pinagmamasdan ang nag aalala niyang mukha...
Alam na ba niya na may sakit ako? Andito ba siya para alagaan ako?
Gusto kong tumayo at agad na yakapin siya pero di na kaya ng katawan kong tumayo...Kaya pinagmasdan ko na lang siya habang naglalakad palapit sakin...
Kier......tawag ko sa ngalan niya ng halos maabot ko na siya sa lapit niya sakin.....
Pero napahikbi nalang ako ang lagpasan niya ako ...
"Kuya Kier".....tawag ng babaeng nasa likod ko..Kahit di ako lumingon ay alam kong kamag anak niya ang babaeng sumigaw..
"Oh..Asan na si Mommy??Kamusta siya?"rinig kong tanong ni Kier..
"Nasa lob kuya,ok lang naman siya kuya,may konting galos lang...at sabi ng doctor pwede nang makalabas ngayon..."
"Mabuti..akala ko malala ang kalagayan niya.".....he said with a relief
Di niya ba ako nakita?? Buhay pa naman ako ah....No..baka kaluluwa nalang ako....natataranta kong kinapa ang sarili ko.....O baka nakalimutan na niya talaga ako...
Tanga ka ba Coreen...Iniwan iwan mo tas ngayon mag eexpect kang babalikan ka?? Pagmahal ka ,babalikan ka..Pero dahil di ka mahal kakalimutan ka nalang...
Pilit kong ipinaintindi sa sarili ko....Gusto ko mang lingonin siya ay di ko ginawa kahit sa loob loob ko ay gusto ko nang malaman niya na may sakit ako..gusto ko nang makita ang pag aalala sa mukha niya na para sakin..gusto kong makita siyang umiyak sa takot na baka mawala ako..
At basi sa tawa niya ngayon ay alam kong di sya naapiktuhan sa pag alis ko.. Luha ang kapalit ng bawat tawang naririnig ko sa kanya ngayon...Ang sakit kasi nakakatawa siya ng ganon ,yung tipong tawa na nasayo na lahat,yung parang walang nawala ,gayong ako ay di man magawang magpanggap na masaya,pano nga naman akong tatawa kung malaking parti ng buhay ko ang nawala....
BINABASA MO ANG
His Desperate Wife
RomansaIn marriage, love is vital. It's the strongest foundation para magtagal ang isang relasyon.Pero paano kung may love nga pero di para sayo na asawa niya?What would you do if he can't appreciate your presence? Would crying be the only choice that I ha...